"What?!" I frowned.
"They're waiting for us. Halika" Ngumiti ito sakin at kinuha sakin ang malaking teddy bear. Pinasan nya sa likod ang stuff toy habang hawak hawak ang pareho nitong kamay gamit ang isang kamay nya. Inakbay nya naman sakin ang libre nyang braso.
"Siraulo kayo... Masyadong malaki" Sabi ko at hinahawakan ang kamay nya na nasa braso ko.
Nag lakad naman kami sa likod ng tatlo na nag tuturuan pa kung saan kakain.
"Edi ako mag bubuhat" kumindat pa ito sakin na ikina tawa ko. Mukha siguro kami ditong tanga, nakaakbay pa ang braso nya sakin habang may pasan na stuff toy.
"Bakit naman nila binili para sakin yan?" Tanong ko dahil pinag hirapan nilang ipunin ang tickets.
"Wala silang nagustuhan don. Ikaw nalang yung binilan namin" sabi nya kaya hinigpitan ko ang hawak ko sa darili nya na naka sayad sa braso ko dahil sa akbay nya.
"Sana binenta nalang natin sa mga nanay don"
"Wala ka nang kontra please" tinawanan ko naman sya at bahagyang sinandal ang ulo sakanya.
"Mang inasal tayo!!" Agad akong nahihiyang tumingin sa mga tao na napatingin samin dahil sa sigaw ni Sean.
Binatukan naman sya ni Aeden at nag sorry sa mga dumaan. Si yia naman ay tinatawanan lang ang lalaki.
Naghilaan na kami papuntang inasal, mabuti nalang ay hindi naman gaano kapunuan kaya nakahanap agad kami ni ian at yia ng table. Nanguha pa ng upuan sa kabilang table si ian at inupo don ang malaking stuff toy.
Sina Sean at Aeden naman ay umupo din nung nakapag oder na sila. Magkatabi silang dalawa sa kabilang side at mag katabi naman kami ni ian sa harap nila. Nasa dulo at gitna naman si yia mag isa katabi ang malaking teddy bear.
"By pair pala 'to, hindi nyo naman sinabi" May halong sarscam na sabi nya.
"Baka kasi pag sinabi namin umiyak ka pa eh" Pang aasar ni sean sakanya kaya mabilis na inabot ni yia ang lalaki para kurutin pero agad itong dumikit kay Aeden para lumayo.
"Hmph. Kami nalang ni teddy" sabay yakap nya sa teddy bear sa tabi nya.
"Akalain mo yon, pati teddy bear mas matangkad sayo" natawa naman ako dahil totoo ang sinabi ni Sean. Kasing tangkad ko na halos ang stuff toy at hanggang panga ko lang ang height ni yia.
"Gusto kita sakalin"
Nag bangayan lang ang dalawa hanggang sa dumating na ang pagkain namin. Ngumiwi nalang ako habang pinapanood si yia at ian na mukhang nag papaligsahan pa.
"Pabilisan kumain? Ano kayo bata?" Mayabang na sabi ni Sean.
"Uso manalamin" parinig ni yia.
"Ano ba 'yan. Ang kalat, Kyllian ah" reklamo ko matapos makita si ian na may sauce pa ng chicken sa gilid ng bibig.
Hinalungkat ko ang tissue sa bag ko bago humarap sa katabi ko at dahan dahang pinunasan ang gilid ng bibig nya habang ngumunguya sya at naka tingin lang sakin.
Natapos ko din naman punasan ang kalat nya sa bibig bago humarap sa mga kasama. Nakita ko nalang si Sean na demanding ang tingin kay Aeden na tahimik na kumakain.
"Ako di–"
"Punasan mo sarili mo, hindi mo 'ko nanay" mabilis na sagot nitong isa.
ESTÁS LEYENDO
Traces Of The String (Red String Series #1)
RomanceThey're Best of Friends. They grew up together. He loves her as much as how she loves their years of Friendship. She hates Friends to Lovers as much as how he hates to pretend. What will happen if she found out the love of a friend she value the mos...
Chapter 9
Comenzar desde el principio
