Lumingon lingon pa ko sa sahig, sinusubukang hanapin ang maliit na upuan kanina na ginamit kong patungan para maabot ang librong 'to kanina kaso wala, nandon na pala sa kabilang side ng library, hiniram ng ibang estudyante.

Gusto ko nalang sana ilagay sa ibang row ng shelf yung libro kaso isa sa mga kabilin bilinan ng teacher na nag babantay kanina sa library na dapat ibalik ang libro doon mismo sa pinagkuhanan dahil arranged na daw ito. Napamura nalang ako sa isip ko at napakamot ng leeg. Ano ba 'yan kainez.

"Akin na" Napa lingon ako sa pinanggalingan ng boses na mukang kumakausap sakin, hindi naman ako tumingala dahil ang height nito ay hindi naman lumalayo sa tangkad ko. Well medyo. Hanggang tenga niya lang ako.

Inabot ko sa nakalahad na kamay ni Ian ang libro. Sya naman ang tumingkayad at inilagay ang libro sa mataas na lugar nito.

"Thank you" ngumiti ako sakanya at for some reason ay umiwas agad sya ng tingin pag tapos niya suklian rin ng ngiti ang ngiti ko. Napaiwas din naman ako ng tingin noong nag simulang mag katyawan ng medyo mahina ang ang ssg officer, ang gwapong lalaki na iyon at ang isa pa nyang kaibigan.

Mukang pinapanood nila ang eksena namin. Ngumiti nalang ako sa awkwardness, lumapit na ko kay Yia at muling napasulyap sa lamesa nila, nakita ko pa syang binabatukan ang mga kaibigan nya.

"Ayieh" napa irap nalang din ako nung sinundot sundot ng kaibigan ko ang bewang ko at tinaas baba pa ang kilay nya.

"Tanga tinulungan lang ako nung tao, assumera 'to" sabi ko sakanya at hinatak na sya palabas ng silid aklatan.

Binagsak ko ang katawan ko sa kama dahil sa pagod na nararamdaman, pag tapos kasi namin mag review ni yia sa library ng school ay tumambay muna kami sa kanto na may manong na nag titinda ng street foods, madalas na kainan namin Yia tuwing nag sasabay kami pauwi.

Nanatili ako sa ganoong posisyon ng ilang minuto bago abutin ang cellphone ko sa loob ng bag. Nag scroll scroll muna ako sa facebook at nag post ng myday na picture ng mga libro na inaaral ko kanina sa library at picture ng selfie ko.

Nabored din naman ako kaya nag bukas ako ng TikTok at nireplayan lahat ng videos na sinend sakin ni yia na nag mukang buong fyp niya na.

Nawalan din naman ako ng gana mag gadget matapos ng dalawang oras kaya lumabas ako ng kwarto para mag hugas na ng mga pinag kainan, naabutan ko lang sa sala ang ate at ang kapatid ko na nanonood ng movie na lagi naman nilang ginagawa habang si mama naman ay wala sa bahay dahil nandon sya sa bahay ng kapitbahay, nakikipag kwentuhan.

Normal na araw lang naman ang lumipas, ginawa ko ang mga gawaing bahay na naka toka saakin at muling nag review para sa huling subject dahil kinabukasan na ang periodical test na nag papakaba sakin ng ilang linggo.

Inabot ako ng 9PM bago matapos balikan ang mga lesson na tinuro samin sa isang subject. Math. Madaming oras talaga ang nilaan 'ko dahil kahinaan 'ko yan. Napa hinga ako ng maluwag nang mabagsak 'ko na sa malambot na kama ang kanina pag sumasakit na balakang 'ko.

Lord sana maka pasa po, kahit pasang awa ang score please po, guide me, thank you. Amen.

Napahikab ako sa antok noong makarating ako sa school ng 5:30 am dahil mag sisimula ang exam ng 6:00 am, pero agad din namang nawala ang antok ko nung makarating din ako sa 3rd floor ng aming mataas na building matapos umakyat sa madaming hagdan bago makarating ng building namin.

Wala pang ala sais haggard na haggard na ko. Kahit nanghihina ang binti at naliligo sa sariling pawis ang mukha ko ay sinalubong ko ang mga classmate ko ng ngiti dahil katulad ko, parang hihiga na sila sa sahig sa sobrang hingal dahil sa pag akyat sa mga hagdan ng school.

Traces Of The String (Red String Series #1)Where stories live. Discover now