"Ate, i'm done watching, let's play na." Napa mura ako nung biglang inagaw ni kian yung cellphone ko. Narinig ko nalang tumawa si ian dahil agad akong namatay nung inagaw ni kian ang cellphone ko

"Baby naman, wait lang nag lalaro si ate" nag makaawa pa ko kay kian at sinubukang kunin yung cellphone ko pero paiyak na sya kaya hinayaan ko nalang. Binack nya yung laro sa cellphone ko at binuksan yung roblox at binigay na sakin. Putek lose streak na nga eh.

Tinignan ko naman ng masama si ian na pinanalo ang laro kahit afk na ko, tiwanan nya lang ako. "Kuya you play roblox with us too" Utos ni kian sakanya at binuksan yung roblox ng phone ni ian. Nginisian ko naman sya, pareho kaming stuck sa obby ngayon.

Kanya kanya kami ng phone. Sa buong mag hapon na yon ay sinunod lang namin ang gusto mangyari ni kian dahil baka umiyak sya pag hindi.

5 pm na ung tinawag na ko ni mama para umuwi, wala namang problema sakin dahil mag rereview pa ulit ako para sa second day ng periodical exam bukas. Kailangan pang takasan si kian dahil baka umiyak pag nakitang paalis na ko.

"Thank you for playing with Kian" Nag thank you din ako pabalik kay ian. Nag paalam na ko sakanya at tumalikod na, nakita ko pa don si mommy liliane na kakaiba ang ngiti habang nakatingin sa anak nya. Hindi ko nalang yon pinansin at nag pasalamat nalang kay mommy liliane bago sumabay na kay mama pauwi ng bahay

"Hirappp!" Umunat si Sopia ng katawan pagtapos nya sagutan ang pinakahuling tanong ng periodical test sa science ngayong second day ng periodical test. Pero natahimik din naman sya agad sahil sinuway sya ng president namin. Anim kaming mag kakaibigan sa classroom namin, at isa na don si sopia.

"Diba birthday mo na sa Thursday, girl? Wala na atang ibibigay na activities ang nga teachers after ng periodical. Ano gusto mo gawin?" Tumingin ako kay Irisha, ang mabait at maganda kong seatmate. Humarap sakin ang lima pag tapos ipaalala ni Irish ang birthday ko sa Thursday. Sa totoo lang, hindi ko din alam.

"Di ko alam kung mag hahanda pa sila mama o ano eh, pero i'll invite you guys nalang if we're going to celebrate my birthday sa bahay." Tumango nalang sila pero kalaunan sila pa din ang nag usap tungkol sa birthday ko. Sila ata mag bibirthday eh.

Nag dadaldalan pa kami nung pinatigil na kami ni ma'am sa pag iingay, dumating na kasi ang last na periodical test namin. Yes last na. Ganadong ganado naman ako sagutan ang English Periodical Exam dahil last na 'to  at tapos na namin lahat! After ng isang taon na pag aaral sa third year ng JHS, matatapos na din sakawas at bakasyon na. At birthday ko na sa huwebes, hindi ko pa din alam ang gagawin ko.

Hanggang sa pag uwi ay birthday ko ang nasa isip ko, excited ako. Kaya tinanong ko si mama tungkol sa plano nila. "Ma birthday ko na sa huwebes, ano gagawin natin?" Humiga pa ko sa tabi nya habang nag cecellphone sya at tumanday sa hita nya.

"Mag swimming tayo"  Nanlaki ang mata ko at excited na napaupo habang nakaharap pa din kay mama.

"Weh?? Sino kasama?"

"Sina tita sofhia, tita sonya, tita jessi mo kasama ang mga asawa't anak nila" Tumaas ang kilay ko nung binanggit ni mama na ang mga sasama ay ang mga tropa nya at tropa ni papa na asawa nila tita. "Wag mo ko taasan kilay dyan, Mentina ha. Kasama si mommy liliane mo, sabay kasi kayo ng birthday" Napa 'o' naman ako. Kaya pala. Sabay nga pala kami ni mommy liliane ng birthday.

Agad ko namang inupdate sa mga kaibigan ko ang plano ng birthday ko kaya hindi tuloy ang kanya kanyang plano nila para sakin dahil sa huwebes ay uuwi agad ako galing school.

Traces Of The String (Red String Series #1)Where stories live. Discover now