☀︎⋆.
"Grupo tayo ni Kina!!" Agad na hinila ni Loren ang braso ko at niyakap ito na parang ayaw niya ako maagaw. Nag bigay kasi si Sir Dela Paz ng group activity sa subject nyang English at si Loren naman ang kaibigan ko sa classroom dahil sa seating arrangement namin.
3 weeks na ang nakalipas nung first day of school at may kanya kanya na ding kaibigan ang mga classmate ko lalo na nung ginawa na ni Sir ang seating arrangement namin kaya naging kaibigan ko din si Loren.
Napatingin naman ako sa umupo sa silya ko habang naka tayo ako dahil hawak hawak ko ang naka buklat na malaking manila paper. Naka cross arm pa si Ian habang naka upo sa silya ko at masama ang tingin kay Loren.
"Ako nauna, don ka" Agad na tinaboy ng kaibigan ko si Ian. Muka namang walang pake sakanya si ian dahil hindi nya ito pinansin, nginitian ko nalang sya at sinabihang mag hanap nalang sya ng ibang kagrupo dahil hanggang tatlo lang dapat na members kada grupo at kagrupo ko na ang dalawa kong kaseatmate na si Loren at Kina.
Ngumuso pa si ian at agad din namang bumalik sa upuan nya sa likod kasama ang mga kaibigan niya. Bumaling ang tingin 'ko kay Loren na biglang umamo ang ekspresiyon habang nakasunod ang mga mata niyang kumikinang kay Ian. Napangisi ako at umiling sa nakita.
Pumwesto ako sa pinaka harap at katabi pa ng pinto. Wala pa si sir dahil may binaba sa faculty kaya magulo at maingay ang room.
"Assignment na daw yung groupings. Bukas irereport" Nag hiyawan naman ang iba dahil sa inannounce ng president namin na si Valdez na kakabalik lang dahil kasama nya bumaba ng faculty si sir kanina. Wala na din namang time kaya expected ko na 'to.
Last subject na namin ito kaya nag aantay nalang kami na mag alas dose ng hapon para mag uwian na. Kanina ay magulo at maingay ang room pero dahil nandito na ang president namin na naka upo sa harap at nag babantay ay tahimik naman ang lahat.
Tatlong linggo palang kaming mag kakasama pero takot na ang lahat kay Valdez dahil last week ay nakita na namin itong galit, tahimik talaga sya pero napuno sya noong walang tigil na ingay ang nakapaligid sakanya at walang nakikinig sa bawat sigaw nya, may nag tago pa ng bag nya noong araw na iyon na classmate naming lalaki na feeling close naman sakanya kaya sumabay iyon sa galit nya. Sino ba namang hindi mapipikon don diba.
Mas lalong dumagdag ang ingay na nanggaling sa P.M shift sa labas ng room naming nung nag time na ng uwian at nag sisilabasan na ang lahat.
Umalis na ang mga classmate 'ko habang ang mga cleaners sa araw na 'to ay naiwan at si Valdez. Tinaasan 'ko ng kilay Ian nung hindi pa din siya lumalabas at nakatayo sa harap 'ko.
"I can really wait for you, you know?" Tinulak ko ang mukha ni ian na biglang sumulpot sa tabi ng ulo ko habang nag wawalis ako ng sahig. Cleaners din ako sa araw na 'to.
"Mauna ka na, ngayon lang naman tayo hindi mag sasabay. Mamayang hapon pa ko makakauwi. May gagawin pa kasi sa club" Kanina ko pa sinasabi sakanya na sumabay muna sya sa mga kaibigan nya pauwi dahil mamayang alas dos pa ko ng hapon makakauwi kasi may papagawin samin sa journalism club.
"You sure?" Tinanong nya pa ko at muling nilapit ang ulo sa gilid ng akin habang nasa likod ko sya. Ngumiwi ako sakaniya dahil kung umarte siya akala mo wala akong paa para umuwi mag isa.
"Oo nga. Dun ka na! Ingay mo" Inirapan ko nalang sya bago sulyapan muli ang bag sa likod nyang papalabas na ng room at nakipag akbayan sa mga kaibigan nya.
10 minutes lang naman ang tinagal ng paglilinis namin bago kami nag paalam sa isa't isa nung natapos na, pumasok na rin kasi ang PM shift section na naka room din dito.
BINABASA MO ANG
Traces Of The String (Red String Series #1)
RomanceThey're Best of Friends. They grew up together. He loves her as much as how she loves their years of Friendship. She hates Friends to Lovers as much as how he hates to pretend. What will happen if she found out the love of a friend she value the mos...
