Dumating naman ang huwebes at totoong wala na talagang binibigay na activities ang mga teacher pag tapos ng 4th quarter periodical exam. Kinantahan pa nila ako sa room na rinig sa buong floor sa sobrang lakas kaya nakakahiya, naka mic pa si kyle habang kumakanta ng happy birthday, pumipiyok pa. Dahil sa sobrang ingay nila ay pati ang ibang room nakiki happy birthday na din sakin kahit hindi ko naman kilala.
Ganon ang eksena namin hanggang sa mag recess na, nasuway pa nga kami ng isang teacher dahil kahit sa hallway, sinusundan nila ako. Ang iingay pa ng mga bunganga.
Pinunasan 'ko ang pawis ko habang naka tambay kami ng mga kaibigan ko sa court, tinakasan namin ang circle nila Kyle na ayaw ako tigilan.
"Be! Omg!"
Muntik na 'ko mabilaukan nang biglang pumasan sa likod 'ko si Akisha habang nginunguya 'ko yung turon na binili 'ko. Nanlaki naman ang mata ko nung mahulog sa sahig yung isa pang turon na binili 'ko.
"Hoy tangina ka! Nahulog turon 'ko!" Inabot ko ang buhok niya mula sa likod at sinabunutan pero tumawa lang siya. Sinamahan naman ang tawa nila Irisha, tuwang tuwa sa pagkain 'kong nahulog.
"Babayaran kita mamaya! Sumama ka dali!!" Excited pa siyang sumisigaw kaya narindi ako, parang nag papanic pa siya habang sinusubukan akong hilain.
"Wait tapon 'ko lang. Bayaran mo 'to" Sinamaan 'ko siya ng tingin habang dinadampot ang nahulog na pagkain at tinapon sa malapit na basurahan.
Hindi pa 'ko nakaka balik sa pwesto nang hilain niya agad ako, pero ngayon hindi lang siya ang excited. Pati ang iba pang apat na kaibigan namin ay hindi mapakali. Tumaas ang kilay 'ko. Anong sinabi niya sakanila?
"Ano ba 'yan, nakakasagi na tayo oh!" Reklamo 'ko, gusto ko sana bawiin yung dalawa kong kamay na parehong hila hila ni Akisha tsaka Sopia kaso ang higpit ng paghatak nila.
Kumunot ang noo ko nang makitang dinala nila ako sa tabi ng ginagawang building sa school namin. Sa mini forest ng school. Kaonti lang ang estudyante dahil medyo dulong bahagi ito.
Natawa ako dahil hinahawak hawakan nila Janella at Iya ang baiwang ko, nakakakiliti kasi. Napatigil ako nang tumigil rin sila.
Lahat sila ay deretso ang tingin at may ngiti sa mga labi. Onti onti 'kong nilingon ang tinitingnan nila.
My smile slowly faded away when I saw two boys. Two of them are very close to me. Pero mas nakuha ng atensyon 'ko ang set up nila. Nasa gilid si Acsi habang ang nasa gitna ay namumula, may hawak na maliit na bouquet, halatang kinakabahan.
Natigilan ako. Tinanggal na rin ng mga kaibigan ko ang hawak nila sakin at gumilid sa tabi ng puno, nakita 'kong lumapit si Acsi sakanila at nakipag apir.
Onti onti akong humakbang palapit kay Ralfh na pinag papawisan at naka tingin sa kaniyang paahan. Huminto ako sa harap niya at deretsong tumingin sakaniya, inaantay na ingat niya ang tingin niya. Hindi naman kailangan tumingala dahil halos magkasing tangkad lang kami.
"Hey... Uhm... A-ano 'to?" Pinilit 'kong ngumiti nung tinaas niya ang tingin niya sakin.
Hindi niya ako sinagot pero napabaling ang tingin ko sa nanginginig niyang kamay. Inabot niya sakin yung hawak niyang mga bulaklak.
Napa buntong hininga ako at alanganing tumingin sakaniya. Hindi ako takot tumingin ng diretso sa mata niya para malaman niya na agad ang nararamadaman 'ko. Pero umiwas lang siya.
"Ralfh..." Mahinahon 'kong tawag sa pangalan niya, hindi pa din tinatanggap ang inaabot niya.
"A—..... Alam mo bang kinikilig ako pag binabanggit mo ang pangalan 'ko?" Sinubukan niyang huminahon pero ramdam pa din ang panginginig ng boses niya.
YOU ARE READING
Traces Of The String (Red String Series #1)
RomanceThey're Best of Friends. They grew up together. He loves her as much as how she loves their years of Friendship. She hates Friends to Lovers as much as how he hates to pretend. What will happen if she found out the love of a friend she value the mos...
Chapter 2
Start from the beginning
