Napabaling naman ang tingin ko sa pwesto ni yia. Masama na ang tingin nito sakin.

"Ano?" Tanong ko pero nginiwian lang ako nito.

"Wala! Kumain ka nalang" sabi nya.

Tinuloy ko nalang muli ang pag tapos ng pagkain ko. Nahihiya na din dahil ang lakas ng boses ni Sean, manghihimgi lang naman ng kanin.

"Rice nga po, 'ya!" Napa takip nalang ako ng mukha dahil pinag titinginan na kami.

"Huy banat na banat braso mo, wala ka sa recitation" natatawang sabi ni ian kay Sean na grabe nga maitaas ang kamay nya para lang matawag ang nag lalagay ng rice.

Sinubukan pang ibaba ni ian at Aeden ang braso nito hanggang sa dumating na nga ang staff. Nahihiya pa kong nakisabay mag palagay ng kanin habang si yia parang mahuhulog na sa sahig kakatawa.

"Bat ako mahihiya mang hingi ng rice?! Binayaran ko 'to ah?" Reklamo ni Sean.

"Tanga nakakahiya ka" tinuro pa ni yia si sean gamit ang tinidor nito.

Pero Tinarayan lang sya ni Sean. Pati si Aeden ay nahiya dahil ang iilang kalapit na table ay natatawa samin. Maya maya lang ay tapos na kumain si Ian at Aeden habang ako ay nilalantakan ang dessert kong halo halo.

Nanatili ang tingin ko sa kinakain. Pinag iisipan kung babanggitin ba sakanila ang bagay na gumugulo sa isip ko nitong mga nakaraang araw. Bahala na nga.

"Guys... I think i like someone... Right now..." Medyo hesitant ko pang sinabi. "You know Oli? Kaibigan ni Ian"

Nanlaki naman ang mata ko at mabilis na dinukot muli ang tissue sa bag, inabot pareho kay yia at sean na halos sabay na nabulunan.

"I'm sorry what?" Tanong ni yia sakin habang pinupunasan ang bibig nya.

"Oli! Oliver Marquez? Bakit ganyan kayo mag react?! Single naman sya ah, ayos lang mag ka gusto ako don" Agad na Sabi ko dahil ang riin ng titig nila sakin.

"No, girl... Kase..." Nanliit pa ang mata ni Aeden "Isn't that ian's friend since grade 8?"

"Yeah. That's what i said so" sabi ko.

Si Oli. Oliver Marquez, kaibigan ni ian since grade 8 at ang gwapong lalaki na nasa library last school year nung una kaming nakapag usap muli ni ian. (Chapter 1).

Dati napag usapan na namin ni ian si oli, pinakilala na din nya ako dito. Sya na din mismo ang nag sabi na single ito, inistalk ko pa sa fb at dati syang long hair! Honor student din sya gaya namin, Matangkad at may itsura pa. My type hehe.

"B-bakit ganyan kayo makatingin? Bawal ba?" Kinakabahan ko pang tanong dahil hindi sila nag salita. "Ian! Diba wala syang girlfriend?"

Pag lingon ko sa katabi ko ay napatigil naman ako, nakatingin na ito sakin pero hindi ko malaman kung ano ang reaksyon nya.

"Yeah, he is" Napangiti naman ako nung ngumiti sya.

"Bagay kayo"

Natawa naman ako at pabirong hinampas ang balikat nya. Kinikilig... Slight.

"Hahahahah grabeh nga yon, ship! L-layag na yan" Plastik na sabi ni Sean, may pa cheer pa. Mukang hindi lang naman ako ang nacringe dahil binatukan sya ni Aeden.

"Gusto mo... Tulungan kita sakanya?" Napatahimik nanaman ang table namin dahil sa sinabi ni ian.

Nanlaki naman ang mata ko bago sya tinawanan matapos ng ilang minuto. Kala nya ba mag cocommit ako kay Oli? Di ah.

Traces Of The String (Red String Series #1)Where stories live. Discover now