Hinayaan ko nalang sya na nakikibasa ng convo namin sa likod ko dahil hindi naman gaano importante ang pinag uusapan namin ng kaibigan ko. Just about the Facebook Story of the person we both hate. Katorse anyos palang proud na proud pang nag iinom.
"Plastik" Tumawa ako ng malakas dahil sa bulong ni ian na naka ngiwi pa dahil nabasa niya ang chat kong may pa advice sa mga teenager na wag mag padala sa tukso ng alak. "Pero nung new year" Agad kong hinarap ang ulo ko sakanya, masama ang tingin.
"Hoy wine yon isang tikim lang tsaka may permission ako non kay papa" Pag defense ko pa sa sarili ko. Totoo naman eh, tsaka new year naman non, I'mnot even proud of that. Naaalala ko tuloy nung new year na yon ay nag punta sila dito sa bahay at dito nag celebrate ng new year dahil nag inom agad sila Mommy Lilian, nila mama at kasama ang mga tropa nila. Nakita niya pala ako tumikim ng inumin na nasa ref kasama si ate, di pa kami nag kakaayos nung panahong yon.
Niyaya ko naman mag babad dito sa pool ulit si Ian dahil kahapon ay nag babad naman kami kasama ang bunso kong kapatid.
"Pass, wala akong dalang damit. Nakakatamad bumalik sa bahay para kumuha lang" Sabi nya pa habang naririnig ko ang pag tunog ng laro sa phone nya. Tumango nalang ako at muling bumalik sa pwesto kong naka higa habang sya ay nanatiling nasa uluhan ko at naka upo sa maliit na silya habang nag lalaro sa phone nya.
Mabilis lang naman lumipas ang mga oras at halos dalawang oras din kami don bago ako nag banlaw dahil medyo nag didilim na kaya niyaya na siya ni mama na dito nalang kumain. Pero tinanggihan niya naman dahil uuwi daw ang Kuya niya, sabay sabay sila mag hahapunan. Hinintay niya pa 'ko makatapos ng pagligo bago siya umalis.
Pinanood ko nalang sya sa bintana na nag lalakad na para maka uwi. Humarap sya sakin at tinaas pa ang kamay para kumaway, napa tawa ako ng mahina at kumaway pabalik sakanya. Nung hindi 'ko na siya matanaw ay Inihiga ko nalang ang katawan ko sa malambot na kama para makatulog na. 8 pm palang pero antok na antok na ko, as usual.
Masaya akong nabalik ang friendship namin ni ian. Sana ay hindi na muli ito mag bago at manatili nalang kaming ganito.
Napahikab ako habang nasa upuan sa likod ng trycicle driver at si Ian naman sa kabilang gilid ko. Papunta na kami ngayon sa school dahil ngayon ang nakatandang araw para sa enrollment para sa fourth year highschool. Ayoko naman silipin ang phone ko dahil paniguradong tadtad iyon ng message ni yia na galit dahil kanina pa daw sa school at puro ako 'otw na' kahit naliligo palang.
Ganon din naman si ian dahil nag bibihis palang ako, nandon na sya sa sofa namin naka bihis at masama ang tingin sakin dahil pag gising ko palang ay sya agad ang minessage ko tungkol sa enrollment ngayon. Minadali ko pa siya tapos ako pala magiging dahilan bakit kami late.
Mabuti nalang talaga at nakasakay kami agad pero parang luluwa ang mata ko nung pag pasok ng school dahil sobrang haba ng pila ng mga estudyante. Ang init init pa.
Iniwasan ko nalang muna ang pila at pumunta sa lugar na pinag aantayan ni yia. Malayo palang ay nakikita ko na ang itsura nyang halatang badtrip. Parang gusto ko umatras heheh.
Pag kakita nya palang sakin ay napa atras agad ako dahil hindi siyang nag aksayang sugurin agad ako at sinabunutan. Napamura naman ako at lumayo. Kahit maliit si yia at hanggang panga ko lang ang height ay malakas naman sya sa pag gamit ng kamay.
"Bwisit ka! Halos isang oras ako nag antay, ang haba na tuloy ng pila" Sinermunan nya pa ko at sinabing hindi na siya maniniwala pag sinabi 'kong 'otw' na ako.
Pero tumigil nalang siya nung marealize nyang may kasama ako. Natahimik pa sya ng ilang minuto habang pabalik balik ang tingin sakin at kay Ian.
"Mahigit Isang buwan lang tayo hindi nag kita may syota ka na agad?!" Walang hiyang sabi nya at dinuro duro pa ko. Mukang nakilala nya si Ian bilang lalaki sa Library na tumulong sakin dahil nanlalaki ang mata niya.
YOU ARE READING
Traces Of The String (Red String Series #1)
RomanceThey're Best of Friends. They grew up together. He loves her as much as how she loves their years of Friendship. She hates Friends to Lovers as much as how he hates to pretend. What will happen if she found out the love of a friend she value the mos...
Chapter 4
Start from the beginning
