☀︎⋆.
"San ba yan?" I asked aeden while he's sitting on the teachers table while I sat on the chair beside it.
We are the only two left in the classroom because all my classmates are rehearsing the dance for our foundation day which will be held tomorrow. Bumalik muna kami dito sa classroom dahil nautusan siya ni Sir dela paz at sumama nalang ako dahil sa pagod kaka sayaw.
"Dyan lang sa mall, gala lang. Ano tara?" Niyayaya kasi ako nila na mag mall pag tapos daw bukas ng foundation day. Si Sean kasi ay walang pasok bukas at gustong pumunta dito kahit nandito naman sya nung Friday.
"Di ko alam eh. Baka di ako payagan" I said while wiping my sweat using the handkerchief.
"Sus basic. Kami mag papaalam sayo" Tumaas pa ang dalawa nyang kilay. Nag taka naman ako dahil alam nya din naman siguro na hindi pa din ako papayagan pag sila ang mag papaalam dahil isang beses palang sila nakikilala nila mama.
"Isama lang namin si ian, papayagan ka na eh" Tumawa sya at napa iling naman ako. Totoo naman ang sinabi nya dahil may tiwala ang pamilya ko kay ian kaya siguradong papayagan din ako.
"Hoy ano yan? Nag s-skip kayo ng practice ah!" Umalingaw ngaw sa tahimik na classroom ang sigaw ni ian samin pag pasok nya at pinag papawisan pa.
"May pinapagawa samin, sira" Sabi ko at nag kunwaring may ginagawa din sa mga papel na hawak ni aeden kahit sya lang naman talaga ang may ginagawa.
"Ano yan?" Sumilip pa sya sa mga papel pero tinulak lang ni aeden ang mukha nya.
"Wala! Hahatid ko lang 'to sa faculty tapos sabay na tayo bumalik sa court." Tumango nalang ako at pinanonood ang likod nyang mawala sa paningin ko.
Umikot ako sa table at naupo sa upuan ng teacher's table. Pinanood 'ko si Ian na hinila ang isa pang Monoblock chair na nasa gilid at dinala sa tabi 'ko.
"Ano? Sama ka bukas?" Tahimik ko siyang pinagmamasdan nang inihiga niya ang pisngi sa teacher's table.
"Paalam nyo daw ako kila mama"
"Sige, malakas naman ako kay Mama Shel eh" pag tukoy nya sa mama ko.
"Hmm" Hinawi ko ang hibla ng buhok nya na naka harang sa singkit na mata nya. Pinikit nya ito habang sinimulan kong suklayin ang buhok nya gamit ang mga darili ko.
"Kumusta kayo ni Loren?" Tanong ko habang pinag mamasdan ang nakapikit nyang mukha. Hindi naman nag bago ang eksprasyon nya nung tinanong ko ang sitwasyon nila ni Loren dahil kani-kanina lang ay biglaan itong umamin kay ian ng nararamdaman.
"Wala... Hindi ko sya kinakausap" Tumaas naman ang kilay ko at mahinang tinampal ang pisngi nya kaya agad niyang minulat ang mata niya at nag reklamo.
"Pangalawang confession mo na natanggap yan galing sa dalawa nating kaklase kahit 5 months palang ang section na 'to. Iniwasan mo pareho" ang sabi ko at ginamit panghimas ang isang darili ko pisngi niyang tinampal ko kanina kaya natigil naman siya sa pag reklamo at hinayaan ang mukhya nyang nakahiga sa table at naka lingon sakin.
"Hindi ko sila gusto" Mariing sabi nya.
"You still like that girl you won't tell me about?" Ang tanong ko na tinutukoy ang sinabi nya sakin na nagugustuhan nya daw pero hindi nya sinasabi kung sino.
Hindi sya nag salita na tinanggap ko naman bilang 'oo' sa tanong ko. Napabuntong hininga naman ako at muling binalik ang kamay sa buhok nya.
"Sino ba kasi yang crush mo? 'wag mong sabihing ako 'yan" Seryosong sabi ko.
YOU ARE READING
Traces Of The String (Red String Series #1)
RomanceThey're Best of Friends. They grew up together. He loves her as much as how she loves their years of Friendship. She hates Friends to Lovers as much as how he hates to pretend. What will happen if she found out the love of a friend she value the mos...
