Ngunit dumating ang pandemic dahil sa kumakalat na sakit sa buong mundo at sa loob ng dalawang taong iyon ay nawalan kami ng koneksyon sa isa't isa dahil pati sa social media ay hindi ko sya ka-mutual, nawala ang friendship namin kahit mag kita kami sa simpleng handaan, pag bisita o pangangamusta ay hindi na kami nag usap.
At ngayon ay pareho kaming 3rd year ng JHS sa iisang school, iisang building at pati na rin ng club.
Natapos din ang pag papakilala ng grupo nila at ang head english teacher naman ay inanyayahan kami ni Lia at ng iba pang dalawang estudyante para kami namang apat ang sunod na mag papakilala sa harap. "Say your name, section, adviser, english teacher and your achievements if you want"
Tinignan ko naman ng masama si Lim noong pumwesto sya sa dulo ng row naming apat sa harap at ako ang nasa unahan. Wala naman akong choice kundi maunang magpakilala sa lahat. "Good Day to everyone, I am Clementine Salvator, The English President of Class 9- Orion. My Class adviser is Mrs. Jessica Lervago, and my English Teacher is Mr. Christian Don Pierlo"
Hindi na ko nag abala pang sundan ang sinabi ko, sabi naman ni ma'am ay say your achievements daw if you want pero I don't want eh, bahala sila dyan. Wala naman choice ang katabi ko at pinakilala nalang ang sarili nya, nag joke pa sya para ma enlighten naman ang atmosphere dahil masyado ngang seryoso ang lahat.
Nilibot ko ang paningin ko habang nag papakilala ang mga katabi ko. Ang seseryoso naman ng mga muka nila.
Pero tumigil yon sa matang nakatingin na sakin, sandali akong nakipag titigan sakanya bago sya mismo ang umiwas ng tingin, medyo tumaas ang kilay ko nang marealize ko na nakaupo sya at ang kasama pa nitong lalaki sa may apat na upuan kung saang row kami nakaupo ni Lia.
Kung hindi ko siguro kilala si Ian ay baka kiligin na ako at mag isip na destiny kami dahil lagi kami nag kikita at nag tatama ng mata.
Nung pabalik na kami sa mga silya namin ay pasimpleng kinurot ni Li. ng bewang ko dahil mahina akong natawa sakanya matapos sya pumiyok habang nag papakilala, nakasimangot sya at namumula ang maganda nyang muka.
Wala namang problema don dahil ayos lang naman ang pumiyok dahil hindi naman natin sadya at ginusto yon pero natawa ako eh, pang asar lang din.
Sinubukan kong hindi tumingin kay Ian nung dumaan kami sa harap nya dahil dito rin ang silya namin. Katabi ko ang lalaking kasama niya habang siya ay nasa kabila nito, nasa center aisle sya.
Hindi ko nalang iyon pinansin at naisipang ikwento agad yon kay mama pag uwi. Nakinig ako sa mga pag papakilala ng iba, napapanganga nalang ako sa pagka mangha dahil sa galing nila mag English na may kasama pang accent at isama mo na yang mga achievements nila na sobrang dami at talagang ka-proud proud ipag mayabang. Kahit ako pag ganyan katalino ay ipag mamayabang ko sa lahat eh.
Sana all
Ngumuso ako pasimpleng nilabas ang cellphone ko at nag type ng i-chachat ko kay Yia ng patago sa ilalim ng lamesa. Mahirap na baka masaway pa.
Clementine;
be,,,, hEpl me
agn ttalino nila
naoout of place aqu.
Yiana;
HAHAHAHHAHAHAA English President pa.
may pogi?
N
ag self react pa sya sa chat nya, hindi ko naman mapigilan libutin ng tingin ang buong kwarto. Nag hahanap ng pogi.
Clementine;
mairoj baks
mai salaamin
maputi
mejo matanqad, prang kacng tangqd quh langhg sli8. cguroh onti lngg tnangqad nia sakien
mokha xha kano huehueheuehue
Yiana;
luh xharap
name drop pls
libre kta.
Natawa pa ko ng mahina dahil may kasama pang emoji na hugis puso ang mata yung reply nya. Napaka head over heels talaga nito sa mga nakasalamin.
Clementine;
Jules Jaydee Calvasion
Tinago ko agad ang cellphone ko nung dumaan ang teacher. Nag bobotohan na pala. Nag simula ang botohan at binoto ko ang mga studyanteng may confident at gusto talaga maging officer ng club.
Natapos ang election sa loob ng isang oras at pinauwi na kami habang ang mga officers ay nanatili for meeting. Wala na akong kasabay nung umalis na si Lim dahil mag kaiba ng direksyon ang bahay namin.
Napag desisyonan ko nalang mag lakad pauwi, medyo malayo ang bahay ko sa school pero kering keri naman lakarin, mga 30 o 40 minutes na lakaran lang naman. Pang kwek kwek ko nalang 'tong bente pesos ko.
Mabilis akong nag lakad mag isa sa gilid ng kalsada, sobrang tirik ang araw buti nalang ay may dala akong payong at hindi ko na kailangan mag alala na baka umitim ang mukha ko dahil sa init.
Hingal na hingal pa ko nung nakasilong na sa pwesto ng nag lalako ng street foods.
"Kuya, bente pesos pong kwek-kwek" pinunasan ko muna ang pawis na namumuo sa noo ko bago tumusok.
May nakapa pa 'kong sampung piso sa bulsa ko kaya maligaya akong bumili ng palamig pang tulak.
Naka tayo lang ako sa gilid, silong silong ng malaking payong ni kuya habang nginunguya ang pagkain. Bumalik pa uli ako sa harapan dahil makikisawsaw uli ako ng sauce.
Napabaling naman ako sa kamay na biglang nag lahad ng 50 pesos kay kuya habang painom 'ko ng palamig 'ko.
"Boss 10 pesos nga na kikyam" Muntik na ko mabulunan habang umiinom nang marinig ko ang pamilyar na boses na lumitaw sa tabi ko.
Napangiwi at nanlaki ang mata ko nang itaas 'ko ang paningin 'ko at natagpuan si Ian na seryosong bumibili pero napansin yatang may nakatingin sakaniya kaya binalingan niya rin ako ng tingin.
Kahapon pa 'to ah, bakit lagi kami nag kikita neto?
Saglit kaming nag tinginan dahil hindi naman namin ineexpect pareho na pati dito ay mag kikita kami. Umiwas nalang ako ng tingin at binilisan ang pag kain ko ng kwek kwek.
౨ৎ⋆˚.⋆
YOU ARE READING
Traces Of The String (Red String Series #1)
RomanceThey're Best of Friends. They grew up together. He loves her as much as how she loves their years of Friendship. She hates Friends to Lovers as much as how he hates to pretend. What will happen if she found out the love of a friend she value the mos...
Chapter 1
Start from the beginning
