Kasi naman, sino ba may gusto ng nag confess ang best friend mo kahit wala ka namang feelings para sakanya edi walang napala. Rejected, na-friend zone, awkward, back to square one. Unless if you also like them back edi sige, goodluck.

"Pag ikaw nakarma at nainlove sa bff mo ha" Binantaan nya pa ko habang tumatawa kaya sinabayan ko sya. Hindi mangyayari yon.

"May kutsilyo kami sa bahay, at gusto kong gamitin mo yon sakin pag nainlove man ako sa isang matalik na kaibigan" Pabiro ko pa syang inirapan bago umingay ulit ang pabilog na silya namin dahil dumating na ang apat na bumili ng mamon at sinabing ito daw muna ang birthday cake ko.

Tinakpan ko nalang ang tenga ko dahil kumakanta nanaman sina Sopia, Janella at Akisha, Iya ng pang limang happy birthday song nila..

Mainlove sa kaibigan. Hard pass hahahah. Never.

"Po?!" Napahilamos ako ng muka habang kausap si mama sa cellphone. Sabi nya kasi ay nasa resort na silang lahat. habang ako nasa school at pauwi palang. Hala hindi ako alam san at hindi ako marunong mag jeep mag isa!

"Malapit lang naman ang resort na 'to nak. Isang sakay lang, mag sabay nalang daw kamo kayo ni ian papunta dito. Alam nya ang sasakyan" Halos lumuwa ang mata ko sa sinabi ni mama. Hala nung monday pa huli naming usap non eh, awkward nanaman!

Mag rereklamo pa sana ako kay mama pero binilinan nya na ko at pinatay ang tawag. Napasimangot naman akong tumingin sa hallway buong third floor na ako nalang ang natitira dahil nakababa na ang mga estudyante. Napa kamot nalang ako ng ulo habang iniiisip ang gagawin. What if naka alis na pala sya? Edi hindi ako aattend sa sarili kong birthday party...

Habang nasa corridor at pinapanood ang mga maiingay na estudyante sa baba ay may narinig akong mga hakbang. Ayoko lumingon, feeling ko nakakahiya dahil ako lang mag isa dito, nag patuloy naman ang hakbang na parang nilagpasan ako kaya medyo nakampante na ako.

"Ay puke" napa hawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat nang maramdaman kong may kumalabit sa balikat ko. Naiinis pa kong humarap sa taong kumalabit sakin at balak pa sanang tarayan pero napatigil dahil nakasalubong ko agad ang singkit nyang mata.

Parang may tumulo pang pawis sa gilid ng mukha ko dahil hindi sya nag salita. "U-uy hahaha! Iniwan ka din? Tara sabay tayo punta sa resort" Awkward ko pang pag-yaya sakanya, mabilis naman syang tumango.

"Mom told me sabay na daw tayo kaya umakyat na ko dito sa floor mo" Napakamot pa ng batok. Ay oo nga pala, 2nd floor nga pala ang room nya at 3rd floor ako.

Nag sabay nga kami palabas ng school, konting kamustahan pero sunod ding walang imikan. Nag antay nalang kami sa sakayan ng jeep, pumara naman sya pero agad ding umiling pag tapos makita ang jeep na paparahin sana nya na halatang pinapaandar ng binatang naka topless na may tattoo. Naiimagine ko na.

Medyo mabilis pa ang andar at halos walang pasahero sa loob. Nilagpasan naman kami ng driver dahil umiling na ang kasama ko. Okay na yon eh, bakit nag back-out pa sya.

Umabot din kami ng halos 10 minutes kakaantay bago nakasakay sa isang medyo lumang jeep na pinapaandar ng medyo matandang lalaki. At swerte pa't tatlo lang ang pasahero, kaming dalawa ni ian at isang college student na babae na malayo ang upuan samin.

Tumaas pa ang kilay ko nung umupo ako sa tabi ng pinto ng jeep habang si ian ay uupo sana sa tabi ko pero agad ding nag bago ang isip at umupo sa harap ko na tabi din ng pinto ng jeep. Mabaho ba ko?

Traces Of The String (Red String Series #1)Where stories live. Discover now