"Ah... Clementine" She gave Oli her sweet smile. Nagkamayan sila sa harap 'ko.
"I know." Naka ngising aso na sagot ni Oli sabay tingin sakin.
Tangina kaya ayoko siya ipakilala kay Mentina eh.
"Alam mo ba, lagi kita nakikita nung grade 8... Haggang grade 9 nga eh! Kase, nung grade 8 diba mag classmate kami neto ni Ian? 'Don lang kami sa dulo ng 2nd floor! Eh same floor tayo diba? Tapos nung grade 9 naman, same building tayo! Tapos classmate 'ko ulit 'to, nakakasawa na nga 'ko sa mukha niya eh pero okay lang naman, kaya pa. Tapos 'yun na nga, same building tayo pero 3rd floor ka tapos 2nd kami, edi syempre lagi ka namin nakikita? Diba? Ayon classmate mo din pala yung kaibigan namin ni Ian nung grade 8 kaya nakilala kita! Eh mag kakilala naman na kayo ni Ian kase childhood friends kayo diba? Tapos 1 year ka na atang number 1 sa Facebook search list ni Ian e—"
Putangina ni Oliver.
Bago pa matapos si Oli sa pang eexpose sakin ay sinampal 'ko na ang pisngi niya na ikinagulat ni Mentina. Namumula na 'ko sa hiya pero nag tuloy tuloy lang 'tong gagong 'to.
Mabuti nalang ay tinawag na ni Mommy si Clementine kaya naiwan kami ni Oli sa kwarto 'ko. Mabilis dumapo ang kamay 'ko sa kwelyo niya.
"Clementine, pwede paki distribute?"
I raised my eyebrow while staring back to Valdez. Our new president. Hindi lang kami nag sabay ni Mentina ng uwi ng isang araw, naging close agad sila ng president kinabukasan. "Me and Mentina are just friends"
He sounds defensive.
"I know you like her" I frowned when he suddenly smirked then telling me I like Clementine.
"Ano ngayon?" So what? Ano naman? Paki nya kung may gusto ako kay Mentina?
"I'm gay"
I won't take that.
Alam kong nag seselos ako kaya ako ganito sa harap ng lalaki kahit wala naman akong karapatan para makaramdam nito dahil best friends lang kami ni Mentina. Nothing more.
Eventually, it was proven that Valdez or Aeden is really gay when he brought his boyfriend over after 2 weeks when Mentina introduced him to Yia. Naguilty pa 'kong ilang linggo 'kong pinag dududahan si Aeden.
"Uy pare gusto mo mag double date kasama girlfriend mo?" Tanong ni Sean habang naka upo kami sa bench ng park at inaantay si Mentina na pumipila sa nag lalako ng ice cream.
Ang matangkad at kasing energetic ni Yia na boyfriend ni Sean ay mabilis naman namin naging kaibigan kahit unang araw palang dahil sobrang friendly nito at masarap kausap dahil nakakatawa siya at sobrang daldal.
"What? I don't have a girlfriend" I frowned at his question.
"Ha?" Nanliit pa ang mata nito para suriin kung nag sisinungaling ako pero agad nya din akong tinuro sabay tingin kay Aeden.
"Hindi sila ni Clementine. Best friend daw sila" si aeden na ang sumagot para sakin.
Pero tumawa lang ng malakas ang nakakatandang lalaki. "Nice joke," nag patuloy ito ng tawa habang naka tingin lang kaming tatlo nila yia sakanya bago sya huminto at tumingin sakin. "For real?"
"For real"
"Bakit?!" Parang against na against siyang hindi kami mag jowa ni Clementine. Well, ako din naman pero... "Halata namang gusto mo 'yon eh?" Dagdag pa niya.
Hindi 'ko siya sinagot dahil mukhang alam niya naman na ang sagot dahil sa pananahimik 'ko.
"Hina mo naman pala." nag 'tsk' pa ito ng dalawang beses habang si Yia ang unang nag react at tumawa.
YOU ARE READING
Traces Of The String (Red String Series #1)
RomanceThey're Best of Friends. They grew up together. He loves her as much as how she loves their years of Friendship. She hates Friends to Lovers as much as how he hates to pretend. What will happen if she found out the love of a friend she value the mos...
Chapter 11
Start from the beginning
