☀︎⋆.
Tumingala ako sa puting dingding habang naka hilata sa inflatable swimming pool namin mag isa. Isang buwan at kalahati na ang nakalipas matapos mag simula ang bakasyon. Ilang araw nalang din ang natitira bago mag simula ang sunod na school year at hanggang ngayon ay wala pa din akong ginagawa. Ang huling alis ko ng bahay ay nung nag swimming pa kami nung birthday ko. Napaka boring.
"Mentina!" Hindi na ko humarap pa sa boses na tumawag sakin. Ipinikit ko ang mata ko at hinayaang yakapin ng malamig na tubig ang aking katawan.
Napa awang ang bibig ko nang pag dilat ko ay mukha ni Ian ang naka yuko sakin. Gaya ng nakasanayan ay nanatili lang ang tingin nya at nag simula kaming mag staring contest. Hindi 'ko alam kung bakit ang hilig niya tumitig peto nakasanayan 'ko na din dahil bata palang kami, gawain niya na 'to.
"Ian"
Tinawag 'ko ang palayaw ni Kyllian, humihikab at kinukusot 'ko pa ang mata ko matapos maupo mula sa pagkakahiga. Wala na si Mommy Liliane sa kabilang gilid 'ko pag gising ko bukod kay sa isa 'ko pang katabi na naka suot ng Spiderman Pajama na naka upo sa paahan 'ko at nakakatitig.
Muli akong humikab dahil sa antok. Nanliit nalang ang mata ko, sinusubukang ibalik ang titig sakaniya pero nag pupumilit itong pumikit dahil sa antok.
Napakamot naman ako sa pisngi ko dahil sa titig nyang walang palya. Pero agad din ako napatigil nang maramdaman ko ang tuyong laway sa gilid ng labi ko. Napa iling nalang ako at sinubukan pang itayo ang sarili kong naka suot ng Hello Kitty pajama. Pero sa huli ay bumagsak pa rin ang katawan ko sa malambot na higaan at muling nakatulog dahil bumibigat ang talukap ng mata 'ko.
"Anong kailangan mo?" Ako na ang tumutol ng pag tatama ng tingin namin at inayos ang pwesto sa pool. Naupo ako at humarap sa kung nasaan siya. Habang siya naman ay mabilis na pumwesto sa maliit na silya sa harap ko.
Hindi naging mahirap maibalik ang closeness namin ni ian. Dahil noong swimming namin sa resort ay nag karoon kami ng oras para muling buksan sa isa't isa ang mga nangyaring hindi namin nakita sa loob ng mga taong hindi namin pag uusap. Madami akong nalaman muli sakanya non at masaya akong nag eeffort kaming mag open-up sa isa't isa dahil pareho naming gusto malaman ang mga bagay na nakaligtaan namin at muling mabuo ang pinag samahan namin. Sobrang saya ko. At matapos ng swimming namin na iyon ay nag patuloy na ang pag punta nya samin o pag punta ko sakanila dahil iniimbita naman kami mismo ng magulang nya o magulang ko.
"Enrollment na the day after tomorrow. Sabay tayo?" Napangiwi ako sa sinabi nya. Pumunta pa sya dito para lang itanong yan? Pwede naman niya i-text nalang.
"Kasama ko si Yia eh" Nilagyan ko pa ng pang hihinayang ang tono ng boses ko.
"Yeah, so? Edi tatlo tayo" He tilted his head, wondering what's wrong about it. Tinarayan ko nalang sya at muling tinalikuran siya upang ihilata ang ulo sa dulo ng pool. Naramdaman ko pa ang pag sawsaw nya ng kamay nya sa tubig. Agad ko din siyang hinampas gamit ang basa kong kamay dahil sadya niyang tinalsikan ang mukha ko ng tubig.
Tinaas ko ang middle finger ko sakanya pag tapos punasan ang mukha ko. Tinawanan nya lang naman ako at tinuloy pa ang pang iinis sakin. Mas pag papatuloy niya pa ang pang iinis nya pag nakikita nyang naiinis ako eh kaya inignora ko nalang sya at inihiga ang ulo ko sa matigas na inflatable pool dahil sa hangin nito sa loob. Kinuha ko ang cellphone ko at doong pusisyon nag gadget.
Naramdaman ko naman ang pag tayo ni ian at nilagay ang maliit na silya nito sa likod ng uluhan ko. Mukang pinapanood nya ko makipag usap kay Yia sa messenger dahil naramdaman 'ko ang pagpatong ng baba niya sa tabi lang ng ulo 'ko.
YOU ARE READING
Traces Of The String (Red String Series #1)
RomanceThey're Best of Friends. They grew up together. He loves her as much as how she loves their years of Friendship. She hates Friends to Lovers as much as how he hates to pretend. What will happen if she found out the love of a friend she value the mos...
