Dinala ko yung cellphone ko dahil paniguradong yayayain lang naman ako ni kian mag obby sa roblox mamaya. Pag dating sa tapat ng gate nila ay parang sariling bahay na binuksan iyon ni mama at sinalubong naman sya ni mommy liliane na kakalabas lang ng pinto ng bahay nila.

"Hi anak, pasok na dali. Inaantay ka ni ian, 10 minutes kang late hahaha" Tumawa pa si mommy liliane at hinatak na si mama papunta sa garden ng bahay nila, mukang doon sila mag kakape at mag kekwentuhan. Tirik na tirik yung araw pero mag kakape.

Pumasok na ako ng bahay nila ian at nakita ko sya naka upo sa upuan ng dining table nila. Bakit muka syang kinakabahan? May ginagawa sya sa cellphone nya bago nya ko harapin.

"Hi! Nag antay ka? Sorry late ng 10 minutes, may binasa kasi ako, hindi ko napansin yung oras" Nagulat naman sya nung nag sorry ako na late, mukang nahalata naman nya na sinabi sakin ng mommy nya na hinihintay nya ko.

"Okay lang. T-tara sa kwarto, nandon si kian. Nanonood ng tv" Tumango ako at excited na sumunod sakanya sa kwarto nilang malaki, kung saan doon silang tatlo natutulog dahil malaki talaga yon at ang mamahaling foam nila na nakalatag lang sa sahig at walang kahoy na kama.

Namiss ko ito dahil dito kami madalas mag sleep over, magigising nalang akong katabi sya nung bata pa kami. Pag pasok namin ay sinalubong agad ako ng puting kwarto nila na sobrang lamig dahil sa aircon at ng malakas na volume ng pinapanood ni kian.

"Ate Mentina!" Niyakap agad ni kian ang hita ko at hinila ako paupo sa foam sa sahig. Agad ko pinisil ang matabang pisngi nya. Cute cute! Ang puti talaga ng lahi nila shet.

"Ate, you stay here. We'll play nalang after i finish this po" Tinuro nya pa yung cartoon na naka play sa malaki nilang tv. Tumango nalang ako at gumilid sa higaan, sumandal ako sa puting pader habang nililibot yung tingin ko sa malaking kwarto. Namiss ko talaga 'to.

Naramdaman ko naman na may tumabi sakin. Lumingon ako sakanya at ngumiti, may space pa din ang pagitan namin nung umupo sya. "Ang tagal na nung huli akong maka punta ulit dito. Namiss ko 'to!" Tumatawang sabi ko kay ian.

"Ako din" Sinabayan nya pa yung tawa ko at mukang may narealize sya sa sinabi nya dahil huminto sya sa pag tawa.

"I-i mean. Ano... Nevermind." Umiwas pa sya ng tingin sakin na ikinakunot ng noo ko. "By the way, do you play?"

"Ha?" Anong laro ba yung tinutukoy nya?

"Ml" Napa 'ahh' naman ako at tumango. Nag mml ako, mahina nga lang.

"What's your rank?"

"Epic palang ako" Tumawa pa ko at hinampas yung unan na nasa kandungan ko kahit wala namang nakakatawa. "Ikaw ano rank mo?"

"Mythical Immortal"

Edi sya na malakas.

Medyo nahiya naman ako sa rank ko kaya niyaya ko nalang sya mag classic. Cinonnect nya muna ang cellphone ko sa wifi nila bago kami nag simulang mag laro. Pinick ko ang hero ko na may magandang skin. Mage ang hero ko at nag core naman sya.

"Sana all collector skin" Pang aasar ko sakanya dahil ang ganda ng skin ng hero nyang halatang mabigat sa bulsa.

"Ikaw din naman" Pabiro nya pa kong inirapan ng mata bago kami nag simulang mag laro.

Sa gitna ng laro namin ay napapamura na ko sa isip ko, kanina pa ko nililigtas ni ian sa mga kalaban, hinahampas ko na nga sya pag namamatay ako.

"Dito dito, tinitake nila yung lord. I-steal mo" sabi ko sakanya habang nag tatago kami sa bushes.

Traces Of The String (Red String Series #1)Where stories live. Discover now