"Bayad po" Ang layo pa ng inusog ni ian para maabot ang bayad nya. Nang matapos sya mag bayad ay ako naman sana ang uusog palapit para maiabot ang bayad ko pero mahinang hinawakan ni ian ang pulso ko habang nasa harap ko sya at pinigilan ako na umusog pa.
"Okay na, binayaran ko na pamasahe natin" Napakurap ako bago tumango at mabilis naman nyang binawi ang kamay nyang naka hawak sa pulso ko.
Tahimik akong bumalik sa pwesto ko sa dulo at nag pasalamat sakanya, sinubukan ko pang ibigay sakanya yung pera para bayaran ang binayad nya sakin pero umiling lang sya "hindi na, it's on me" tumango nalang ako ng mabilis dahil nakita ko ang ate na college student na malayo ang pwesto samin na sumusulyap.
Ang awkward tuloy ulit namin ian. Napasimangot ako dahil wala akong magawa, dead bat na ang phone ko mukang ganon din sya dahil nakita kong nag power off ang cellphone nya.
'Dami pang gustong sabihin
Ngunit 'wag nalang muna'
Lumobo ang pisngi ko nang mag simulang mag patugtog ng malakas ang kuyang driver. Isa ito sa mga Paborito kong kanta ng ben&ben. Kaso masyado namang malakas. Tatatlo na nga lang kaming pasahero mo bibingihin mo pa.
'Wag mo akong sisihin
Mahirap ang tumaya'
Dagat ay sisisirin
Kahit walang mapala'
'Pag nilahad ang damdamin
Sana 'di magbago ang pagtingin
'Aminin ang mga lihim
Sana 'di magbago ang pagtingin'
Inenjoy ko nalang ang roadtrip dahil na eentertain ako sa kanta. Napasulyap nalang ako kay ian na parang hindi mapakali. Natatae na 'toh.
Gusto ko sana sya asarin pero di naman kami close. Nung monday lang. Napatingin lang ako sa labas ng jeep at pinapanood kung pano lumalayo ang kotse sa paningin ko dahil nakakalayo ng andar ang jeep.
Medyo malayo na Ang nararating namin kaya tumingin ako kay ian. Kumunot ang ulo ko ng makitang wala sya sa sarili, nakakapag alala lang dahil yung bag nya parang mahuhulog na. Nasa tabi pa naman kami ng pinto, baka mahulog.
At ayan na nga ang sinasabi ko. Nahulog ang bag nya sa sahig at bago ito mahulog pa sa kalsada ay yumuko na ko at pinigilan itong mag slide palabas. Tumingala naman ako kay ian habang hawak pa din ang bag.
"Ian!" Kailangan ko pa isigaw yung pangalan nya dahil malamang hindi nya ko maririnig kung simpleng tawag lang ang ginawa ko. Lakas kase ng music eh.
Mukang nag process pa kay ian bago nanlaki ang mata nya at kinuha na ang bag nya sa kamay ko "Shit i'm sorry" mukang naguilty nga sya dahil lutang sya kani-kanina lang. Humalakhak lang ako at sinabing 'ayos lang'. Ayos lang maging sabog paminsan minsan.
Makalipas din ang ilang minuto ay pinatigil na nya ang jeep. Sumulyap pa ako ulit sa ateng college student na naka takip pa sa bibig niya habang pasimpleng sumisilip samin.
Napailing nalang ako at pumasok na kami ni ian sa resort, pinag stay muna kami kung sa gilid ng nag reregister. Dumating naman agad si Mommy Liliane na syang sumundo samin dito.
"How's the trip, guys?" Binati agad kami ni mommy liliane at sinamahan na mag lakad papunta sa cottage. Agad kong tinuro si ian at sinabihang 'lutang sa jeep', umakto pa syang na offend na ikinatawa ni mommy liliane.
"Anyway, happy birthday satin?" Ngumiti ako kay mommy liliane at binati din sya. Birthday girls.
Sabay kami ng birthday ni Mommy Liliane. June 13. Napa isip tuloy ako kung ano naging reaksyon niya nung nanganak ang best friend niya sa mismong araw ng birthday niya? Siguro kung ako 'yon tapos nanganak si Yia sa mismong birthday ko, iiyak ako.
Dumating din naman kami agad at puro adults nalang ang nasa cottage, lahat daw nag siswimming na. Binilisan ko naman mag bihis ng pangligo at lumabas na ng cr, excited na mag swimming.
Syempre nag apply muna ako ng sunblock at nakita ang mga kapatid ko na nag siswimming na sa maraming slides. Habang si ian ay hindi ko makita, siguro nandon sya kasama si kian sa kiddy pool.
Halos dalawang oras din naming nag swimming bago namin napag pasyahan bumalik ng cottage, natawa nalang kaming mag kakapatid kase pag balik namin ay nanginginig na nakabalot sa puting twalya si kian habang sinusubuan sya ni mommy liliane ng kanin at hotdog na inisaw.
"Lumpia yarn" Inasar ko ang itsura ni kian at masama naman ang tingin sakin ng batang lumpia.
Habang kumakain ay nag kantahan pa sila ng happy birthday para sakin at kay mommy liliane. Tapos nag patuloy na ulit sila sa pag iinuman habang ang mga anak nila ay may kanya kanyang grupo. Ang tagal naming nag swimming ulit at nag pahinga pa ko ng tatlong oras, 9pm na non nung napag desisyonan ko uling lumangoy habang ang mga bata ay nasa kwarto na na-nirentahan namin dahil hanggang bukas ng umaga kami dito. Wala naman akong balak matulog ngayon.
Nag lakad lakad muna ako sa resort at namangha sa overlooking view nito, medyo malayo na ako sa cottage pero nakampante ako nung nakita ko si Ian na nandon sa swing na naka harap sa overlooking.
Tumaas ang gilid ng labi ko sa naisip. Chance na 'to para makausap at maibalik ko ang friendship namin! Dahan dahan akong lumapit sakanya at medyo malakas na kinalabit ang dalawang braso nya.
"Bulaga" Naka ngiti akong humarap sakanya pero napasibangot din dahil mukang hindi sya nagulat. Ano ba yan.
"Ginagawa mo dito? Nag momoment ka 'no?" Inasar ko pa sya at umupo sa katabing swing nito. Tinulak ko ang sarili ko gamit paa at malakas na nag swing habang sya naman ay mahina lang.
"Masarap ang hangin dito" Sabi nya habang nag s-swing ng mahina.
"Anong lasa?" Sumimangot naman sya pagtapos kong pilosopohin ang sinabi nya. Pero binalot din kami ng katahimikan pag tapos, sitsit lang ng mga ibon ang naririnig sa paligid dahil napapalibutan din kami ng puno.
Hindi ko din naman mapigilang manahimik dahil masyadong maganda ang overlooking, nanatili lang ron ang tingin ko.
"First time ko dito, at babalik ulit ako. Ang ganda diba" Tinutukoy ko ang magandang overlooking sa harap namin. Kita ang kislap ng mga ilaw na napapalibutan ng kadiliman at liwanag ng buwan.
"Maganda" Napangiti ako nung sumang ayon sakin si ian. Narerelax ako sa tahimik at mahangin na lugar, muntik ko na malimutan na mag s-swimming pala ulit ako. Yayayain ko din sana sya pero pag lingon ko ay nakatingin na sya sakin.
May dumi ba sa muka ko? Tinanong ko pa ang sarili ko habang naka tingin si ian sakin. May gusto ba sya sabihin?
Mag sasalita sana ako pero naunahan ako ng medyo mahina nyang boses. "Happy birthday, Clementine" Parang tumaas ang balahibo ko sa braso dahil sa pag banggit nya ng buong pangalan ko, ang tawag nya lang naman sakin nung nakaraan ay ang palayaw ko pero mukang hindi nya trip ngayon tawagin akong mentina.
"Thank you, Kyllian" Masaya kong pinasalamatan ang pag bati sakin ni ian, ilang taon na din nung huli kong marinig ang pangalan ko galing sakanya. Kaya tinawag ko nalang din sya sa pangalan nya kaisa sa palayaw nya.
Tumayo na ko habang naka harap sakanya "Arat night swimming, onti lang tao" Tumango lang sya sa yaya ko at sinundan ako mag lakad papunta ng pool.
Nag paalam muna saglit sya na may iiwan lang sa kwarto. Mukang iiwan nya yung maliit na kahoy na lalagyan na kanina ko pang napapansing hawak nya doon sa swing na parang ayaw nya pang ipakita. Tatanungin ko sana sya about don eh kaso mukang tinatago nya talaga kaya hinayaan ko nalang at inantay sya sa gilid ng pool na bumalik.
౨ৎ⋆˚.⋆
YOU ARE READING
Traces Of The String (Red String Series #1)
RomanceThey're Best of Friends. They grew up together. He loves her as much as how she loves their years of Friendship. She hates Friends to Lovers as much as how he hates to pretend. What will happen if she found out the love of a friend she value the mos...
Chapter 3
Start from the beginning
