Agad kong hinampas ang kamay niyang pati si Ian ay dinuro duro. "Tanga! Kaibigan ko 'to. Sabi ko sayo may kasama pa tayo mag enroll diba?" Mahina kong kinurot ang braso nya at nag reklamo naman agad sya.
"Ian, si Yia friend k—"
"Best friend" Cinorrect nya pa ko habang inoobserbahan pa ang kasama ko.
Napakamot nalang ako ng ulo at tinanguan nalang sya. "Yia, si Ian childhood friend ko" Hindi nalang nag salita si ian at tumango nalang kay yia. Binati nalang sya ni yia at hinatak na ko papunta sa pila ng mga estudyante bago pa ito madagdag pa ulit habang si ian naman ay nakasunod lang saming dalawa na mag kakonekta pa ang mga braso.
"Bitch what happened? Bakit bigla ka susulpot may kasamang lalaki without context?" Bumulong pa si yia sakin habang naka pila kami.
"Sabi ko sayo childhood friend nga diba. As far as I cn remember, naikwento ko na about sa kaibigan kong anak ng bff ni mama" Pinanlakihan ko pa sya ng mata na bumubulong din para hindi marinig ni ian na malapit lang samin.
"Di mo sinabi name! Malay ko ba na si kuyang library pala yon?!" Hinampas nya pa ang braso ko at binigyan pa ng nickname si Ian.
Nakipag daldalan nalang ako kay yia habang umaandar naman ang pila. Sinusubukan ko ding pag sabayin na makausap si ian para di naman sya ma-out of place. Sinenyasan nya naman akong okay lang sya habang si yia ay hindi pinapakawalan ang braso ko, dinadaldal pa din ako. Ngumiti nalang ako sakanya na nasa likod ko lang at humarap na.
Napa punas ako ng pawis sa noo gamit ang likod ng palad ko dahil sa sobrang init. Nasa bakanteng upuan ako na sumakto sa pwesto ko sa pila kaya naupo muna ako saglit habang si yYa naman ay kausap ang kakilala nyang nasa pila din.
Hinawi ko ang buhok kong naka lugay dahil dumidikit na ito sa balat kong basa dahil sa pawis. Nalimutan ko pa ang hair tie at ang panyo ko dahil sa pag mamadali kanina. Napa angat nalang ako ng tingin nung inabutan ako ni Ian ng panyo, nasa likod ko lang sya sa pila.
"Malinis yan" Tumango nalang ako at ginamit ang panyo nya na pamunas ng pawis ko sa noo. Medyo nahiya pa ko dahil naamoy ko ang pamilyar at mabango na amoy sa panyo na pareho ng amoy nya. Pero wala na kong pakialam basta may pamunas ng pawis. Tinaas ko ang buhok ko at pinunasan ang batok ko. Pero napa tinangala nalang ako nung si Ian ang humawak ng buhok at naramdaman kong may tinatali sya.
Naka hinga nalang ako ng maluwag dahil sa hangin na tumama sa pawis kong balat, nasa likod ko pa din si ian habang ako ay naka upo, inaayos nya ang pag tali nya ng Ponytail sa buhok ko. Kanina ko pa nakikita ang hairtie sa pulso nya at hihiramin ko na sana pero naunahan na nya ko.
Hindi ko naman napansin ang tingin ng mga estudyanteng naka paligid samin na init na init din sa pila. Natapos ang pag tali sakin ni ian at maayos ito nung hinawakan ko. Sanay na siguro sya dahil ang alam 'ko, tinuturuan sya ni mommy Liliane na mag tali ng buhok ng babae kahit Ponytail lang. Umayos na sya ng pwesto sa pila at hinayaan akong naka upo sa silya, inabutan nya pa ko ng pulbo galing sa bag nya na ikinatawa ko. Handang handa siya.
Naramdaman ko naman ang basa nyang palad nung sandaling nag dikit ang palad nya sakin kaya inabot ko ito at patay malisyang pinunasan. Dami nyang ginawa sakin ngayon, kaya ako naman. Baka gawin nya pang utang na loob ko saknaya yon eh.
Habang ginagawa 'ko iyon ay nakarinig ako ng iilang bulungan mula sa mga estusyanteng kalapit namin na ikinataka 'ko.
"Tanginang buhay 'to"
"Ako din naman pinag papawisan ah"
"Punyeta"
Napatingin nalang ako sa mga estudyanteng mukang nanonood samin at nag bubulungan pa. Hindi ko naman maintindihan ang pinag bubulungan nila kaya hinayaan ko nalang yon at binalik na kay ian ang panyo nya pero umiling sya. "Keep it for now, pag papawisan ka pa mamaya, mahaba pa ang pila" Tumango nalang ako at hinayaan ang panyo sa palad ko.
Bumalik din naman agad si yia sa pwesto nya sa pila pag tapos nya makipag usap at muling umandar na ang pila, sapilitan pa kong umalis sa silya at bumalik sa pwesto ko. Tumaas nalang ang kilay ko dahil masama ang tingin sakin ni yia sa harap ko. "Bakit nanaman?" Napa pamewang pa ko habang naka tingin sakanya.
"Wala" Tinarayan nya ko at tinuon ang pansin sa harap. Ano nanaman kaya ang nakita niya?
Lumingon nalang ako sa likod ko at nakita si ian na siya namang pawis na pawis ngayon dahil sakto sa pwesto nya tumama ang mainit na araw. Naawa naman ako at binaliktad ang panyo sa parteng hindi ko pa napupunas sa pawis ko. Inabot ko ang panyo sakanya na tinanggap nya naman, nag abot pa ko ng malamig na tubig sakanya dahil feeling ko maheheat stroke na sya konting pawis nalang.
Makalipas din ang halos 30 minutes ay naka upo din kami sa silya kung saan ang aantayin nalang namin ay ang tawagin ang pangalan namin. Puro reklamo lang naman kami ni yia sa init habang si ian naman ay masyadong pagod para mag reklamo.
Kinabahan nalang ako nung tinawag na ko at pinasulat muna ako ng attendance bago ibigay sakanya ang card ko, doon naman nya isinulat sa likod ang section, building, room at shift ko. Hindi ko muna ito tinignan dahil may usapan kaming tatlo na tsaka namin titignan ang mga bago naming section pag kumpleto na kami.
Sumunod naman si yia na naka yakap ang card sa kanyang dibdib, mukang kinakabahan din sya dahil gusto talaga namin mag classmates ulit ngayong taon kase nung grade 8 kung saan kami nag kakilala ay ang year na mag classmate kami, at nung grade 9 naman ay nag kahiwalay kami. Sana lang ay iisa na kami ng section ngayon..
Ganon nalang ang kaba ko nung kumpleto na kaming tatlo at naka paikot habang hawak hawak ang card namin na naka talikod ang likod kung saan nakasulat ang section namin.
"1... 2... 3" Mahinang nag countdown si yia at pag sabi nya ng 3 ay sabay sabay namin hinarap ang likod ng card kung san naka sulat kung mag classmate ba kami o hindi.
10- Melchora Aquino
Building 7 2nd floor Room 203
A.M shift(6:00AM to 12:00NN)
Class adviser; Romeno C. Dela Paz
Napatingin ako sa nakasulat kay Ian at ganon nalang ang gulat ko na pareho ang nakasulat ng kanya at ng akin. Agad akong napatalon at masayang sinabing mag classmate kami. Napatingin ako kay yia na nakatingin pa din sa nakasulat sakanya. Sumilip ako sa card nya at binasa ang nakasulat.
10- Gregorio del Pilar.
Building 7 2nd floor Room 204
A.M SHIFT(6:00AM to 12:00NN)
Class Adviser; Tessa B. Chua
Pilot Section.
Hala.
Tumingin ako kay yia dahil hindi na nga kami ulit iisa ng section, pilot pa sya. Walang masama sa Pilot Section, sabi nga nila ay madami daw opportunities pag nakapasok ka sa ganoong klase pero knowing yia...
Onti onting bumaling sakin ang itsura ni yia na eksprasyon nya palang ay alalang-alala na. "AYOKO MAG PILOT SEC!!"
౨ৎ⋆˚.⋆
YOU ARE READING
Traces Of The String (Red String Series #1)
RomanceThey're Best of Friends. They grew up together. He loves her as much as how she loves their years of Friendship. She hates Friends to Lovers as much as how he hates to pretend. What will happen if she found out the love of a friend she value the mos...
Chapter 4
Start from the beginning
