Nineteenth

772 20 4
                                    

"I'm sorry-" Napatigil ako sa pagsalita ng maramdaman ko ang pagyakap niya sa akin. Oh my god, what the..

"Damn. Did you just say that?" Bulong niya saakin. Ramdam na ramdam ko ang init ng kaniyang hininga na dumadampi sa tainga ko. Hindi ko mapigilang mamula sa nangyayari ngayon. Sobrang lapit namin ngayon ni George for pete's sake!

"Alam mo bang sobrang saya ko nang marinig kong sinabi mo ang mga katagang iyon?" Humiwalay siya ng yakap saakin pagkatapos ay hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Napanganga na lamang ako.

Wala akong masabi. I'm out of words. ayaw magsink-in saakin na kinakausap ako ng ganito ni George. He used to be so snob and angry at me but now?

"I'm not holding back anymore, Effy." He bit his lips before hugging me again. W-What?

Madali ko siyang inilayo saakin. Nakita ko ang saglit na pagkunot ng kaniyang noo pero agad itong nawala nang makita niya ang mukha ko.

"What do you mean by not holding back anymore?" Tanong ko. Iyon lamang ang lumabas sa bibig ko. Marami akong gustong itanong sakaniya pero hindi ko alam kung paano sasabihin iyon. Maari bang may nararamdaman na siya saakin, noon pa? Pero pinipigilan niya ang nararamdaman niya saakin dahil sa isang bagay?

"Don't ask, sweetheart. Don't ask." He smiled at me. Shit, naninibago talaga ako, sakaniya! Nahahalata kong ngiti na siya ng ngiti saakin tapos mayroon pa siyang endearment saakin, at 'sweetheart' pa talaga. Kinikilig tuloy ako ng wala sa oras!

Napatingin siya saglit sa relo niya pagkatapos ay binalik ang tingin saakin. "We should go. Maguumaga na," Binuksan niya ang pinto ng passenger seat at pinapasok na ako. Nakita ko siyang isinarado ang pinto pagkatapos ay umikot para pumasok sa driver seat.

Hindi parin talaga ako makapaniwala. Parang nag-aminan na kami. Pero parang ang bilis yata? Di bali na, atleast, alam kong may gusto kami sa isa't-isa. Ibig sabihin, may malaking pag-asa na maging kami. I smiled widely because of that.

Tinignan ko siya habang inaayos niya ang kaniyang pagkakaupo. Nagtaka naman ako ng lumipat ang tingin niya saakin pababa sa katawan ko. Kita kong kumunot ang kaniyang noo pagkatapos ay may inabot sa back seat. Napakagat na lamang ako ng labi pagkatapos ay nilingon ang bintana.

Nandito parin kami sa labas ng bahay. Tinignan ko ang bintana sa kwarto ni mama at napapikit ng wala sa oras. Hindi pala ako nakapagpaalam kay mama na aalis ako! I swear paggising niya, maghy-hysterical iyon dahil malalaman niyang wala ako sa bahay! Paano na ito?

"Here, Effy, Wear my jacket." Dagli akong napalingon kay George at agad nalipat ang tingin sa hawak niyang leather jacket. Nandilat ang mga mata ko habang tinitignan ito. Oh my god, I know this jacket! Ito ang parati niyang sinusuot, everytime na may gig sila! Dati ko pang pangarap na magamit ang jacket na ito, tapos ngayon, hindi ako makapaniwalang masusuot ko na ito ngayon.

"Thank you, George." I exclaimed. Dali-dali kong kinuha ito at isinuot sa aking sarili. Agad kong naramdaman ang warm galing sa jacket na iyon. Nabawasan rin ang lamig na nararamdaman ko dahil rito. At ang mas ikinatutuwa ko ay amoy na amoy ko ang pabango ni George sa jacket na ito. Sana dumikit ito saakin para kaamoy ko na siya!

"Sa susunod, huwag ka ng magsuot ng ganiyang kaiksi na damit kung di mo pala kaya ang lamig." Masungit na saad nito sabay paandar ng sasakyan.

Napasimangot ako ng wala sa oras. Akala ko nawala na ang pagsusungit niya saakin pero..mali pala ako.

Ilang minuto na ang nakalipas at ilang minuto narin namamayani ang katahimikan saamin. Gusto ko siyang kausapin pero di ko alam kung ano ang sasabihin ko sakaniya. Sobrang akward rito.

"You should rest. I know, naistorbo kita sa pagtulog mo. Besides, Malayo pa naman ang Iligan e. Gigisingin na lang kita kapag malapit na tayo." Aniya. Hindi ko parin mapigilang mamula.

"O-Okay." Ani ko. Tumango pa ako at sinunod ang utos niya. Agad kong naramdaman ang antok nung pagkasandal na pagkasandal ko. Ugh, This seat is so comfortable, mas lalo akong naantok.

"Sleep well, sweetheart. Dream of me." Narinig kong habol na sabi niya sa akin. I smiled sweetly before closing my eyes. And because of what he said...

I dreamt of him.

_____

Dagli akong napadilat ng maramdaman ko ang sinag ng araw na tumatama sa mga mata ko. Napahikab ako ng isang beses bago umayos ng upo. Napansin kung nasa isang gas station kami at nakapark ang sasakyan sa tapat ng isang mini mart. Napakunot ang noo ko ng makitang wala sa tabi ko si George at naiwang bukas ang pintuan ng driver seat. Where is he?

"Dude, I said I'm sorry." Ani ng isang pamilyar na boses. Agad akong napatingin sa likod ng kotse at doon ko siya nakita, nakatayo habang may kinakausap sa cellphone.

"Pwede niyo namang i-cancel iyan ha? Marami pang dadating na gigs, Matt. Hindi naman nakakasama na mag-cancel tayo ng dalawang gigs diba?" May himig na inis sa tono nito. Hindi ko mapigilang mangunot ang noo habang sinisink-in ang mga naririnig ko.

Wait. Iniwan niya ang dalawang gigs sa Cagayan De Oro para lang pumuntang Iligan kasama ako?!

Hindi tama iyon! Alam kong kaya sila nagg-gig sa iba't-ibang lugar ay dahil gusto nilang apat na sumikat at makilala ng maraming tao. At bilang fan nila, sinusuportahan ko sila! Pero dahil lang dito sa pagpunta namin ng Iligan, masisira ang mga pangarap nila? No!

"Fuck! Don't disturb me! Minsan lang ako humingi ng vacation, Matt. Kailangan ko rin ng pahinga." Pagkatapos niyang sabihin iyon agad niyang pinatay ang tawag pagkatapos ay bumalik na sa driver seat. Nagulat ito ng makita niyang gising na ako.

Pumasok siya ng sasakyan pagkatapos ay pinaandar na ito.

"May pancakes at hot chocolate diyan sa likod. I know your hungry, so eat." Aniya habang hindi inaalis ang tingin sa daan. Hindi ko pinansin ang sinabi niya at pinagpatuloy lamang ang pagtitig sakaniya.

Ilang beses niyang binalik ang tingin saakin bago napabuntong-hininga. "What is it, sweetheart?" Muli kong naramdaman na uminit ang magkabilang pisngi ko pero agad akong umiling at sinamaan siya ng tingin.

"Narinig ko ang pinagusapan niyo ni Matt," Seryoso kong saad. Nakita kong umirap siya sa kawalan. "It's nothing-"

"Nothing? George, dalawang gig iyon! Sinayang mo lang dahil, rito? Sa pagpunta natin ng Iligan?" Nanghihinayang kong sabi. Sayang naman kasi talaga iyon! Kung ako si Matt, malamang magagalit rin ako kay George.

Napakagat ako ng aking labi ng makita kong tumalim ang titig niya sa daan.

"Itong pagpunta natin sa Iligan ay mahalaga sa akin, Effy. At kung papipiliin ako kung ang gig na iyon o ikaw? Ang pipiliin ko ay ikaw! Dahil mas mahalaga ka kaysa sa iba. Tandaan mo iyan." Tiim bagang saad nito.

I'm speechless.

A/N:

I'm so sorry, guys! Naging sobrang busy lang ako at sobrang heartbroken! Sana mapatawad niyo ako! :--( Pls still support my story guys! I love you! 

She's into Drummers Where stories live. Discover now