Prologue

36 2 0
                                        

☀︎⋆.

"Did you checked the guest list? They're all powerful, man. They can destroy our restaurant if we didn't satisfy them!" Stress na stress na bumagsak ang katawan ng manager ng restaurant sa harap ko na parang hindi sya sanay na puro tycoon ang pumipili ng pagkain namin.

"Did we ever had an unsatisfied customer? I don't think so" Mayabang na sabi ko na pinag krus pa ang braso.

"Now that's the spirit! Don't ever try to disappoint these people's taste. Or we'll get in trouble, Mentina" Binantaan pa ko ng manager ng restaurant na isa sa mga matalik kong kaibigan. May kasama pang pag duro ng darili sakin.

Agad rin naman  siyang umarteng natutunaw at napapikit ang mata. Nakatingin lang ako habang sakaniya habang naka upo sa swivel chair ng kwartong ito.

"By the way, may isang guest si Mr. Big Tycoon na kakagaling lang ng ibang bansa! I heard he's favored and recognized by so many big people!" Chismis sakin ni Blue, ang bading na manager ng restaurant.

"I heard he's also very handsome! Can't wait to see him." kinikilig pang sambit nito
"Unknown ang relationship status! Anyway, he's also a doc—" Napatigil ito sa pag dadaldal nang bumukas ang pinto at lumitaw ang boyfriend nitong may dalang paper bags na pinapabili ni blue sakanya kanina.

Agad naman tumayo si gaga at niyakap ang boyfriend nito na parang hindi sya nakikipag chismis tungkol sa gwapo na sinasabi nito.

Gusto ko sana sya ilaglag sa boyfriend nitong si Rey pero mukang nakaramdam sya sa gagawin ko kaya pinanlakihan nya ko ng mata. Nag kibit balikat nalang ako at iniwan silang nag lalampungan at dumiretso nalang sa dirty kitchen.

Mamayang gabi ang kasiyahan kaya kahit na ngayong tanghali at sikat na sikat pa ang araw ay hindi kami na aksaya ng oras. Hinanda na namin ang resto para sa okasyon. Habang ako ay nanatili sa kusina upang siguraduhing smooth at maayos ang pag luluto namin mamaya. Hindi naman naging matagal sa pakiramdam ang oras dahil sakto lang ang pag tapos namin sa pag hahanda sa oras na itinakdang pag dadating nila.

Halos sigawan at ingay ng iba't ibang gamit sa kusina ang naririnig ko sa paligid ko. Pinunasan ko naman ang tumutulong pawis galing sa noo ko gamit ang nakataas na braso ko. Dahil sa sobrang busy sa ginagawa, wala na kong pakialam sa mga mantika na tumatalsik sakin dahil na rin siguro sa kasanayan sa sakit.

Tumalikod ako sa lutuan at humarap sa table, napalunok pa ko habang ginagawa ang food plating ng pagkain sa harap ko. Kailangan ko talaga ayusin dahil ihahain ito sa bida ng party na nagaganap ngayon sa restaurant namin.

Isang maimpliwensyang tao sa mundo ng pag nenegosyo ang bumili ng main resto ng isang araw para sa magarang party nito kasama ang iba't ibang maimpliwensyang tao sa buong pilipinas gaya ng mga malalaking negosyante, sikat na artista, models at madami pang iba na kilala sa bansa at laman ng mga balita.

Napa punas ako ng pawis matapos ko tapusin ang pag kaing ihahain kay Mr. Tiego. Dumating naman ang waiter at kinuha ang pagkain na ipinag luto ko.

Minsan lang mangyari ang pag rerent ng main restaurant na aking pinag tatrabahuhan na isa sa mga pinaka magarbong Restawran sa buong bansa. At ngayong meron ay talagang pinaghandaan ito ng manager.

Napalingon naman ako sa ibang katrabaho na naka tutok din sa mga kanya kanyang pagkain. Busy ang lahat dahil kakatapos lang ng mga pag uusap at pag sasaya ng mga tao sa kasiyahan at ngayong oras ang kanilang pag hahapunan. Kasalukuyan ding kinakain ni Mr. Tiego ang inihanda kong pag kain.

"Head Chef, Gusto raw ho kayo makita ni Mr. Tiego" Napalingon ako sa waiter kanina nag hatid ng pagkain sa tycoon. Tumango ako at sumunod sakanya, inayos ko pa ng kaunti ang buhok kong  naka low bun na ngayon ay medyo magulo na at bagsak na ang curtain bangs ko sa harap. Sana naman muka akong presintable ngayon.

Huminto ako sa harap ng isang magarbong lamesa na pinag handaan talaga ng aming restaurant na kinauupuan ngayon ni Mr. Tiego.

Ngumiti sakin ang lalaking may katandaan habang ang kanyang pag kain ay ubos na. "Head Chef Salvator? I've been seeing you everywhere in social media! I guess people commenting about your food is not a lie! It's very delicious" Lumawak ang ngiti ko sa pag puri ng tycoon sa niluto ko.

"I'm very moved by your kindness, Mr. Tiego" Pormal na pag kakasabi ko at tumawa naman sya. Nag patuloy ang pag sasalita nya ngunit isang pigura ng lalaki na seryoso ang tingin saakin ang napukaw ng atensyon ko.

Tila nabingi ang tenga ko at tumigil ang ingay ng paligid at sa mga sinasabi ni Mr. Tiego nang mag tama ang tingin namin ng taong hindi ko inaakalang makikita ko pa.

"Chef Salvator? Are you alright?" Natauhan ako nang tanungin ako ni Mr. Tiego at ang mga tingin sakin ng nakapalibot na mga impluwensyadong tao.

"Yes, Mr. Tiego. I'm very sorry" Yumuko ako ng ka-onti at napa lunok pa dahil sa nakitang hindi inaasahan.

"It's fine, Chef! I saw you looking at Doc. Kilala mo siguro sya since he is currently the headline of the news everywhere!" Tumayo pa si Mr. Tiego at pumunta sa likod nito, humawak sa balikat ng lalaking pinag mamalaki nito at katitigan ko ngayon.

"He just here landed from America! I'm truly grateful to have him here in my party since he said that he will be staying in the Philippines for good. Chef Salvator, this is Doc. Kylliane McMazen Tuazon. Doc Tuazon, this is Chef Clementine Salvator." Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko sa pag papakilala sakin ng tycoon sa taong halos kasama ko mag karoon ng isip. Napayukom ang kamao ko nung tumayo sya at nag lahad ng kamay.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Kung tatanggapin ko ba 'tong kamay na matagal ko nang sinusumpang hindi ko na muling hahawakan o tumakbo nalang palayo at ipahiya ang sarili ko. Matagal ako tumitig doon bago ako napa tingala sa mata nitong direktong naka tingin sakin at onti onting ginalaw ang labi nitong tila nang aakit.

"Doc. Kyllian McMazen Tuazon" Hindi ko alam kung maaasar ba ko dahil nag pakilala nanaman sya pag tapos sya ipakilala ni Mr. Tuazon sakin o kahit hindi naman sya mag salita ay naasar pa rin ako sakanya dahil sa mga titig nyang parang tinutunaw ako.

Ramdam ko ang pag iba ng atmosphere ng mga taong naka paligid at nanonood samin nang makalipas ang isang minuto ay hindi ko pa din tinatanggap ang palad nya at hindi nya pa din binababa kahit onti onti na syang napapahiya.

Napamura ako sa isip ko at napilitang abutin ang kamay nya. Tila may bigla akong naalala na hindi kaaya-aya nang maramdaman ko ang mainit na palad nyang pitong taon kong hindi naramdaman.

Humigpit ang pagka hawak nya nung nakapag kamay kami, at dahil sa tagal nya tanggalin ang kamay nya sa palad ko ay ako na ang puwersahang binawi ang kamay ko mula sa pag kakahawak nya.

Pinisil pisil ko ang kamay ko at walang emosyon na itinaas ang tingin. Muling nag tama ang mga mata naming parehong malamig na nakatingin sa isa't isa.

"Haviliari's Head Chef. Clementine Salvator."

౨ৎ⋆˚.⋆

Traces Of The String (Red String Series #1)Where stories live. Discover now