Fifteen minutes na kong nakatayo pero ni isang taxi, wala pa ring dumadaan. Lumakad ako papunta sa main street, siguradong may taxi pa na dumadaan doon.

Medyo madilim na rin yung dinadaanan ko. Though may poste naman, pero malabo din kasi orange yung ilaw. Patuloy lang ako sa paglakad nung may marinig akong kaluskos sa may likod ko. Lumingon ako pero wala namang tao. Baka pusa lang o aso.

Naglakad na ulit ako pero iba na talaga yung pakiramdam ko. May sumusunod talaga sa akin. Binilisan ko ang paglalakad. Two blocks na lang at may 7-11 doon, for sure safe na ko pag nakarating na ko doon. Sarado na kasi lahat ng shops dito sa dinaanan ko.

Kahit kinakabahan, lumingon ako para tingnan kung may sumusunod talaga. Paglingon ko, nakita kong may isang lalaki na nakahood. Binilisan niya rin yung lakad niya nung lumingon ako sa kanya. Lakad-takbo na ang ginagawa ko. Natatakot na talaga ako.

“Miss teka lang!” sigaw nung humahabol sa akin. Nakakatakot pati yung boses niya. Halatang masamang tao talaga. Mas dumoble yung kaba ko. Nilingon ko ulit siya pero may nabangga ako sa unahan ko kaya napatigil ako.

Tumingin ako sa bumangga sa akin. Nakahood din siya at may takip pa ang mukha ng black net. Shit! Hawak-hawak na niya ako sa dalawang balikat.

“Miss, bakit mag-isa ka lang na naglalakad ng ganitong oras?” tanong niya sa akin.

“Oo nga miss. Hindi mo ba alam na delikado yan?” sabi nung isa pang lalaki, nahabol na rin niya ako. My knees are getting weak. I can feel my heartbeat racing. Pareho na silang nakahawak sa akin ng mahigpit. Nabitawan ko tuloy yung bag ko.

“Bitawan n-nyo ako. A-ano bang k-kailangan ninyo?” I managed to say.

“Kailangan namin ng pera mo. Pero hmmm..” umikot sa akin yung isang lalaki na para bang sinusuri niya ako habang ang isa naman ay mahigpit na nakahawak sa akin. “Parang ayoko na yata ng pera.” sabi niya at hinawakan ang pisngi ko.

“Eh ano bang gusto n-nyo? Cellphone ko ba?” kinuha ko sa bulsa ng blazer ko at inabot ko sa kanya. Kinuha naman niya yon pero natawa lang siya. “Kulang pa ba yan? Gusto mo pati laptop ko, ibibigay ko na. And my wallet too.” tumingin ako sa bag ko sa sahig.

“Pare, ayos na ba sayo ang inaalok nitong si miss?” tanong nung nakahawak sa akin.

Nasasaktan na talaga ako sa pagkakahawak sa dalawa kong braso. “Please. Ibibigay ko na sa inyo lahat ng gamit ko. Just please let me go.”

“Sorry miss. Pero iba na kasi ang gusto ko.” he traced his fingers from my cheek to my neck. “Ikaw na.” I shivered.

“N-no please. Pakawalan nyo na ko!” sumisigaw na ako. I just hope someone would hear me. “Tulong! Tulong!”

Sigaw lang ako ng sigaw. Sinusubukan ko ring makawala pero masyadong malakas yung may hawak sa akin.

Naglabas naman ng packing tape yung lalaki sa harapan ko. Nilagyan niya yung bibig ko. “Ayan miss, para tumahimik ka. Masyado kang maingay.”

Tinapik niya yung kasama niya. “Dalhin mo yang babae dun sa gilid. Mahirap na, baka may makakita sa atin dito.”

Hinila nila ako papunta doon sa mas madilim na part. Pilit kong sinisipa yung lalaki pero mukhang hindi siya tinatablan. Alam ko na ang balak nilang gawin sa akin. Takot na takot na ako.

“Miss, magsisimula na kami ha. Wag kang mag-alala, magugustuhan mo rin ito mamaya.” lumapit ulit yung isang lalaki at hinaplos yung buhok ko pababa sa leeg ko hanggang makarating ang mga kamay niya sa ibabaw ng blouse ko.

My Father's Other Woman (ON HOLD)Where stories live. Discover now