Chapter 3

21 2 0
                                        


Malungkot kong tinitignan ang pangalawang bracelet na nasa pulso ko, ang isa ay pilak habang ang isa ay isang makapal na itim na tela, may design itong kulay pink at sa gitnang bahagi ay may letrang C.

Ang pilak ko na bracelet ay halos kasabay ko na tumanda, hindi ko na alam ilang taon ko na suot at kung sino ang nag bigay. Habang ang tela naman na bracelet ay 30 minutes palang tumatagal sa pulso ko.

Sa araw ng kaarawan ko ay umamin si Ralfh sakin, isa sa mga malapit na lalaking kaibigan ko sa classroom.

Hindi ko nagustuhan yon pero nalulungkot ako. Hindi ko nasuklian ang pag amin nya ng nararamdaman sakin dahil wala naman talaga akong nararamdaman para sakanya kundi pagkagusto bilang kaibigan lang. Hanggang don lang.

Tinanggal ko ang telang bracelet sa pulso ko at iligay ito sa wallet ko, ayoko mag bigay ng mix signals gamit lang sa pag suot ng binigay nya sakin. At for some reason, it feel so wrong seeing another bracelet beside my old one.

Yung bulaklak naman na binigay niya, nilagay 'ko nalang muna sa bag 'ko dahil yari ako sa magulang 'ko pag umuwi akong may dalang bulaklak.

Ayokong makatuluyan ang isang kaibigan, ayokong nagugustuhan nila ako at ayokong nagugustuhan ko sila bukod sa pag kakaibigan lang. I dislike that trope. Lalo na pag malalim ang pinag samahan namin bilang mag kaibigan.

Dahil bakit mo sasayangin ang pinagsamahan nyo ng ilang panahon kung mauuwi din naman sa kasawian pag nag kagusto kayo sa isa't isa pero sa huli ay masasaktan lang naman? Mawawala lahat ng pinag samahan nyo bilang mag-kaibigan at hindi ko gusto yon.

Kagaya ng nangyari samin ngayon. Lalayuan ako ni Ralfh oara maka move on siya at naiintindihan 'ko yon.

"Girl, are you really okay?" Naka halumbaba pa si Irisha sa palad nya habang naka tingin sakin. Kaming dalawa ni irish ang natira sa aming naka paikot na silya dahil ang apat pa naming kaibigan ay bumili ng makakain namin sa canteen.

"Okay lang, hindi lang mawala sa isip ko yung nangyari kanina sa mini forest" Tinukoy ko yung nangyaring pag amin sakin ni Ralfh ng nararamdan. Nagkagusto na pala sya sakin nung mag kagrupo pa kami sa Group project naming Atomos.

"Why? Nacicringe ka?" Irisha chuckled, i couldn't almost hear what she said because of how tiny and soothing her voice is. Napa nguso naman ako at umiling. Hindi naman sa ganon.

"Di ah... Nanghihinayang lang, kaibigan ko yon eh" Sayang friendship, pero mas mabuti na rin siguro 'to kaysa umasa siya sa wala.

"Bawal ba ulit maging friends kahit finriend zone mo na?" Ramdam ko naman ang ngiti nya kahit natatakpan ng facemask at makapal na salamin nya ang mukha nya.

"I mean ano... Hindi na kasi mababalik sa dati, awkward na" tumango tumango pa sya sa sinabi ko na parang narealize naman nya ang point ko.

"Ayaw mo talaga sa friends to lovers? Hindi ba dapat maging friends muna kayo to get to know each other aside from courting? Against ka don?" Lumobo ang pisngi ko sa curious na tanong sakin ni irisha.

"Hindi naman, hindi ako 'totally' against sa friends to lovers kasi gaya ng sabi mo, it's also a way of getting to know each other. What I mean is yung sobrang close nyo ng kaibigan nyo, you can almost call it best of friends pero may pag tingin pala sayo. Ayon ang ayoko, nanghihinayang ako masyado sa pinag samahan" Seryosong seryoso pa ko sa sinabi ko.

Traces Of The String (Red String Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon