☀︎⋆.
"Girl, look may gwapo oh" napalingon ako sa tinuro ni Yiana. Pinagmasdan ko ang lalaking tinuro nya, gwapo nga, matangkad pa. Nag tataas baba pa ang kilay ng kaibigan ko habang tinitingnan ang reaksyon ko sa tinuro nyang lalaki.
"Feeling ko may girlfriend na yan" Kontra ko sa naiisip ni Yiana na halata naman sa kanyang eksprasyon. Totoo naman eh, sa itsurang yan walang jowa? Imposible.
Sumimangot lang sya sa sinabi ko, hindi nga dapat kami nag popogi hunting eh! Kaya nga kami nandito sa library para mag review dahil paparating na ang huling periodical test ng aming grade 9 school year, hindi para pag masdan ang mga gwapong nag aaral din sa silid aklatan.
Nakakapag focus naman ako pero hindi pa rin mapigilan ang pag ligid ng mata sa buong library, tahimik at puno ng estudyante ang mga mesa. Napatingin ulit ako sa tinuro ni Yia na gwapong lalaki na naka upo na ngayon sa isang table kasama ang dalawa nyang kaibigan.
Gwapo nga, girl.
Napaiwas nalang ako ng tingin noong hinampas sya sa ulo gamit ang naka rolyong papel ng isang ssg officer ng school dahil napalakas ang pag tawa nya at naka istorbo ng iilang estudyante, mukang kaibigan nya din ata ang ssg officer na yon.
Syempre dahil hindi ako kampante sa saglit na pag tingin ko sakaniya kanina, lumingon ulit ang mata ko sa direksyon ng kanilang lamesa. At sa pangalawang pag kakataon na pag sulyap ko ay naka salubong ko naman ang mata ng kaibigan nyang katabi na nya ngayon ng silya na kanina ay nakatalikod pa sa direksyon ko.
Medyo nanlaki pa ang mata ko nung napatagal ng kaunti ang pag tama ng mata namin dahil mukang
nakilala namin ang isa't isa.
Kaibigan niya si Ian.
Agad naman akong umiwas ng tingin at muling sinubukang mag basa ng librong nirereview ko kanina pa. Nakaramdam naman ako ng hiya nang marealize kong nahuli nya kong sumusulyap sa kaibigan nya. Nakakahiyaaaa.
Napatakip ako ng muka gamit ang naka bukas na libro na ikinataas ng kilay ni Yia.
"Hoy te ano nanaman drama mo? bilisan na natin, nagugutom na ko" pabulong pang sabi nya. Inirapan ko lang sya at sinubukan ulit mag focus sa libro dahil sinusubukan kong memoryahin ang mga key words na magagamit ko sa exam namin. 10 pages nalang naman 'to at matatapos ko na.
At hindi naman ako nabigo dahil natapos ko ang pag mememorya ng mga aralin sa loob ng 30 minutes. Aba, kailangan ko talaga seryosohin ang pag rereview dahil paniguradong matatanggal ako sa honor lists kung mas mababa pa ang scores ko kaisa sa baon ko.
Wala kasi akong tiwala sa stock knowledge ko kaya nag rereview ako kahit tamad na tamad na ang utak ko sa kakabasa ng mga pointers to review.
Pabulong kaming nag rereklamo si Yia o
dahil sa lahat ng nireview namin pero natapos naman lahat ng subject na pinlano na talaga naming i-review ngayon. Niligpit agad namin ang mga gamit namin at isa isang binalik sa shelf ang mga libro na hiniram. Pero napa lingon agad ako nung may nakabanggaan ako ng braso sa tabi ko habang nag babalik ng mga libro.
Agad naman akong nag sorry sakanya pero napa awang ang bibig ko nung makita ko nanaman si ian at sya pala ang nasagi ng braso ko. Mukang nagulat din sya na ako ang nakasanggian niya ng braso pero nag sorry pa rin naman sya, may kasama pang kunting bow ng ulo. Tumango nalang ako.
Umiwas nalang ako ng tingin at sinubukang ilagay ang huling libro sa space nito na pinag kunan ko kanina, matangkad naman ako kaso masyadong mataas ang kinalalagyan ng libro, tumingkayad na ko't lahat lahat at muntikan ko na mai-shoot ang libro sa maliit na space nito pero hindi 'ko naman nailagay.
YOU ARE READING
Traces Of The String (Red String Series #1)
RomanceThey're Best of Friends. They grew up together. He loves her as much as how she loves their years of Friendship. She hates Friends to Lovers as much as how he hates to pretend. What will happen if she found out the love of a friend she value the mos...
