18 - This Kiss!

64K 634 11
                                    

"Mmmmm..."

Nagising ako dahil nakakaramdam ako ng may humahalik sa leeg ko. Umagang umaga!

"Wake up, sleepyhead." Bulong ni Damon sa tenga ko. "Mmmm... five minutes lang..." sagot ko. narinig ko siyang tumawa tapos naramdaman ko ang kamay niya na papunta sa kanang dibdib ko. Okay babangon na ako.

Pagkabangon ko, nilingon ko siya at nakita kong nakatingin siya saken habang nakataas ang isang kilay at nakangiti. Gosh, umagang umaga nangse-seduce 'tong loko na 'to!

"What?"

"Bakit bigla kang bumangon?" I gave him a lopsided grin. "Alam ko yang gagawin mo. Bumangon na tayo, pupunta pa tayong office."

Nagpout siya. WHAT! Damon, pouting?! Gosh. Feeling ko ito ang kahinaan ko!

"Stop pouting."

"I need you..." pagwa-whine niya. "Nako, hindi. Male-late ako. Kung ikaw gusto mo ma-late sige lang. boss ka naman e. Mauuna na ako." Sabi ko sabay derecho sa banyo para maligo. Bahala siya dun, ang kulit kulit. Napaka-insatiable!

Natapos kaming dalawa sa pag-aayos. Hindi na ulit siya nangulit. Papunta na kami ng office. Plano naming um-order na lang ng breakfast sa Starbucks sa katabing building. Di na kami nakapag-prepare ng breakfast. Ang tagal kong kumilos, ang tagal din ni Damon kumilos. Ayun, walang kain kain.

Pagdating namin sa Starbucks, pumila na kaming dalawa. Siya ang magbabayad, as usual. Ayaw magpalibre. Ganun talaga siguro kung mayaman, noh? Pati ung mga barkada ko, ayaw magpalibre. Tsk!

"What would you like to eat?" tanong ni Damon sakin.

"Chocolate glazed doughnut and Cappuccino, venti." Tumango naman si Damon. For sure, americano ang bibilhin nito.

BUT I WAS WRONG. Mocha ang binili niya. Di ko in-expect yon ah! Dumerecho na kami sa building at tumungo sa elevator. Nung kami na ung sasakay, lahat ng employees, hindi sumabay. Porket si CEO ang sasakay, di na sila sasabay?

"You know, Damon. Di ko inakala na Mocha ang oorderin mo." Lumingon siya sakin at nagfrown. "Why?"

"It is typical for a man to order an americano or an espresso. Pero ikaw, nag-Mocha ka."

"Well, I am not most men, Serena mine. You'd be surprise to know more things about me." Di na ako nakapagsalita ulit dahil dumating na kami sa floor namin. Andun na si Grace, as usual. Nakangiti siya samin ni Damon nung pumasok kami kaya nginitian ko siya. Ewan lang si Damon.

"Good morning, Sir! Good morning, S!" bati ni Grace.

"Good morning, Grace!"

"Good morning, Grace." Sagot ni Damon tapos ngumiti. Pagtingin ko kay Grace, nanlalaki ung mata niya. Anyare? Pagpasok ni Damon sa office, nilapitan ko siya.

"Anyare sayo? Ba't ganyan itsura mo?" tanong ko. "Shet, S. anong gayuma ang meron ka at napangiti mo si Sir Damon?!"

"HUH?!"

"Alam mo bang hindi ngumingiti yan si boss! Pero ikaw, kasama ka lang niya... abot tenga ang ngiti ng loko! Anong ginawa mo dun?" tanong ni Grace na tinawanan ko naman.

"Wala, okay. Maybe I'm just good taming a man." Sabi ko sabay alis papunta sa desk ko. Narinig ko naman si Grace na sumigaw ng, "Anong taming a man yon, S!!!!". Natawa naman ako. Inayos ko na ung gamit ko sa desk at tumingin sa loob ng office ni Damon, at nakita ko siyang nagtatakang nakatingin saken.

His Naughty Proposal [COMPLETE]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang