Di nag yayaya oh.

May balak kayong gawin 'no?

Inulanan nila Aeden at Sean ng haha react ang reply ni Yia na ikina ikot ng mata 'ko. Mga siraulo.

baby ni Aeden Valdez baby(Sean);

[replied to i love jules baby my love] Sus inggit ka lang eh.

baby ni Valdez sent a photo

Narinig ko naman ang reklamo ni Ian habang naka silip sya sa phone ko dahil sa sinend ni sean na picture.

Picture nila yon na halatang nakahiga at nakayakap si Aeden sakanya habang nag kita sa picture na nag pho-phone siya habang nakatalikod sa picture, kita din si Sean na bahagyang nakadikit ang labi sa kulot na buhok ni aeden habang nakatingin sa camera.

hinardf4ck ni schoolworks(Clementine);

huluh...

i love jules baby my love;

Kadiri naman

Mahuli sana kayo ni tita

baby ni Aeden Valdez;

hahahhahhaa siya lang walang kasama

dnd kausap si chinito(Aeden);

HAHHAHAHAHAHAHA

i love jules baby my love;

MGA TRAYDOR! TANDAAN NYO 'TONG ARAW NA 'TO

i love jules baby my love set the nickname for Kyllian Tuazon to schoolworks


"Pucha" Nagulat naman ako nung bumulong si Ian at inagaw ang cellphone ko. Nakita ko pang mabilis na niremove ang nickname na sinet sakanya ni Yia na hindi ko naman maintindihan ang hype dahil tawang tawa si sean at aeden sa gc pag tapos non.

"Don't mind them, nood nalang tayo" Tumango nalang ako bago nya binigay ang phone sakin. Naka remove na don ang nickname niya na pinag tatawanan ng tatlo sa gc. Hindi ko naman gets.

Pinatay ko nalang ang phone ko gaya ng sabi nya at pumili nalang ng ibang papanoorin kasama sya.

Onti onti kong binuksan ang mata ko. Napahikab pa ko habang sinusubukang maupo sa sofa. Nakatulog pala ako sa gitna ng movie na pinapanood namin. Napatingin naman ako sa bintana, nakasara ang kurtina at madilim ang buong sala. Madaling araw na??

"Hmmm" agad akong napa taas ng paa sa sofa dahil may naapakan ako sa sahig. Sumilip ako at nakita ko si ian sa sahig, naapakan ko pala ang kamay nya.

"Gagi sorry" Bulong ko kahit alam ko namang hindi nya ko maririnig.

Dahan dahan ko namang nilagpasan ang natutulog nyang katawan at dumiretso sa kusina. Kumuha ako ng malamig na tubig galing sa ref at uminom dito habang pinag mamasdan ang sala kung saan natutulog si ian

Nakatulog naman pala ako sa sofa, bakit hindi nalang sya natulog sa kwarto ko? Dyan pa talaga sa sahig.

May foam naman dahil siguro hinanda sakanya ni mama yon. Malaki ang foam, kasya limang tao kaya mahirap dumaan kanina sa dami ng unan na nandon at ang pusa nyang yami na tumabi sakanya.

Nag cr pa ko at inabot ng limang minuto. Pagbalik ko sala ay magkatabi na ang pusa ni ian at ang aso ko na Shih Tzu sa sofa na kinahihigaan ko.

Tinatamad naman akong pilitin ang dalawa na bumaba ng sofa dahil parehong spoiled ang mga alaga namin. Inaantok na din ako kaya kinuha ko nalang ang unan ko mula sa sofa at nahiga sa malawak na space sa foam sa sahig katabi si ian.

Hinila ko pa ang kumot sa binti nya, malaki naman ito at sakop kaming dalawa. Pero inayos ko muna ang kumot sa katawan nya dahil hindi ako makampante hanggang sa nag kusa nalang ang mata kong makatulog.

☀︎⋆.

"Napicture-an mo? Send mo sakin ha!" Unti unting minulat ko ang mata ko dahil sa naririnig na mga mahihinang tawa.

Napa unat naman ako dahil may nararamdaman akong mabigat sa bewang ko, humarap ako sa katabi at nakasalubong ang natutulog na mukha ni ian, ang mabigat na nararamdaman pala ay galing sa braso nyang naka tanday sa bewang ko. Humikab naman ako at tinulak siya palayo. Bigat bigat.

Napatingin naman ako sa kabilang gilid, natagpuan ko don ang mama ko at si mommy liliane na nag kakape at parehong nakatingin sakin.

"Morning! Sarap tulog?" Mapang asar ang tono ng boses ni mommy liliane nung tumayo ako at dumiretso sa lababo para mag hilamos.

"Naka uwi na kasi kami alas nuebe ng gabi tapos nakita ko nalang si ian na naka upo pa din habang ikaw ay tulog na. Sabi nya ay matutulog nalang daw sya sa sahig, tapos pag gising ko nakita ko nalang kayo mag katabi" Sabi pa ni mama at nakipag tinginan kay mommy liliane.

"Ah... Okay po" Tumango nalang ako pag tapos mag hilamos at mag sipilyo. Is that a big deal?

Nag lakad nalang ako paakyat sa kwarto ko habang ang aso kong si Sharfi at ang pusa ni ian ay naka sunod sakin. Humihikab pa kong bumagsak sa kama ko at binuksan ang phone ko. Puro lang iyon notification ng gc namin at iilang notification sa TikTok dahil sa mga videos na sinend nanaman sakin ni yia.

Wala namang bago o malisya ang pag tabi ko ng pag tulog kay ian dahil ilang beses na namin nakatabi ang isa't isa nung bata pa lamang kami, first time nga lang ito ngayong highschool na kami pero I don't think it's a big deal though.

Napadaing nalang ako nung pumatong sa tyan ko si Yami, humiga pa ito kaya pinili ko nalang manahimik at hayaan gawin nito ang gusto nya.

Napalingon nalang ako sa pinto nung bumukas ito at iniluwa si ian na kinukusot pa ang mata.

Nanlaki ang mata 'ko nung deretso ang lakad niya sa kama 'ko.

"Hoy! Ang baho mo mag toothbrush ka muna" Pagtataboy ko at iniwasang gumalaw dahil baka umalis si yami.

"Wag kang oa, nag sipilyo na ko" sabi nya pagkatapos ibagsak ang sarili sa kama ko. Magkaibang direksyon ang pwesto ng katawan namin pero mag katabi lang ang ulo namin.

"Nakakainis ka, iniwan mo ko don. Di na kita nakita sa sofa" He said while rubbing his eyes.

"Malamang. Lumipat kasi ako"

"Traydor, lumipat ka dito sa kwarto nung madaling araw at iniwan ako don?!" Umakto pa syang nag tatampo at pinag krus pa ang braso.

"Huh? Hindi. Lumipat ako sa tabi mo" I said while petting yami's head.

"Ha?"

"Lumipat ako sa tabi mo kaninang ala una ng madaling araw"

"What?"

"Oo, nakatanday ka pa nga sakin pag gising ko eh" Pang aasar ko sakanya pero hindi sya tumawa, nilingon ko ang ulo ko sakanya pero nakatulala lang sya sa ceiling. Gulat na gulat?

Nanlaki ang mata ko nang biglang tumayo si Ian mula sa pagkakahiga. Dahil sa biglaan iyon at gumalaw ang kama ay mukhang nagulat din si Yami sa tyan 'ko kaya tumalon ito paalis.

Umikot ako at dumapa, I rested my chin on my hands. Tilting my head while staring at Ian's back while he's sitting.

Aabutin 'ko sana siya para hilain pero nagulat ako nung mabilis siyang tumayo.

"L-let's go, yami. Uwi na tayo" napataas ang kilay ko nung kinuha nya si yami mula sa sahig.

"Agad agad? Mag almusal muna tayo" Umupo ako sa higaan habang nakaharap sakanya.

"Sa bahay nalang. Nandon na kasi ata si kuya" Napa 'ahh' naman ako at tumango. Minsan lang umuwi ang kuya nya kaya naiintindihan ko.

Pinanood ko nalang syang umalis habang buhat buhat ang pusang si yami.

౨ৎ⋆˚.⋆

Traces Of The String (Red String Series #1)Where stories live. Discover now