☀︎⋆.
Walang imikan naming inubos ang kinakain namin habang nasa mag kabilang gilid ng stand ni kuya. Mas nauna ako sakaniya mag simula kumain kanina pero halos sabay lang kami natapos at tinapon sa basurahan ang pinag kainan namin.
Binuksan ko ulit ang payong ko at excited na umuwi dahil hindi ko na kaya ang awkwardness namin ni Ian. Nauna syang nag lakad sakin at nasa likod nya lang ang ako, nahuhuli ng ilang hakbang.
Nakaramdam naman ako ng awa nang makita kong wala syang payong, sobrang tirik na tirik ang araw at pawis na pawis din sya.
Napapala ng mga tamad mag dala ng payong.
Nag lalakad din sya pauwi. Naawa talaga ako habang deretso ang tingin ko sakaniya pataas sa mukya niyang naka side view dahil nedyo nasa gilid niya 'ko. Sayang naman, ang puti niya kaya tapos mag papabilad siya sa araw.
Binilisan 'ko ang hakbang 'ko para makasabay sa lakad niya dahil napansin 'kong ang bilis niya mag lakad! Naiihi ba siya?
"Bat ka nag bibilad sa init?" Medyo malakas na tanong 'ko sakaniya nung maka habol na 'ko.
"Ha?" Gulat siyang tumingin sakin. Hindi ine-expect na una ko siyang kakausapin dahil never pa uli kami nag usap neto unless kailangan.
"Ha? Wala. Share nalang tayo payong. Kawawa ka naman" I flashed a sarcastic smirk, placing the umbrella between us.
"Ah thank you." naramdaman 'ko ang hiya sa boses niya kaya medyo nahawa din ako. Nahiya akong umiwas ng tingin. "Ako na mag hahawak" He said.
Tumango ako bilang sagot at inabot sakanya yung payong. Siya ang nag payong saming dalawa habang nag lalakad. Napapaso ang kabilang braso 'ko dahil hindi napapayungan, pano ba naman kasi ay halatang pareho kaming nag lalagay ng space sa gitna namin kaya hindi kami mag kadikit. Di sakop ng payong.
Habang nag lalakad ay wala kaming imikan! Nag sisimula na 'ko mahiya nang todo. Di ko alam bakit ako naawa pero bahala na. Mag tiisan kami.
Hindi ko alam kung mag sisisi ba ako o umiyak nalang sa awkwardness namin ni Ian habang nag lalakad. Sabi ko pa kanina sa sarili ko, okay lang yan mag kapit bahay lang naman kayo, mabilis agad kayo makakauwi.
Sana hinayaan ko nalang syang masunog ang maputi nyang balat sa tirik na araw kung ang awkward nya naman kasama! Wala bang topic diyan, iwan kita dyan e. Hindi naman kami ganto ka awkward dati, kung tutuusin bff kami neto eh.
"No-nominate sana kita kanina sa Election eh" Syempre nag sinungaling ako. Para lang may mapag usapan kami habang nag lalakad. Wala naman akong choice kase mukang wala talaga syang balak mag open ng kahit anong topic.
"Ako? Ayoko. Dagdag iisipin lang 'yan eh" Kumontra pa sya sakin. Tumawa nalang ako at may kasama pang pag hampas sa balikat nya na hindi ko naman sinasadya. Hala force of habit.
Agad kong nilayo yung kamay ko sakanya at umarteng parang walang nangyari. Gagi hindi ko talaga sinasadya, baka isipin nya feeling close ako ah, force of habit lang yon. "By the way, bakit hindi na pumupunta samin si Kian? Araw araw kasi sa bahay, nasanay akong may kumukulit samin."
Sinubukan ko pang ibahin yung topic at nag tanong kay ian tungkol sa bunso nyang kapatid. Ilang araw na kasing hindi pumupunta si kian sa bahay namin, pati mga aso ko hinahanap na yung batang englishero na yon eh.
"Grounded sya. Binasag nya kasi cellphone ni mommy habang may kaaway sya sa roblox" Natawa pa sya habang nag kikwento bakit bawal lumabas si kian. Kaya naman pala.
ESTÁS LEYENDO
Traces Of The String (Red String Series #1)
RomanceThey're Best of Friends. They grew up together. He loves her as much as how she loves their years of Friendship. She hates Friends to Lovers as much as how he hates to pretend. What will happen if she found out the love of a friend she value the mos...
