Sixth

610 18 2
                                    

Umalingawngaw ang katok sa pinto. Dagli akong pumunta sa pinto para pagbuksan ang taong nasa labas. May narinig akong nagsinghapan sa likod ko pero hindi ko na lamang iyon pinagtuonan nang pansin.

"Hello, i-iinform ko lang ang TALKHOUSE na malapit na silang umakyat ng stage." Magalang na sabi ng babaeng nasa twenties pa lang yata.

"Okay." Nilakihan ko ang uwang nang pinto para makapasok ang babae. Agad niyang ininform ang mga lalaki na malapit na nga silang umakyat sa stage. Tumango lamang ang mga ito pagkatapos ay agad ring lumabas ang babae.

"Ugh Effy, can you come here." Nilingon ko si Matthew nang sabihin niya iyon. Agad ko siyang sinunod at umupo sa tabi niya.

"Why?"

"Bakit 'Santayana' ang nakasulat sa likod mo? Why not your real surname?" Kitang-kita ang magkasalubong na kilay nito na para bang nandidiri sa t-shirt ko.

Hindi ko malaman pero agad kong tinignan si George kung ano ang reaksyon niya. Nakasimangot ito habang patuloy parin sa pagpindot sakaniyang phone. Muli kong ibinalik ang tingin ko kay Matthew.

"Sa pinsan ko ito. Gustong-gusto niya rin kayo lalo na si George. Ipinagawa niya ito para mas lalong suportahan kayo kaso hindi siya makakarating ngayon sa gig niyo kaya pinasuot niya saakin. Gusto ko sanang tumanggi kaso wala na akong magagawa dahil nagmakaawa na siya saakin." Mahabang litanya ko para kay Matthew. Kita mo ang pagliwanag sa mukha nito. Nagbuntong-hininga pa ito na para bang sobra siyang relief sa mga sinabi ko. What? Why?

"Hala! Wait, Eff--" Dagli kong sinamaan ng tingin si Trisha nang akmang magsasalita ito. Gosh, muntik na iyon.

"What is it, Trisha?" Nanlamig ang katawan ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon.

Shit George!

Nilipat ko ang tingin ko kay George. Mariin siyang nakatingin kay Trisha habang hinihintay ang sagot nito.

"A-Ano Georg--" Magsasalita na sana ako nang sinamaan niya ako ng tingin.

"Are you Trisha? If your not Trisha, can you just shut up? Hindi kita tinatanong." May himig nang pagkainis ang boses nito. Napatahimik ako dahil roon.

"Bro, huwag ka namang harsh. What? Bakit kayo ganiyan?" Umalingawngaw ang boses ni Zeus. Napapikit ako. I think, this is all my fault. Kung hindi na kami pumunta ni Trisha rito, sana masaya pa silang nagiinuman ngayon.

"Trisha, I'm asking you. Ano ang sasabihin mo?"

"S-Sasabihin ko sana kay Effy na magc-cr ako. Magpapasama lang sana." Nakayukong saad nito. Oh my god! I owe Trisha for that.

Nagulat kami nang biglang isinipa ni George ang mesang nasa harapan niya ngayon. Nagsihulugan ang mga alak na nasa mesang iyon. Napatingin ako kay George na ngayon ay galit na galit. Paulit-ulit na nagmura nang malulutong.

"What the f uck, bro?!" Sigaw ni Zeus sakaniya. Pati si Rush na kanina ay sobrang lasing, mukhang nagising sakaniyang pagkakalasing nang sinipa ni George ang mesa.

"Ano bang problema mo ha?!" Pati na rin si Matthew, lumapit siya kay George at mabilis na kwinelyuhan ito. Ano ba ang nangyayari rito? Kasalanan ko ba talaga kung bakit sila ngayon nagaaway-away?

Malamang Effy! Kung hindi ka pumunta rito, sana hindi sila nagaaway ngayon!

Akmang lalapitan ko na sila nang hawakan ako nang mariin ni Trisha sa kamay. "Effy, alis muna tayo rito."

"Pero--"

"Ang sabi ko umalis muna tayo." Pagkatapos niyang banggitin iyon hinila na niya ako palabas sa room.

"I hate that girl!" Napapikit ako nang marinig ko ang mga salitang iyon na binanggit ni George.

She's into Drummers Where stories live. Discover now