"Boss 10 pesos nga na kikyam" Inabot ko ang barya sa manong na halos kilala na ko dahil lagi akong bumibili dito.

Ang init ng sikat ng araw, nakakapaso ng balat pero dahil sanay naman ako mag lakad pauwi ay walang problema para sakin.

Pagkaabot 'ko ng bayad ay may naramdaman akong naka titig. Hindi ako komportable sa titig niya dahil ang weird naman. Bakit ba 'to nakatitig?

Dahil sa inis ay nilingon 'ko nalang ang estudyante sa tabi 'ko. Haharapin 'ko sana at tatanungin pero napatigil ako nang ma-realize sino ang katabi 'ko.

Not just any students. It was Clementine! Clementine na lagi kong nakakasalubong these days. Balak ko sana makipag kwentuhan sa manong pero mukhang mananahimik ako ngayon.

For some reason, lahat ng galaw 'ko ngayon pakiramdam 'ko ay nakakahiya at inoobserbahan niya kahit imposible 'yon dahil una; Nasa kabilang bahagi siya ng stand ni kuya at pangalawa; wala siyang paki sakin.

"Bat ka nag bibilad sa init?" Lumitaw siya sa gilid 'ko while holding her pink umbrella. She's panting and catching her breath, mukhang hinabol niya ang lakad 'ko.

Alam 'kong nasa likod 'ko siya kanina habang nag lalakad, pinag papawisan din ako dahil sa init at sa bilis ng lakad 'ko. Nahihiya akong mag lakad kasabay siya kaya inunahan 'ko nalag pero siya naman 'tong humabol.

Share daw kami payong, bat daw ako nag bibilad sa init.

Nag aalala siya sakin.

I don't really mind the hot weather, i'm used to it. But I guess this is fine? A lot fine! I'm walking with the girl I like randomly! Do I smell? Do I look ugly right now? Masyado ba 'kong pawis? Am I too far from her? Or am I too close? May space naman sa gitna namain eh. Baka naiinitan sya? Bigay ko nalang ba ulit yung payong sakanya para hindi mainitan ang kalahati ng katawan nya? But this is a once in a lifetime opportunity.

Shit. Pasimple akong napasulyap nung marealize kong ang awkward namin. No one's talking because I was so zoned out! Shit shit. Mabuti nalang ay nag open siya ng topic.

Habang nag uusap ay hindi ko namalayan na nayaya ko na pala sya pumunta sa bahay at kasama ko ngayon nag lalaro ng Mobile Legends.

I had fun, we had fun. I forgot to review the remaining subjects for tomorrow's exam dahil naunahan ako ng kilig.

Napuyat pa ko habang iniistalk ang facebook nya gamit ang cellphone ng mom ko. Friends sila sa fb and we're not.

Umasa akong mag tutuloy tuloy ang closeness namin matapos nung nag punta sya sa bahay pero natigil yon dahil hindi kami nag kasalubong. I was disappointed.

Nevertheless, when my mom's birthday came, they decided to celebrate to a resort. Nakakatamad naman talaga ang mag swimming mas gusto ko nalang mag laro at mahiga pero dahil araw din iyon ng birthday ni Clementine. Of course I decided to come.

'Dami pang gustong sabihin

Ngunit 'wag nalang muna'

Tangina.

Hindi 'ko alam ang mararamdaman 'ko habang nakikinig sa tugtog ng jeep na sinakyan namin. Tatawanan siguro ako ni Oli pag kasama namin siya ngayon dahil alam niyang inalay 'ko na ang kantang 'to samin ni Clementine.

Napaisip pa 'ko kung nag sisisi ba 'kong pinili 'ko tong jeep kaisa sa naunang jeep kanina but if we ride the gangster jeepney earlier, masyadong mabilis para sakanya, onti pa ang pasahero. Delikado kay Clementine.

I was in shame. Sobrang pag ooverthink at pag rereklamo ko sa music kanina kay hindi ko namalayang nahulog na ang bag ko, I was beside the door too.

"Ian!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 06 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Traces Of The String (Red String Series #1)Where stories live. Discover now