"Oh layas na! Nakakarindi kayo" Siya pa talaga ang may ganang marindi kahit sya naman ang may pinaka malakas na boses sa loob ng kotse. Bumaba na kaming dalawa ni Ian dahil kami ang may pinaka malapit na bahay.

Kumaway muna si Yia sakin bago isinara ng malakas ang pinto, medyo narinig ko pa ang malakas na sigaw ni sean dahil sa pag bagsak ni Yia sa pinto ng kotse nya.

"Nakalayas din" Pinatong pa ni Ian ang baba sa shoulder ko habang pinapanood namin umalis ang kotse ni sean.

"Tara na, pagod na ko" Hinatak ko na sya paalis.

Home alone ako ngayon dahil nasa school ngayon ang bunso kong kapatid, nasa school din si ate. Si papa nasa work at si mama naman ay may pinuntahan kasama sila mommy Liliane. Nag palit muna ako ng damit at nag sandok ng tanghalian ko.

Dahil home alone naman ako ay pinatay ko nalang ang ilaw at binuksan ang katabing maliit na ilaw, maliwanag pa din naman dahil ala una palang ng hapon, kumain ako ng tanghalian habang nanonood ng Netflix sa TV namin. Nirerewatch ko ang 12 dancing princess na barbie movie.

Sa gitna ng pinapanood ko ay biglang may kumatok sa pinto. Naiirita akong tumayo at binuksan ang pinto suot suot ang pajama at sando ko. Napataas naman ang kilay ko nang makita ko ian na naka pajama din at naka t-shirt na itim. May dala dala pang unan at pusa.

"Hi, pinayagan ako mag sleep over" Sabi nya at deretsong pumasok sa loob ng bahay at binitawan sa braso niya si yami na mabilis tumakbo sa taas ng bahay.

"Ala una palang ng hapon?!" Tinuro ko ang maliwanag na kalangitan sa nakabukas naming pinto.

"Edi mamayang gabi." Walang hiya siyang umupo sa tapat ng electric fan sa sahig at nakisubo sa kinakain kong nasa sofa.

Walang choice ko namang sinara ang pinto at bumalik sa pwesto ko sa sofa. Siya na din ang nag click ng play at nanonood habang naka upo sa sahig. Nakakatawa lang dahil seryosong seryoso syang nanonood ng barbie sa TV.

"Alam mo yan?" Turo ko sa TV.

"Oo.. lagi mo yan pinapanood dati eh" Sabi nya habang nakikisubo sa pagkain na hawak ko.

Nakatingin naman ako sakanya na ngumunguya bago sya tumingala sakin at agad ding umiwas ng tingin.

"Bakit?" Tanong ko habang tinitingnan sya.

"Nakikita ko bra mo" Nanlaki naman ang mata ko at napatingin sa baba. Kita nga ang pink na pang loob ko. Agad kong tinaas ang sando ko at sinipa ang likod nya na ikinaaray nya naman.

"Di mo agad sinabi kanina!"

"Ngayon ko lang napansin!"

Tinarayan lang siya. Lumipat naman din si Ian ng upo sa tabi ko at sinolo na ang pagkain ko. Pipicture-an ko sana ang pinapanood ko pero nakisali Ian na naka piece sign kaya sinali ko nalang din sya. Sinend ko naman iyon sa gc naming lima.

baby ni Valdez(Sean);

Sama ka na ba namin sa pride month, bro? @loverboy(Ian)

"Kala ko tinanggal mo na nickname mo sa gc?" Tanong ko dahil puro sya reklamo nung nakaraang araw sa nickname na nilagay sakanya nila yia.

"Binabalik pa din ni yia!" Reklamo nya at iremove ulit ito gamit ang cellphone ko pero ilang saglit ay nabalik agad ito ni yia.

dnd kausap si mestizo(Aeden);

Barbie marathon! ♡

i love jules baby my love;

Traces Of The String (Red String Series #1)Where stories live. Discover now