Hindi ako naka sagot lalo na nung inabot niya ang kamay ko. Narinig 'ko ang mahinang katyawan ng mga kaibigan namin. Inabot niya sakin yung mga bulaklak. Labag sa loob 'kong tinanggap 'yon.
"This is...." Napakagat ako ng ibabang labi ko habang bitbit na ang binigay niyang bulakbulak.
"Madalas mo kasi kaming tawaging 'be' o di kaya'y mga endearment tulad ng 'babe' 'love' at kung ano man pumasok sa isip mo. Una kinilig ako nung tinawag mo ako niyan pero tinatawag mo pala lahat ng mga ganyang call sign." Natawa siya sa sarili niya pero seryoso lang ang tingin ko.
"First impression ko sayo, maldita na matalino. Totoo pala. Maldita ka at matalino pero sobrang bait na tao" Natigilan pa siya bago tumingin na din sa mga mata 'ko. Hindi ako natatakot na nakipag titigan sakaniya. "Transferee ako dito dahil galing probinsiya ako. Natakot ako sayo kase may pagka englishera ka, strict pa. Naka grupo kita sa project natin sa science, napadalas tayong magkasama. Nakilala kita at hindi ka naman ganon ka maldita dahil napaka understanding mo pa nga, pikon nga lang" Tumawa pa siya.
Tumigil siya sa pag tawa nang mapansing wala akong reaksyon at nakatitig lang sakaniya. He gave me a sweet smile. "Ang seryoso mo naman. Hindi ako sanay."
"Hindi 'ko naman ine-expect na.... M-magugustuhan kita sa maikling panahon na mag kasama tayo sa iisang grupo...." Napalunok siya nung umamin na siya. Napapikit ako ng mata at bumuntong hininga.
"Hindi naman ako sanay dahil sa totoo lang. I-ikaw... Ikaw kasi yung pinaka unang nagustuhan 'ko sa buong buhay 'ko. First time ko din mag confess." Pinalobo niya ang pisngi niya.
"Ginawan kita ng mga tula. Balita 'ko kasi gusto mo yung mga lalaking magagaling sa gantong gawain. Gusto ko sabayan yang galing mo mag salita sa harap, mag sulat ng mga storya at tula. Isa sa mga nagustuhan ko sayo ay iyang tapang at confidence mo. Tinutulungan mo pa 'ko pano mo nagagawa yang pag pupublic speaking mo. Pero pano ako makaka focus kung ikaw yung kaharap ko? Ganda mo eh, nakakapanghina."
"Ang tapang tapang ko pag wala ka, hinahamon 'ko ang sarili 'ko na aamin ako sayo. Pero dumaan ang ilang oras, araw... Linggo hindi ko magawa... dahil pag kaharap kita, natatanggal lahat ng iniipon 'kong katapangan"
Nanlaki ang mata ko nung inabot niya ang kamay ko at naramdaman ko nalang na may sinusuot siya.
Napakagat ako ng labi havang nakatitig sa sinuot niya at sa kamay niyang marahang at tila ingat na ingat na hawak ang palad 'ko.
"Ralfh... I—"
"W-wag ka nalang mag salita.... Feeling ko tatalbog palabas yung puso ko pag naririnig ko boses mo eh" Napapikit siya, hindi pa din tinatanggal yung kamay sakin.
"Tsaka.... Kilala kita, isa ako sa mga matalik mong kaibigan. N-napanood ko na din kung paano mo tinanggihan yung lalaking umamin din sayo. Kinwento mo pa nga sakin." naoa lunok siya at nakita ko ang dumaang sakit sa mata niya. "Alam ko ang bawat ekpresiyon na ginagawa mo sa bawat emosyon na nararamdaman mo kaya... N-naiintindihan ko... Hindi mo ako gusto"
"I'm sorry" my lips formed a straight line, feeling really sad for him.
"Alam kong naman wala akong pag-asa. Umamin lang ako kasi... Ang hirap hindi mag paka totoo sayo eh."
Nanlaki ang mata niyang bumaling sakin nung nakita niyang lukot na ang mukha 'ko. Naiiyak ako sakaniya. Agad siyang umabante palapit at sinabit ang buhok 'ko sa tenga 'ko.
"Oh? bat umiiyak pinaka matapang na secretary namin? Dahil sakin? Wag naman..." He chuckled, staring at me. "Di mo nama kailangan masaktan para sakin, tanggap ko. Gusto ko lang talaga magpaka totoo. Kaya please. Wag ka na umiyak... Kahinaan kita eh" Ngumiti siya sakin kaya tuluyan na tumulo luha 'ko.
"Parang gago naman eh!" Hinampas ko ang balikat niya pero tumawa lang siya sakin. "S-sorry ah?" Napakagat ako ng labi.
"Bat ka nag sosorry? Hindi na ikaw 'to" Sinamaan ko siya ng tingin pero hinawakan niya lang ang kamay ko at dinala malapit sa mukha niya. Napapikit siya habang nasa bandang labi niya ang kamay ko. Hindi niya dinikit o hinalikan. Hinawakan niya lang at nakapikit.
"Dito ako mag aaral sa grade 10 kahit mag tatransfer sana ako. Kaso gusto kita makita eh. Makita lang, ok na yon.... Pero, Mentina. Lalayuan kita ah?" Dumilat siya at tumingin sakin. "Sorry, mag kaibigan tayo dapat di ko to sinasabi pero... Kailangan 'ko eh... Baka bumigay kasi ako pag nanatili tayong close tapos may feelings ako sayo" Onti onti niyang binaba yung kamay ko.
"Next School Year pa naman. Pasensya na ah? Sinugal ko yung friendship natin. Alam kong ayaw mo non..." Binitawan niya na yung kamay ko nung maramdaman kong nangingig na ito.
"B-busy ka ba? S-sige lang kung aalis ka na... O-okay lang sakin" Umiwas siya ng tingin sakin. Ramdam ko naman ang pinapahiwatig niya kaya tumango ako. Onti onti ako lumapit sakaniya at yumakap.
"I'm sorry... you deserve someone better. You're so pure... Pero hindi ko masusuklian. I'm so sorry, Ralfh... At naiintindihan ko. You need space. Kaya ayos lang" Bulong ko bago kumalas ng yakap at tumalikod na. Nakarinig ako ng hikbi kaya mabilis akong nag lakad paalis, feeling really guilty.
Naramdaman ko namang sumunod ang mga kaibigan 'ko.
Napapikit ako habang nag lalakad pabalik sa building ng room namin. Walang imikan ang mga kaibigan 'ko.
☀︎⋆.
YOU ARE READING
Traces Of The String (Red String Series #1)
RomanceThey're Best of Friends. They grew up together. He loves her as much as how she loves their years of Friendship. She hates Friends to Lovers as much as how he hates to pretend. What will happen if she found out the love of a friend she value the mos...
Chapter 2
Start from the beginning
