Nagulat naman ako dahil biglang tinanggal nya ang ulo nya sa desk ko at napa ayos ng upo. Napansin ko pa ang mabilis na pag hinga nya.

I frowned when he acted so stiff, so I narrowed my eyes at him before taking a deep breath and start laughing slowly. Ganon ba sya ka diring diri sakin?

"Joke lang! Of course i'm not that girl. Grabe ka naman mandiri sa sinabi ko!" Mahina ko pang hinampas ang braso nya habang natatawa.

Pero napatigil ako nung nilapit nya ang mukha nya sakin at seryosong tumingin sa mata ko.

"Pero pano pag ikaw nga?"

Halos isang darili nalang ang pagitan ng mga mukha namin at diretso pang nakatingin ang mga seryoso nyang mata sakin.

Nanlaki naman ang mata ko bago ngumisi at ako na mismo ang mas lumapit pa sakanya na halatang ikinagulat nya.

"Then I'll be mad... Sobrang galit... At sobrang lungkot. Ayokong masira tayo, Kyllian." Tinagilid ko ang ulo ko habang nanatili ang tingin sa mga singkit nyang mata.

Nanatiling ganon ang pwesto namin ng ilang segundo bago ako na mismo ang umiwas ng tingin.

Agad din naman akong lumayo at sumandal sa upuan ko dahil nag bago ang eksprasyon nya na hindi ko matukoy ang nasa isip nya.

"Pero... I know you're only messing with me. Imposible kasi eh, halos mag kapatid na ang tingin natin sa isa't isa." Muli akong lumingon sakanya at ngumiti.

Napataas naman ang kilay ko dahil nanatili syang tahimik. Nilapit ko naman kaunti ang katawan ko sakanya at sinubukang silipin ang nakayuko nyang ulo. "Ian?"

"H-hindi ikaw ang gusto ko" Napangiti naman ako dahil sa sinabi nya. Cinonfirm nya pa talaga.

"Alam ko..."

Tumango tango pa sya bago tumingala at ngumiti ng matamis sakin "Corny mo." Napasibangot naman ako sa sinabi nya pero tinawanan nya lang ako.

Hindi ko alam kung guni guni ko lang ito pero may kakaiba sa reaksyon at ngiti nya. Pero hindi ko nalang pinansin dahil napalingon ako sa pigura na nakatayo sa likod ng room. Nakita ko don si Aeden na mukang kakarating lang at naka awang pa ang labi habang naka tingin kay ian.

"Nandito ka na pala! Tara na, baka pagalitan pa tayo ng instructor" Agad akong tumayo at diretso ang lakad papunta sa lalaki. Sinabit ko ang kamay ko sa braso nya bago inanyayahang mag lakad na palabas.

Pagrating palang namin sa court ay tiningala ko si Aeden at niyaya na bumalik na ng pila pero nag paiwan sya kasama si ian.

Kahit nawiwirdohan ay tumango nalang ako at bumalik sa pila namin kasama ang mga classmate ko. Pinanood ko naman sa labas ng court ang dalawa na nag uusap at mukang seryoso pa.

"Loren! Bili tayo shake?" Tumakbo ako palapit kay Loren na kasama si eslado, ang VP namin. Medyo nag taka pa ko dahil hindi naman nag sasama ang dalawang iyon.

Tumaas naman ang kilay ko dahil sa inis na natural nang nararamdaman pag kaharap si Eslado at ang mga alipores nito.

Nag karoon na kasi ng away si Aeden at Eslado, kaibigan ko si Aeden kaya pati ako na labas sa pag tatalo nila ay dinamay ng mga babaeng 'to. Pinag kakalat na malandi ako, nilalandi ko si ian kahit girl besfriend lang naman daw. Hindi ko naman kasalanan na nireject ng lalaking 'yon ang isa nyang jejemon na alipores.

Isa kasi sa mga alipores nya ang pinaka unang umamin kay ian ng nararamdaman bago si Loren. Hindi ko naman masisisi si ian na nireject nya ang babaeng 'yon. Laiterang homophobic. Si Aeden pa talaga nilait, grades nya nga kalait lait eh. Sila ng circle nila, homophobic. Pinaringgan pa talaga sa fb si aeden matapos malaman na gay ito.

Traces Of The String (Red String Series #1)Where stories live. Discover now