Chapter 5

19 0 0
                                        

☀︎⋆.

"Dali naman, Kyllian!"

Naiinis pa ko napapadyak habang nakatayo sa labas ng gate nila. Inaantay si ian na nag susuot palang ng sapatos at may kagat pang pandisal sa bibig sa labas ng pinto nila.

Madilim pa ang kalangitan dahil 5:20 palang ng umaga pero inagahan na namin ngayon ang pag pasok dahil ngayon ang unang araw ng klase ngayong new school year.

Agad kong hinablot ang pulso nya noong nakalapit na sya pag tapos mag madaling i-suot ang sapatos nya, nandon na daw kasi si Yia sa tapat ng gate ng school namin. Sabay kami papasok ng school dahil magkatabi lang naman ang classroom namin.

Ilang weeks din bago matanggap ni yia na pilot section sya. Gusto nga nya mag palipat eh kaso ang sabi kailangan ng matinding dahilan bago tanggapin ng principal. No choice naman sya dahil ang reason nya lang naman ay madaming matalino, hindi 'daw' nya kaya makipag sabayan.

"Aga naman kasi natin eh" Malakas pang humikab si Ian habang nasa loob kami ng trycicle papuntang school. Sinamaan ko naman siya ng tingin at kinurot ang braso.

"Wag mo ko igaya sayo, ala sais ka kase pumapasok eh!" Inirapan ko pa sya at nag bayad muna sa driver. Totoo naman, nakikita ko nalang yan tumatakbo last year papuntang room nya dahil late na sya.

"Puro introduction lang naman gagawin ngayon" Bumulong bulong pa sya. Oo nga, introduce yourself. Ready na nga ko eh, nakapag decide na ko kung anong personality ko this school year.

Bet ko maging nonchalant na smarty gaya ni Irisha. Kinwento ko pa yon kay Ian pero tinawanan nya lang ako dahil hindi daw ako tatagal ng limang minutong tahimik.

"You did your make-up?" Napabaling ang tingin 'ko kay Ian habang hinahawi ang buhok 'ko dahil lumilipad ito kasabay ng malakas na hangin dito sa trycicle.

"Halata ba? Nanood ako sa Youtube nung simple make-up for school. Pangit? Tanggalin 'ko nalang?" Sunod sunod na tanong 'ko sakaniya pero nanatili lang ang tingin niya sakin.

"No. You look pretty." Seryoso ang mukha at tinig niya habang sinasabi niya 'yon pero hindi 'ko nalang pinansin at tinanguan nalang siya.

Tumigil lang trycicle nang makarating kami sa tapat ng school. Madaming estudyante ang kasabayan naming pumasok dahil first day nga.

Inakyat namin ang hagdan ng school, Hagdan ng Karunungan nga kung tawagin ng mga estudyante dito dahil sa taas at daming steps. Paakyat na kami nung nakita namin si Yia sa pinakataas. Naka angat agad ang kaliwang kilay at titig na titig sakin.

"Late ka nanamang punyeta ka" Agad kong hinawi ang kamay ni Yia na hahampas sakin nung makalapit kami.

"5:10 palang kase nandito ka na, diba 5:20 nga?!"

Inabutan ako ni Ian ng panyo dahil pinagpawisan ako sa pag akyat namin sa hagdan.

5:50 na nung nakarating kami sa building namin dahil hindi namin namalayan ang oras nung kumain pa kami sa canteen dahil wala pa akong almusal at si Yia. Ganon nalang ang kaba ko habang naglalakad na kaming tatlo sa 2nd floor ng building 7. Hinarap ko pa si ian pero mukang wala siyang pake at halatang may sariling mundo. Kung ako kinakabahan, mas kinakabahan naman ang katabi ko.

"Natatae ka?" Tiwanan pa ni Ian si Yia na halatang kabang kaba, wala pa nga kami sa room namin.

"Manahimik ka" Tumawa nalang ako dahil sa sinabi ni yia.

Traces Of The String (Red String Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon