"Bat mo kasama yon?" Agad na bulong ko kay Loren pag tapos tumalikod ng nga babae samin.
"M-may tinanong lang. By the way, wala na ko pambili ng shake eh" Napakamot pa ito ng batok at umiwas ng tingin.
"Palibre tayo kay kina heheh" Tumawa pa ko at hinila ang pulso nya pero nagulat naman ako dahil mabilis nya itong binawi sakin.
"Ah sorry. Mag sisimula na kasi yung rehearsal oh" Tinuro nya pa ang stage kung san nag reready na nga ang instructor kaya tumango nalang ako at sumabay sakanya sa pag lakad pabalik ng pila.
Inabot din ng 1 hour bago pinabalik na ang lahat sa mga kanya kanyang classroom. Pag balik naman sa kwarto ay agad nag ingay ang mga classmate ko. Sari-sariling reklamo tungkol sa nakakapagod na practice ng sayaw. Buti nalang ay bukas na ito gaganapin para matapos na.
Practice lang naman talaga ang gagawin ngayong araw, walang subject teacher ang attend ngayon, maaga pang natapos ang practice kaya malaya kaming lahat ngayon. Ang iba ay nag cecellphone, nag lalaro, nag boboard games, chikahan at nag papatugtog.
"gusto ko agawin ang speaker sakanila" Bulong sakin ni Aeden na nakikiupo sa upuan ng seatmate ko dahil hindi naman dito ang proper seat nya.
Tumango naman ako sa sinabi nya. Totoo lang. Dahil nabubwisit ako sa tugtugan nila Eslado at mga kaibigan nito kasama ang mga boys at the back na puro kantang pang kalye.
"Sana pala ay nakipag unahan na tayo mang hiram ng speaker kay sir, edi sana nakarinig na sila ng magandang music taste?!?" Mas lalo pang ngumuwi ang katabi ko matapos makarinig ng di kaaya ayang lyrics sa kanta.
"Agawin mo nga speaker sakanila" Hinawakan ko ang taas ng kamay ni ian at pabirong tinuro ang grupo na nag papatugtog.
Akala ko ay hindi nya seseryosohin dahil kanina pa sya tahimik pero tumayo ito at maglalakad sana papunta doon pero agad ko syang hinila pa balik. Siraulo! Nag jojoke lang eh.
"Bat mo pinigilan? Nakakabuwisit na" Reklamo pa ni Aeden at hinawi ang imaginary long hair nya.
"Nag chat jowa mo oh" hindi ko pinansin ang sinabi nya at tinuro ang tadtad na chats ni Sean sa gc namin. Bored na bored na daw ito sa classroom nya ngayon, friendless daw sya. Malaking sinungaling dahil si Sean ata ang unang taong nakilala ko na may roong pinakamadaming kaibigan kahit saan.
Wala namang importanteng naganap hanggang mag uwian, late nanaman uuwi si Aeden kaya di makakasabay. Si yia naman ay kasabay ngayon pauwi ang mga kaklase nya. Kaya kaming dalawa lang ulit ni ian ang uuwi mag kasama.
Ako nalang ang pumara ng sasakyan dahil mukang sabog nanaman ang kasama ko. Hanggang sa pag pasok nya sa bahay nila ay wala sya sa sarili at halatang may malalim na iniisip.
Nag message pa ko sakanya pero hindi pa din sya nag rereply. Nuong gabing patulog na ko tsaka lang nya naisipang sagutin ang mga messages ko.
Kyllian Tuazon;
Napaalam ka na namin kay mama shel, nag pm kaming apat pinayagan ka. See you tom. Goodnight.
Napahikab nalang ako at hindi na ginanahang replyan pa sya.
"Pagoddd!!" Inabot ko naman ang maliit kong towel kay yia at inalagay nya naman iyon sa likod ko.
Kakatapos lang ng foundation day, pawis kami dahil sa sayaw na ginawa pero buti nalang ay tapos na. Nag tipon tipon kaming tatlo dito muna sa tabi ng puno habang pinapanood ang ibang estudyante na lumalabas na dahil pwede na umuwi pag tapos na iperform ang inyo.
ESTÁS LEYENDO
Traces Of The String (Red String Series #1)
RomanceThey're Best of Friends. They grew up together. He loves her as much as how she loves their years of Friendship. She hates Friends to Lovers as much as how he hates to pretend. What will happen if she found out the love of a friend she value the mos...
Chapter 8
Comenzar desde el principio
