Second

1K 28 2
                                    


A/N: Pinalitan ko ang name nang band, imbis na American Idiots ay TALKHOUSE na ;--)

--

"Oh my gosh! Effy, ipasa mo saakin ang picture na iyan!" Natawa ako sa reaksyon ngayon ni Trisha, ang pinaka malapit na kaibigan ko rito sa CDO.

"No. Saakin lang ito. Atsaka ano naman ang gagawin mo sa picture namin ni George?" Kunot-noong tanong ko sakanya.

"Secret!" Kinikilig na saad nito. Hindi ko tuloy napigilang batukan siya sa ulo.

"Para kang sira! Hinding-hindi ko ibibigay sayo ang picture namin nang asawa ko no!" Sigaw ko sakaniya at kinurot ang matabang pisngi nito.

"Aray naman, ang bayolente mo talaga! Joke lang naman iyon. Halika at samahan mo ako sa cafeteria, bibili ako nang icecream." Ngiting saad nito. Tinawanan ko lamang siya at sinamahan na siya sa cafeteria tutal ay nagcr-crave din ako dun.

Hindi ko parin nakakalimutan ang mga nangyari kagabi. For me, that is the best night of my life talaga! Kahit na pagdating ko sa bahay ay nahuli ako ni mama na wala sa kwarto ko.

"Na-grounded ka ba?" Ani Trisha.

"Nope, pinagsabihan lang. My mom is cool right?" Proud na saad ko.

"Yeah, she is. Gusto ko talaga yang si tita e!" Segunda niya.

Muli akong napatingin sa lockscreen nang phone ko, It's the selfie picture of me and george. Ang picture na gustong-gustong kunin ni Trisha. "Oh my god," Napatingin ako kay Trisha na ngayon ay nakatulala.

"Gaga okay ka lang ba?" Ani ko sakaniya pero hindi parin siya gumagalaw at nakatulala parin. Sinundan ko kung saan siya nakatingin at halos manlaki ang mga mata ko ng makita ko sila Matt, Zeus, Rush at George sa cafeteria na nagtatawanan.

"Oh it's Effy!" Biglang sigaw ni Matt na naging dahilan ng paglingon nilang tatlo sa pwesto namin ni Trisha.

Nagkatinginan kami ni Trisha at paglipas lamang nang ilang segundo nasa table na nila George si Trisha, kinakausap si George! Walanghiyang Trisha yan.

Mabilis akong lumapit sa table nila at pilit na inilayo si Trisha kay George. "Hi George, Matthew, Zeus, Rush!" Masayang saad ko sakanila habang patuloy paring inilalayo si Trisha kay George na pilit paring lumalapit sakanya.

"Hi! Nice to meet you again, sweetheart." Ani Matt. Naramdaman kong uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. That's Matthew Suarez, sobrang sweet sa lahat ng babae kahit hindi niya kilala.

"Hi! I-I'm Trisha Abueva, close friend ni Effy." Muli siyang lumapit kay George at kinuha ang kamay nito para makipag-shake hands. "Hi George," Kilig na saad nito. Nakita ko ang pagkairita sa mukha ni George kaya madali kong inilayo si Trisha at inilapit kay Matt.

"Matthew, friend ko." Pinakilala ko siya kay Matt. Matt, pwede mo rin bang sabihin kay Trisha ang sinabi mo saakin kanina? para sayo na mapunta atensyon niya.

"Hi." But Matthew just smiled at her and then stared at me again. W-Wait, kanina ko pa nahahalatang titig siya ng titig saakin....o guni-guni ko lang iyon? Masiyado lang siguro akong assuming.  Pero bakit hindi siya naging sweet kay Trisha ngayon? o baka wala siya sa mood maging sweet ngayon sa mga babae?

Binalik ko ang tingin ko kay George na nakatulala sa coke niya. Bakit hindi mo ko tignan, Mr. Santayana? Natatakot ka bang mainlove sa akin?

"Why are you smiling like you are raping me inside your head?" Nabalik ako sa huwisyo sa sinabi niya. At nakita ko din ang magkasalubong niyang kilay.

"A-Ano?"

"Tss," He just roll his eyes at me and stared again in his coke. Hala, ano daw?

I heard Matt cleared his throat. "Anong kurso niyo?" Tanong niya saamin. Siniko ko si Trisha at binigyan siya ng tingin na 'ikaw na ang sumagot.'.

"Parehas kami ng kurso na pinili ni Effy, HRM." Ani nito. Nginitian ko si Matt para sumangayon.

"Oh, Kami ni George at Zeus ay parehas rin na piniling kurso, Engineering. Samantalang ito si Rush ay Fine Arts ang pinili." Tumango ako at muling ibinalik ang tingin kay George na magkasalubong parin ang dalawang kilay.

"Alam ko." Sabi ko.

"Wow paano? Stalker kita no?"

Natawa ako sa sinabi niya. "Di-" Naputol ang sasabihin ko nang biglang tumayo si George.

"Zeus, Matt, halika na baka malate tayo sa klase natin. Rush, pumunta ka na sa library diba sabi mo magkikita-kita kayo nang mga kaklase mo roon para pag-usapan ang report niyo?"

"Shit, Oo nga pala. Osige mga bro, aalis na ako at baka mapingot nanaman ako ni Ms. Taray." Kinuha na nito ang mga gamit niya at nakipagfist-bump sakanila. Tumango lamang siya saamin ni Trisha bago umalis.

"Ano--" Naputol nanaman ang sasabihin ko nang magsimula ng lumakad palabas ng cafeteria si George.

"Sige Effy, Trisha. Mauna na kami ha! Sorry." Nginitian kami ni Zeus bago tumakbong sinundan si George. "Effy, bibili na ako nang ice cream ha. Hintayin mo ako rito. Matthew, Nice to meet you!" Nagwave siya saglit kay Matt bago pumunta sa bilihan nang ice cream.

"So," Ani Matt. Napatingin ako sakaniya. "Huh?"

"Effy, Can I have your number please?" Nagulat ako sa saad nito. Is he serious? Hinihingi niya talaga ang number ko? Ang isang Matthew Suarez, hinihingi ang number ni Effy Montaya na isang ordinaryong babae lamang? Nananaginip ba ako?

"So?" Muling saad nito.

"Of course." Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at ipinakita sakaniya ang number ko. Pagkakuha niya nang number ko, dinial niya agad ito. "Ayan, save my number too. By the way, may gig kami tonight sa Swim Deep. Sana makapunta ka at isama mo na rin si Trisha, alright?" Agad akong tumango sa sinabi niya.

"Ofcourse, pupunta kami!" Masayang sabi ko.

"Great, so, see you later!" Nginitian ko siya at tumango.

"Suarez," Sabay kaming napalingon ni Matthew sa pinto nang cafeteria at doon nakita namin si George na masamang nakatingin kay Matthew.

"Ano? papasok ka ba o hindi?" Masungit na sabi nito.

"Eto na!" Sigaw nito. Tumingin muli siya saakin. "Sige, Effy. Bye!" Muli niyang sinabi.

"Bye, Matthew." Ani ko.

"Ano ba?!" Sigaw muli ni George kay Matthew. "Ito na nga oh!" Sigaw niya kay George at tumakbong lumapit rito. Kumaway si Matt saakin, kakaway rin sana ako pero bigla siyang binatukan sa ulo ni George at hinila papalayo sa cafeteria. Ang bayolente rin pala ni George, bagay na bagay talaga kami!

"Hoy! Binilhan na kita oh." Lumapit sakin si Trisha at ibinigay ang icecream.

"Kuwento mo nga saakin kung paano mo nakilala si George." Napairap ako nang marinig ko iyon kay Trisha. Nagsimula narin kaming bumalik sa room namin.

"Ilang beses ko nang ikinwento iyan sayo!" Iritableng saad ko.

"Eh! Dalian mo na kasi, Effy. Sobrang nakakakilig kasi talaga!" Pilit nito. Hay nako dahil sa sinabi niyang iyon, napilitan nanaman akong ikwento sakaniya ang unang pagkikita namin ni George.

She's into Drummers Where stories live. Discover now