"I'm Aeden Vale Valdez, 16 years old, transfer student from Laguna. I like designing and learning. 5 facts about me, I dream to become an architect, i'm an only child, I still collect DVDs, I watch Marvel, and this is the second time I move out from Laguna." Naamaze naman ako dahil hindi sya nautal at tuloy tuloy lang ang salita niya gaya kay ian, tignan mo lang sya ay halatang matalino na, hindi sya mukang boys at the back dahil sa itsura nitong maamo pero ang aura nito ay parang siga. Transfer pala sya.

Halos inabot din ng isang oras bago matapos mag pakilala ang lahat. Masaya naman si sir dahil marami ang nasabi ng lahat tungkol sakanila bago sya nag proceed sabihin ang mga rules at may konting mga recitation pa. Syempre ang mga volunteer na nag sagot ay ang mga nag pakilala kanina na expected ng lahat na matalino at isa na don ang dalawa kong katabi na naging suki ni sir sa recitation.

Hindi naman ako pala recite simula dati, mas gusto 'ko pag tinatawag ako. Pero magaling naman ako sa public speaking, medyo nauutal nga lang.

Inabot din yon ng dalawang oras bago tumigil si sir at sinabing breaktime na. Agad namang nag silabasan ang iba lalo na ang mga wala pang kaibigan sa room, ang ilan naman ay may mga kaibigan na. Agad kong hinila si Ian para makalabas kami, nangako pa naman ako kay Yia na sabay sabay kaming mag rerecess.

"Huhu yung katabi ko ini-english ako" Nagreklamo si yia habang kumakagat ng turon at may hawak na bote ng nestea sa kaliwang kamay.

"Ansabi?" Uminom ako ng mango shake habang naka upo kaming dalawa sa bench ng court habang si Ian ay medyo malayo samin dahil nag lalaro sya ng bola kasama ang mga batang grade 7 students.

"Wala! Nakikipag kaibigan ata kaso di ko s'ya bet, puro nalang kasi sya 'ako kasi' 'me kasi' 'ako naman' kahit hindi pa nga ako nakakapag salita pabalik!" Umirap pa sya sa inis.

"Unang araw palang binabackstab mo na" Kinaltukan ko sya dahil sa pagiging backstabber nya. Wala pa ngang limang oras na mag kakilala sila nung katabi nya.

Tumaas ang kilay 'ko nang hindi naatakas sa mata 'ko ang lalaking dumadaan sa court. "Uy si Jules oh"

"Saan?!" Oa na nilingon ni yia ang ulo at hinanap ang binanggit ko. Parang natunaw naman sya nung makita nya ang lalaki na nag lalakad kasama ang dalawa nitong kaibigan.

"Ah shit nanghihina ako" Kulang nalang ay mag hugis puso ang mata nya habang sinusundan ng tingin ang crush nyang si jules.

"Ano na ba section nyan?" Tinanong ko si Yia habang sinusundan din ng tingin ang lalaki.

"10- Emilio Jacinto, Building 7 1st floor Room 102, studyante ni Sir Aguas. Same building kami, can you believe that?? It's giving destiny." Inayos nya pa ang hibla ng buhok niya sa likod ng tenga at umarteng kinikilig.

"Stalker ka... Pano mo nalaman lahat yan? Hindi ka nga inaaccept non sa facebook. 1 months na nung nag friend request ka diba?" Pinanliitan ko pa sya ng mata.

"I have my ways. Duh" Nag flip hair pa sya at kumindat bago ngumiwi dahil dumating si ian na pinagpapawisan dahil kakatapos lang nito makipag laro. "Ang baho."

"Kahit pawis ako ngayon, hindi pa rin ako magiging kasing baho mo, Yiana" Ganti ni ian habang naka upo na sa tabi ko at pinupunasan ang pawis nya gamit ang panyo na pinahawak niya sakin kanina habang nag lalaro sya.

"Napaka kapal naman talaga ng mukha mo" Bago pa magpatuloy ang away nila ay agad kong hinila sila pareho dahil sakto namang 10 minutes nalang ay tapos na ang break time. Nakakarindi na eh.

"Jusme" Napa kamot nalang ako leeg dahil nasa 2nd floor na kami ng building namin ay hindi ko pa din napigilan ang pag sasagutan ng dalawa. Mabuti nalang ay nakarating na kami at nauna na kaming pumasok sa classroom namin habang si yia ay dumeretso sa room niya.

Kalahati palang ng mga classmate ko ang nandon na kaya hindi masyadong maingay. Well kahit naman kumpleto kami ay hindi pa din maingay dahil nga hindi pa nakaka-udjust ang lahat sa bagong makakasalamuha.

Habang nasa silya ay kausap ko naman ang lima kong kaibigan nung grade 9 sa gc namin. Panay lang naman ang reklamo nila sa mga bago nilang section lalo na si Janella na naging kaklase pala ulit ang pinaka kinaiinisan niyang classmate namin noon.

Napangiwi nalang ako dahil ang sabi pala ni Sir Dela Paz bago mag break time ay mag e-election na pala kami para sa class officers.

Lay Low muna, baka manominate pa.

Napalingon nalang din ako sa katabi kong si ian pero agad ding umiwas dahil kausap pala nito ang classmate namin na nasa likod namin. Ang bilis nya naman mag ka kaibigan, sana all. Gusto ko din kausapin ang dalawang babae sa unahan ko pero mukang pati sila ay nagkakahiyaan.

Maya maya lang din ay nakumpleto na ang klase namin habang si sir naman ay muling naupo sa ibabaw ng teachers table sa harap.

"Hello again. Kumpleto naman na kayo kaya simulan na natin ang election nyo, bibigyan ko pa kayo ng mga libro niyo mamaya... Let's start with Class President, prove to your classmates why should they vote you. Any nominees and volunteers?" Nagsimulang mag sulat si sir sa board habang ang klase namin ay nanatiling tahimik bago tumayo ang isa naming kaklaseng babae na nakaupo sa harap. S'ya ang babaeng malakas tumatawa kanina kasama ang mga katabi nito at kanina ding nakikipag usap kay sir dahil nasa unahan nga siya.

"Hello everyone! I'm Princess Maria Faye Eslado. I nominate myself as the Class President. Vote me kasi uhm... gusto ko lang? Hahah joke. Vote me po kasi I'll make sure to do my best na mahandle ang section natin and ma-keep ang fun natin" Nag fingerheart pa sya sa dulo at tumatawang umupo. Nag joke pa sya kanina at natawa naman ang ilan pero hindi ako natawa.

Alam kong masama maging judgemental pero nacringe talaga ako at naiimagine ko na personality nya. Pero nanlaki naman ang mata ko dahil biglang tumayo ang katabi ko matapos isulat ni Sir Dela Paz ang apilyedo ni Eslado sa board bilang nominee.

"I'm Aeden Vale Valdez, and I respectfully nominate myself as the Class President. As the President, I will make sure to attend my duties and handle the class with patience as well as being active in class as a student and the highest position of class officers." Nag react naman ang lahat lalo na ang boys dahil confident ang kapwa nila lalaki na mag president.

"Anyone else?" Nilibot ni sir ang mata nya pag tapos maisulat si Valdez sa ibaba ng apilyedo ni Eslado pero wala naman nang nag taas ng kamay samin para mag volunteer o mag nominate kaya sinimulan na ang botohan.

As expected, halos mga nasa unahan lang na kaside ni Eslado ang nag taas ng kamay para sakanya at nung tawagin na si Valdez ay nag hiyawan naman sila dahil halos lahat ay nakataas ang kamay. Majority wins.

Medyo naawa naman ako kay eslado dahil napahiya sya, mabuti nalang ay mukang kino-comfort naman sya ng nga kaibigan nya dahil malaki talaga ang lamang ng boto ni Valdez.

Nag tuloy tuloy ang botohan at natatawa nalang ako dahil dalawang beses na nanonominate si Ian bilang vice president at secretary dahil walang sawa ang pag nominate sakanya ng lalaki sa likod na kaibigan na nya din. Pero sa huli ay nauwi sya bilang treasurer.

Napa 'yes' naman ako sa isipan ko dahil natapos ang election namin na hindi ako natatawag, tinatawanan ko lang si ian na halatang pilit na tinanggap ang posisyon.

"Gagastusin ko class funds" Binantaan nya pa ang mga lalaki sa likod na todo ang boto sakanya pero tiwanan nila ang kawawang lalaki.

Napapabaling naman ang atensyon ko sa lalaking nasa kabilang side ko, tahimik lang s'ya at walang kinakausap kahit alam kong madami ang gustong makipag close sakanya lalo na ang mga boys at the back pero pinili nyang maging tahimik.

౨ৎ⋆˚.⋆

Traces Of The String (Red String Series #1)Where stories live. Discover now