"Ahh namana sayo yung anger issues" Sabi ko at na may kasama pang asar. Totoo naman, naaalala ko tuloy dati nasira nya yung keyboard ng computer nila sa sobrang inis at galit sakin kasi pinapasabog ko lagi yung bahay nya sa Minecraft. Ilang araw din bago niya ko pansinin non.
"Grabe ka naman" Pinanlakihan niya pa ko ng mata bago umiwas at tumawa ng mahina. "Gusto mo pumunta sa bahay?" Nagulat naman akong lumingon sakanya, mukang sya ay nagulat din sa sinabi nya. Mabubuild na ba ulit ang friendship namin?!
"N-no! I mean if you want to come over for kian. Naiiyak na yon kasi bawal pumunta sainyo kaya I thought if you w-want to come over instead" Sa sobrang panic nya ay napa english pa sya sa pag eexplain.
Wala naman problema, yun nga gusto ko eh, isang taon na din nung huli akong pumunta sa bahay nilang may aircon.
"Mag papaalam lang ako kay mama pag uwi, siguro mga 2 ng hapon ako punta" Ngumiti nalang ako sakanya. Nag usap pa kami tungkol sa school at hindi namalayan na nandito na kami samin.
Umakyat na kami sa hagdan papunta samin, dahil medyo maliit ang space ng hagdanan ay pinauna na nya ako ng lakad habang hawak pa nya ang payong ko. Nang maka rating kami sa tapat ng gate ng bahay nila ay inabot nya na sakin yung payong ko.
"Thank you sa payong. I'll see you later, Mentina" Hilig talaga nya mag english. Tumango nalang ako at mukang hindi sya papasok ng gate nila hangga't hindi nya ko nanakita mag lakad na paalis. Kaya ngumiti nalang ako at nag lakad na papunta ng bahay namin.
Pagkapasok na pagkapasok palang ng bahay ay sumalubong sakin si mama na naka upo sa sofa at mukhang may ka-text sa phone.
Naupo ako sa tabi niya at sinumulang tanggalin ang sapatos 'ko.
"Ma alam mo ba. Nung nasa election na, nakita ko si Ian. English president din pala sya ng section nila" Agad kong dinaldal si mama nang maalala 'kong ikukwento ko nga paa sakaniya.
"Oo nga, ito kausap ko din si Liliane, sabi nya pag kauwi na pag kauwi din daw ni Ian ay sinabi din nya na nakita ka nya at late ka makadating sa election" Unbothered pa si mama nung sinabi nya yon, sinilip ko pa yung convo nila ni mommy liliane at totoo nga! Syempre nagulat din ako 'no, pareho kasi kami nag kwento agad pag kauwi palang.
Pinag sawalang bahala ko nalang yon at naaalala yung imbitasyon sakin ni ian na pumunta sa bahay nila. "Ma nakasabay ko pala sya pauwi, punta daw ako sa bahay nila para kay kian kase grounded daw yon, di maka punta dito sa bahay." Lumingon agad sakin si mama nung nag paalam ako.
"Ay weh? Sige, kain ka muna. Mga alas dos ka na pumunta sakanila... Sasama na pala ako, may sasabihin pala ako kay liliane" Nag okay nalang ako kay mama at hinubad na yung uniform ko.
Habang kumakain ay nakausap ko pa din si yia, panay ang tanong nya tungkol don sa Jules, mukang nahanap nya yung facebook ng lalaki kaya kinikilig sya kase type nya nga talaga yon. Gwapong nakasalamin eh, matic na yan.
Pinag iisipan ko pa kung ikikwento ko pa ba yung nangyari ngayong araw kasama si ian, napag desisyonan ko nalang na hindi ko ikwento dahil hindi naman alam ni yia na kababata ko yung inasar nya sakin kahapon sa Library at naka sabay ko pa ngayon pag uwi. Asarin pa ko non, wag na.
1pm palang ay naligo na ulit ako at nag suot ng presintable na pang bahay na pwede ko masuot kahit sa bahay nila ian. 1:30 na at bored ako kaya nag basa muna ako ng webtoon sa cellphone ko.
Napapa singhap pa ko dahil sa binabasa kong kwento. Lumipas din naman ang 30 minutes ulit at kung hindi pa ko tawagin ni mama ay hindi ko pa mamamalayan na 2:10 na pala. Bumangon na ko at hinayaang naka lugay mahaba kong buhok, wavy ang buhok ko kaya mas gusto ko syang naka lugay lang.
YOU ARE READING
Traces Of The String (Red String Series #1)
RomanceThey're Best of Friends. They grew up together. He loves her as much as how she loves their years of Friendship. She hates Friends to Lovers as much as how he hates to pretend. What will happen if she found out the love of a friend she value the mos...
Chapter 2
Start from the beginning
