"I only like him... Crush lang ganon pero hindi ko balak mag boyfriend! Baka sampalin ako ng mama ko" I scratched my head while laughing.

"Ah by the way, wait lang. Rest room muna ako" paalam ko.

"Sama" sabi ni yia kaya tumango nalang ako at nakisabay kay yia sa paglakad.

Muli ko pang sinulyapan ang table namin, nakita kong nakayuko si ian at kinakausap nila Aeden. Okay lang ba sya?.

Nanliit pa yung mata ko nung napa punas ng mukha si ian gamit ang palad nito. Ang eksprasyon nito ay hindi ko pa nakikita sa nagdaang panahon na kasama ko sya. Nag aalala ako.

"Huy san ka pupunta?" Tinawag ako ni yia nung tumalikod ako. Tinawag nya ko ng pangalawang beses pero napatigil din.

"Are you okay?" Tinungkod ko ang kabilang kamay ko sa table naming binalikan ko at sinuklay ang buhok ni ian gamit ang kaliwang kamay. "Kyllian. You look pale."

Hinayaan ko ang kaliwang kamay sa buhok nya habang mariing tinitignan ang itsura nito. Naka awang ang labi nya at nanlalaki ang singkit na mata.

"I'm... I'm not okay" kumalma ang eksprasyon nya at lumitaw ang maliit na ngiti sa labi nya.

"Why didn't you said so? Hoy Sean, may gamot ka ba sa kotse mo?" Nilingon ko ang lalaki pero for some reason ay nakatingin ito sakin ng seryoso. Rare.

"No. I'm joking, wala akong sakit" sabi ni ian at hinawakan ang kamay kong mahinang hinahawakan ang buhok nya.

Napa facepalm naman ako at tumayo na ng diretso. "Wag ka ngang masyadong pala biro!" Reklamo ko at tinarayan ang lalaki bago humarap ulit kay yia sa likod ko na may pag aalala ang itsura.

Sinabit ko ang braso ko sakanya. "Tulala! Tara na" hinila ko sya papuntang rest room.

Sandali kaming nagkulitan ni yia sa rest room bago bumalik sa table, mabuti nalang ay tapos na kumain ang lahat kaya hindi na kami nag sayang ng oras at muling nag lakad lakad sa mall. Ang dami pang pinag bibili ni Sean bago dumiretso na sa kotse para maka uwi na.

Naupo ako sa pwesto ko kanina habang si yia at ian ay nag palit ng pwesto. Nasa gitna na namin ngayon si ian. Medyo nahirapan pa dahil kandong ni ian ang teddy bear.

Hindi ko naman napansin na ginabi na pala kami, masyado pala kaming tumagal sa mall kaya nakaramdam ako ng pagod at antok. Napasulyap naman ako nung inabot ni ian ang ulo ko, sumisenyas dahil naramdaman nya ang hikab ko.

Sandali kong sinabayan ang mahinang pagtulak ng kamay nya sa ulo ko at sinandal sa balikat nya. Naramdaman ko ang pag sandal nya sa ibabaw ng ulo ko at tinakpan kami gamit ang malaking teddy bear na sa kandungan nya.

Mahina naman akong natawa bago sandaling napapikit at nag tuloy tuloy na nga ang pagtulog.

Kinabukasan, nagising ako na nasa sala namin si ian kasama muli ang pusa nya na nakikipag laro na ngayon sa aso ko. Inutusan pa kong mamalengke ng iilang sangkap para sa ulam namin, pumayag nalang ako dahil nag volunteer naman si ian na sumama sakin.

Namimili ako ng mga gulay at taga buhat ko naman sya ng mga bilihin sa likod ko. Tahimik at naka sunod lang. Natawa pa ko dahil feeling ko para kaming mag amo at katulong dito.

Bago umuwi ay huminto muna kami para kumain ng nag lalakong thick milo. Maya maya lang nung maka uwi kami ay mabilis nya 'kong iniwan sa kusina dahil manonood sila ni papa ngayon ng nba sa sala.

Nag cellphone nalang ako habang naka upo sa pang isahang sofa sa tabi ng malaking sofa na inuupuan ngayon nila papa. Ang ingay pa nila dahil mukhang matatalo ang team na sinusuportahan nila.

Minabuti nalang namin ni ian na gawin ang gusto namin ngayon araw dahil bukas may pasok na, paniguradong madami nanamang assignment. May report pa kami bukas.

At totoo nga ang hula ko. Tinambakan kami ng gawain. Nakasimangot pa kong naki upo sa tabing upuan ni Aeden matapos mag report, nag palakpakan pa sila.

"Ikaw talaga pinaka magaling mag public speaking dito, te. Bagay sayo mag News reporter." Bulong nito sakin. Napa ngiti nalang ako dahil pati ang teacher namin ay napa comment sa galing ko daw mag salita sa harap.

May talent nga ako sa pag pupublic speaking at marami ang nag sasabing bagay sakin ang career na anchorwoman pero desidido ako sa kursong culinary arts kahit parte ako ngayon ng journalism club. Mag kaiba talaga.

"Loren, Tara recess tayo?" Nakangiting yaya ko kay loren na kasama si pahe.

"Ah sorry, Mentina. Inutusan kasi kami sa faculty" Ang sabi ni Loren. Gusto ko sanang sumama pero nauna na silang nag lakad at naiwan ako sa pinto.

Napabuntong hininga naman ako. Hindi ako tanga para hindi mapansing lumalayo sakin ang dalawang kaibigan ko. Lalo na si Loren. Kahit ang sabi nila ay inutusan sila sa faculty, nakita ko namang naglakad sila kasama sila Eslado.

Dahil ba ito sa nangyari sakanila ni ian?

Mukhang alam ko na kung san nanggagaling ang issue sa classroom namin na kami na daw ni ian at lowkey lang. Kahit ilang beses ko na sinabi sa mga kaklase ko na mag kaibigan kami ay hindi sila naniniwala.

Habang naka upo sa upuan ay dumating si kina. Agad ko syang nilapitan at medyo nagulat naman sya.

"Uy mentina? Sup?" Bati nito sakin pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang pag ngiwi nito.

"Can we talk? Sa labas?" Pag yaya ko dito. Tumango nalang sya at naunang lumabas.

Tahimik kami nag lakad lakad hanggang sa baba ng building namin at napahinto kung saan kaonti lang ang dumadaan.

"Bakit nyo ko nilalayuan?" Diretsang tanong ko at hindi na nakipag plastikan pa. Mukha naman syang nagulat pero agad ding umiwas ng tingin.

"Hindi ako mag sisinungaling... Alam mo naman kasing may gusto si loren kay tuazon eh. Halos buong classroom alam na tapos nireject sya ni ian para sayo"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya, sa hiling sinabi nya. Para sakin? No, mali ang pag kakaintindi nila!

"H-hindi! Walang kami ni ian at for sure hindi nya nireject si loren para sakin. That's impossible, halos mag kapatid na kami" napayuko ako.

"Tanga ka ba?

Napalingon ako sa likod ko. Nakita ko si Loren na masama ang tingin at nakayukom ang kamao.

Traces Of The String (Red String Series #1)Where stories live. Discover now