"Una daw math!" Lahat ng classmate ko pati ako sabay sabay nag reklamo. Unang araw ng Periodical exam and out of 8 subjects, Math is the first subject we will take at 6:00am! I mean, not everyone hates math but not everyone loves it as well.

Nag review naman ako kaya medyo kampante pa ako at while answering the questions, the SciCal is definitely useful lalo na sa pag solve ng question. Napa isip tuloy ako, Ngayong pa ngang kumpleto ang inaral 'ko ay hirap na hirap na 'ko. Pano pa kaya kung di ako nag review o di kaya'y kulang ako ng aral sa math?

Hours had past at maaga kaming pinauwi ng adviser namin dahil maaga din namin natapos yung 4 subjects, bukas pa ang iba.

Napangiwi ako noong makalabas na ako ng faculty room dahil pinatawag ako ng English Teacher ko, sinabi sakin na kailangan ko umattend ngayon sa isang English Meeting or Election for club officers.

Kailangan ko umattend dahil lahat ng English presidents in all grade 9 sa school namin ay kasama, pati ako dahil ako ang English president ng section namin. I was kinda wondering though bakit kailangan pa ng election kahit 4th quarter at periodical na. Pero hindi ko nalang pinansin dahil wala naman akong balak maging officer ng english club.

Nag paalam muna ako sa mga kaibigan ko na nauna nang umuwi dahil kailangan ko pa umattend dito, kasama ko naman si Lim na english president din ng section nya, sabay kaming dumiretso sa room kung saan gaganapin ang election at mukang late pa kami dahil halos lahat ay nandon na, mayroon na ngang grupo ng apat na nakatayo sa harap nag papakilala.

Naupo kami Lia sa pinaka likod, may apat na bakanteng upuan don kaya naupo kami sa dalawang silya. Ganon nalang ang gulat ko noong marinig ko ang pamilyar na boses ng lalaki na nag papakilala sa harap.

"Good Morning to everyone, my name is Kyllian McMazen Tuazon. I'm the English president of 9- Cassiopeia, my class adviser is Miss Grace Santiago and my English Teacher is Ma'am Avril Perez. My achievements is I graduated elementary as a high honor student, I won multiple english quizzes and math quizzes competitions in my previous school and won couple of gaming competitions. That's all, Thank you"

Nag tama ang tingin namin ng lalaking nasa harap.

Kalmado niyang natapos ang kaniyang pagpapakilala na parang wala siyang pakialam sa lahat.

Napa awang pa ang labi 'ko nang umiwas siyang tingin at umaktong hindi ako kilala.

He look so calm while infront of these unfamiliar people. Wow.

But I didn't know he's also the English President of his class? What a coincidence.

"Hala, gwapo" Bumulong si Lia sakin habang naka tingin sa kakatapos lang mag pakilala na si Ian habang ang kasunod nitong lalaki sa harap ay nag papakilala na din.

Tumingin ako kay Ian, oo gwapo nga sya pero dahil siguro sa kasanayan ko makita ang itsura nya ay hindi ko na ito napansin.

Si Ian o Kyllian ay may katangkaran, maputi, banat na banat ang buhok, at tignan mo palang halatang mabango na. Ganon ang itsura nya lalo na pag suot ang uniform nitong amoy downy. Mukha siyang clean boy.

Hmm pano ko nga ba kilala si Kyllian? Sya ang kababata ko. Anak ni mommy Liliane na matalik na kaibigan ni mama na parte din ng tropa nila na nabuo noong high school pa lamang sila.

Malapit ang mama ko at mommy nya kaya malapit din sya sakin at sa mga kapatid ko at malapit din naman kami sakanya at sa mga kapatid nya. Halos sa bahay na nga namin tumira ang bunso nitong kapatid na si Kian.

Malapit kami ni ian sa isa't isa dahil isang taon lang naman ang pagitan namin. Mag kapit bahay kami, sabay kaming nag lalaro, sleepovers, parties, swimming , sabay kaming inilipat ng magulang namin sa private school noong elementary at sabay din inilipat sa public.

Traces Of The String (Red String Series #1)Where stories live. Discover now