"Nasa labas na daw si Sean" nag si-tanguan nalang kaming tatlo sa sinabi ni aeden pagtapos mag message sakaniya ni Sean.

Kotse nya kasi ang gagamitin kaisa mag commute kami papuntang mall. Naabutan nalang namin syang nakasandal sa kotse nya at pinag titinginan ng iilang estudyante dahil sa height nito. Sabay sabay naman kami ngumiwi nung sinalubong nya agad ng yakap si Aeden kahit hindi pa nga ito nakakalapit.

"I missed you" Napa iwas nalang ako ng tingin nung humalik pa ito sa noo ni Aeden.

"Inang buhay 'to" reklamo ni yia na mabilis na pumasok sa kotse ni Sean para hindi na makita ang pag lalampungan ng dalawa sa daan.

"Tama na landi, galang gala na ko" Sumunod naman si ian na papasok sana ng mabilis sa kotse pero agad ding bumalik at hinatak na ko. Pinauna nya pa ko pumasok na ikinatawa ko.

"Alis ka dyan! Tabi kami ni Mentina" Nag reklamo si ian nung pag pasok nya ay nasa katabing bintana na ko at nasa gitna namin si yia.

Binelatan lang naman sya ni yia habang hinayayap ang braso ko. "Ako nauna"

Tinakpan ko nalang ang tenga ko nung nag simula nanamang mag sagutan ang dalawa sa loob ng kotse hanggang sa umandar na ito.

"Ang iingay nyo! Mas malakas pa mga bunganga nyo kesa sa busina ng jeep!" Napa 'wow' naman ang dalawa sa sinabi ni Sean sakanila bago nag bangayan nanaman silang tatlo.

"Ang iingay! Mentina want some fries?" Tumingin naman ako sa harap ko na passenger seat na inuupuan ni Aeden. Kinuha ko nalang ang isang bag ng fries na inaabot sya sakin.

"Ako di mo tatanungin?" Sinilip pa ni yia ang ulo sa gitna nina Aeden at tumingin dito pero tinulak lang iyon ni aeden pabalik.

"Wag ka na te, muka ka namang busog na busog na kakadaldal" Malakas na pinagtawanan sya ni Sean kahit si Aeden naman ang bumira kay yia.

Nag pout naman si yia at sinandal ang ulo sa balikat ko, may kasama pang pag yakap. "They're bullying me again!" Pag sumbong nito sakin.

Hindi pa ko nakakasagot ay sya na ang humiwalay sakin dahil hinatak na ni ian si yia gamit ang kwelyo nito sa likod. "Wag mo nga ipasa yang kaasiman mo kay Mentina"

"Ang kapal talaga ng mukha mo, loverboy! Move on move on din pag may time ha?" Walang connect na pag bawi ni yia sakanya na hindi ko naman gets kahit tumawa ng malakas ang dalawang lalaki sa harap namin.

"At least hindi ako admiring from afar",

"At least hindi ako admiring close pero wala pa ding pag asa"

Si Sean naman ang malayang tumawa dahil traffic naman. Pati si Aeden ay halatang naaawa pero tumatawa pa din.

"May daddy issues" Pag sisimula ni ian sa sagutan nanaman nila ni yia.

"Hindi pinapansin"

"Hindi nirerecognize ng magulang yung hard works"

"Kulang sa atensyon"

"Backburner"

"Glass child"

"Di kilala ng crush nya"

"Kilalang kilala ng crush nya pero ayaw sakanya"

"Panganay na sinisisi lagi ng magulang"

"Middle child na least favorite ng magulang"

"May guilt bilang oldest sibling"

"Nileleft out ng mga kapatid"

"May family issues"

"May father issues"

"Tangina manahimik na nga kayo" Natahimik naman silang dalawa nung ako na ang sumaway sakanila.

Masyado nang nagiging personal ang gantihan nila, hindi ko alam kung humour lang ba nila yan. Ni wala nga kong ideya pano nila nalaman sa isa't isa yan eh.

Pati sila Sean na napapa singhap sa sagutan nila ay natahimik nalang din. Mukha namang wala lang yon sa dalawa dahil parang normal na bumalik sa dati ang usapan nila. Mga siraulo.

Makalipas din ng ilang chismis sa loob ng sasakyan ay nag park na din si Sean dahil nandito na kami sa mall.

Bumaba muna ang tatlo nung mag papalit na kami ni yia ng damit na baon namin dahil paniguradong hindi kami papapasukin pag naka uniform kami. Habang ang dalawa naman na sina Aeden at Ian ay mag jacket lang, okay na. Natatakpan na.

Maayos naman kami naka pasok sa loob, syempre ay dumiretso agad kami sa arcade na syang dahilan bakit kami nandito. Parehong may card kasi si Aeden at Ian para sa arcade na 'to.

Syempre ay humiwalay agad ang dalawang mag boyfriend samin, nakita ko pa sila don sa basketball habang si yia naman ay pinanood kong nakikipag paligsahan sa bata sa larong barilan sa isang TV. Si ian naman ay sinusubukang ihook ang isang teddy bear sa claw machine sa tabi ko.

Naka sandal lang ako sa pader habang ang katabi ko ay naiinis na at si yia naman na pinapanood ko ay tinatawanan ang bata dahil natalo ito sakanya.

"May daya ata 'to eh! Naka ilang tokens na ko!" Naiinis na reklamo nya habang sinusubukan pa ring kunin ang teddy bear na kulay green na tinuro ko kanina sakanya dahil naalala ko dito ang Anime Character na si Zoro sa One Piece.

"Okay lang kahit hindi mo makuha" Ang sabi ko pero hindi ako pinansin. Mukha syang desidido na makuha yon.

"What are you doing there looking like a mom with 2 kids? Tara" Napalingon naman ako kay Aeden na kakalapit lang habang ang jowa nya ay nakikipag paligsahan na ng barilan kay Yia.

Hinila na ko nito pero sinulyapan ko muna si ian na napapakamot na ng tenga dahil hindi nya pa din ito makuha.

Dinala ako ni Aeden sa katabing ice cream store, wala namang madaming tao kaya nasa counter agad sya at bumibili. Tumingin tingin pa ko ng nga keychain na naka sabit sa purple na wall bago humarap kay Aeden.

May dala na iyong dalawang ice cream sa mag kabilang kamay nito pero may kaharap ito na lalaki na hindi pamilyar sakin. Kusa namang nag lakad ang paa ko palapit sa likod ni Aeden.

"Dos! Tara na" Napa sulyap ako sa lalaking naka sunglasses sa tapat ng pinto ng store na mukhang tinatawag ang lalaking kaharap ni Aeden.

"Ah... Nice meeting you again, Vale." Napa 'o' naman ako dahil first time ko makarinig ng kung sino ang tumawag kay Aeden gamit ang second name nito.

Pinanood ko naman na umalis ang matangkad na lalaki bago hinila si Aeden.

"What the heck?! Who's that? Ang gwapo!" Excited ko syang tinanong.

"I don't know. Bigla nalang ako inapproach and said hello. He even called me by my second name like what?" Takang taka na sabi nya, napangiwi pa dahil sa bumanggit ng 'Vale'.

"His friend called him Dos. I don't know anyone with the name Dos." He even narrowed his eyes, trying to remember who that handsome guy is pero i don't think he recalled him.

"I don't remember" he said boredly. Hindi ko nalang tinanong dahil mukhang hindi naman sya interesado sa lalaki kanina lalo na nung tumunog ang phone niya.

I saw how his lips rosed when he read Sean's message.

Napa iwas naman ako ng ice cream nung muntikan na itong masagi pag pasok palang namin sa arcade.

Sumalubong sakin ang medyo malaking Berdeng Teddy Bear. The teddy bear tilted as the hands around its body controlled it and I found Ian's face smiling as he showed me the teddy bear that he had been trying hard to hook at the claw machine earlier.

"Nakuha ko!" Napangiti naman ako na niyakap ang stuff toy sa dibdib ko at binigyan ng malaking ngiti ang lalaki sa harap ko.

౨ৎ⋆˚.⋆

Traces Of The String (Red String Series #1)Where stories live. Discover now