Naka tatlong gala din kaming tatlo bago nag simula ang School Year at naging magkaibigan din naman sila. Puro nga lang away.

"Goodluck sa pilot, sana magkamali ka ng sagot sa recitation para tawanan ka ng mga matatalino" Sarcastic pa ang pagkakasabi ni Ian bago ako hilain gamit ang backpack ko sa likod dahil sinasabayan 'ko ng lakad si Yia at muntik nang lagpasan ang classroom 'ko.

"Goodluck" Nginitian ko pa si yia at hindi muna pumasok sa room namin, kahit natatawa ay pinanood ko syang hiyang hiya na pumasok mag isa sa room nila na katabi lang ng amin.

"Let's go" hinabaan pa ni ian ang pagbigkas nya ng 'go' bago hinawakan ang pulso ko at hinila papasok. Napayuko nalang ako at sinubukang agawin ang pulso ko sa hawak ni Ian. Nahihiya dahil halos lahat pala ng new classmate namin ay nandito na at sa harap pa talaga kami dumaan kaisa sa likod na pinto.

Gusto kong batukan si Ian nang malakas dahil ayaw nyang bitiwan ang pulso ko. Sineryoso niya naman kasi masyado ang sinabi ko kanina na hindi ko sya tatabihan ng upuan dahil gusto nya ko katabi para daw may 'makopyahan' siya.

Ramdam ko naman ang iilang nakatingin samin habang ang iba ay abala sa mga ginagawa. Kinakabahan talaga ako dahil ayoko ng titig ng mga hindi ko pa kilala.

Buti nalang ay may nahanap na si Ian na dalawang silya sa pangatlong row sa pinakalikod, doon pa siya umupo sa pinaka dulong upuan ng row katabi ng bintana kaya naupo naman ako sa tabi nya dahil wala naman akong choice. Nakahinga nalang ako ng malalim nung nakaupo na at umupong galante na ikinatawa naman ni Ian kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"Plastik" Bumulong pa sya sakin habang komportableng komportable na naka sandal ang likod sa upuan at mahabang naka flex ang binti nya sa ibaba, nakahalumbaba pa sya sa palad nya habang naka patong ito sa armrest nya at nakabaling sakin.

"Wag kang pakialamero" Bumulong pa ko sakanya gamit ang soft voice ko na last week ko pa pinapractice para sa introduce yourself. Ayoko na mangyari ang nangyari noong grade 9 na binoto ako bilang officer dahil confident daw ako noong introduce yourself mukang matalino tapos friendly pa.

Umiwas nalang din ako ng tingin dahil may nag lagay ng bag sa tabing upuan ko, medyo pabagsak pa. Umupo din naman ang lalaking nag bagsak ng bag sa tabi ko. Muka syang siga na ewan, mukang forced.

Napabaling din naman ang tingin ko kay ian na umayos ng upo at medyo inurong pa ang upuan nya sa pinaka side.

"Usog ka" Sabi pa nito sakin at tinuro pa ang upuan ko.

"Bakit?" Okay naman 'tong space ah?

"Masikip dyan" Hindi ko naman alam pinag sasasabi ni Ian dahil okay lang naman ang space kahit medyo masikip nga. Pero ginawa ko nalang din naman ang sinabi nya at inusog ang upuan ko kaya nag karon kami ng maliit na space sa gitna nung lalaking tumabi sakin.

Mas lalong tumahimik naman ang room nung pumasok ang matangkad na lalaki na mahaba ang buhok na sumasayad sa kaniyang balikat. Mukang nasa 30s pa. Siya ata ang adviser ng section namin... Gwapo.

First time ko maka kita ng teacher na may long hair.

At head over heels ako sa mga lalaking may mahabang buhok na matangkad at alam kong alam ni ian yon dahil nakatingin agad sya sakin matapos makita ang itsura ng teacher namin.

"Don't even think about it, Mentina" May pagbabanta ang tono ng boses niya, hindi pa tinatanggal ang tingin sakin.

Inirapan 'ko lang siya bago muling lumingon sa harap.

Traces Of The String (Red String Series #1)Where stories live. Discover now