28 - The Letter.

58.9K 521 20
                                    

Nagising ako dahil sa sinag ng araw mula sa bintana ng condo ni Damon. I smiled to myself when I remembered what happened last night. Hindi pa rin ako makapaniwala. Nilingon ko ang side ni Damon pero wala siya sa tabi ko. Asan kaya siya?

Bumangon ako at sinuot ung shirt ni Damon. Lalabas na sana ako ng kwarto ng may napansin akong sulat sa bedside table. At doon ko lang napansin na 8AM na pala. Putek, kaya siguro wala na si Damon kasi late na siya. Di man lang ako hinantay? Kinuha ko ung sulat at binasa 'yon:

Hey, Serena mine. You're in a deep sleep that's why di na kita ginising. Come to the kitchen, I made you a breakfast. I love you. x Damon

Oh God. Busog na ako sa sulat mo, Damon. Walanghiya ka. Tumungo na ako sa kitchen at nakitang andun pa din si Damon. Ah, magpapalate kaming dalawa. Sige lang, boss naman e. Meron na ring almusal, kaso medyo may problema. Halatang sunog ng bahagya ung hotdog at bacon. Okay naman ung fried rice at saka ung scrambled eggs. Lumapit naman ako kay Damon at niyakap niya ko ng mahigpit sa bewang. Eek, shet kinikilig ako.

"I'm sorry in advance, if ever hindi mo magustuhan ang niluto ko. I know I'm not a good cook." Mahinang sabi ni Damon. Pumiglas ako ng onti sa yakap niya para hawakan ang pisngi niya. "Kahit gaano pa kapangit ang lasa ng luto mo, kakainin ko yan." Saka ko siya hinalikan ng mabilis sa labi. Tumabi na ako sa kanya at naghanda ng pagkain ko. Mukha namang edible ang niluto ni Damon. Nagbilang muna ako ng 1, 2, 3 sa utak ko bago kumain. Nung unti-unti akong ngumuya, nakatingin lang si Damon sa akin. Maalat ung fried rice, matabang ung scrambled eggs, pero perfect para sakin ang hotdog and bacon.

"Anong lasa?" tanong ni Damon. Nilunok ko muna ung kinakain ko bago humarap sa kanya at ngumiti.

"Masarap. Kaso may problema lang ng onti... but I can manage." Sabi ko. Damon smiled shyly then continued watching me eat. Okay naman talaga ung luto niya, noh. Syempre pag mahal mo talaga ang isang tao, kahit gaano kapangit ang luto niya, masarap yon para sa'yo!

Sabay kaming naligo ni Damon pagtapos naming kumain ng breakfast. Sabay din kaming pumasok ng office. Napagkasunduan naming hindi kami magpapaka-intimate sa isa't isa kapag nasa office, maliban na lang kung andoon kami sa mismong floor ng office ni Damon. Tutal alam naman ni Grace ang tungkol samin, di na kami mababahala.

Dumating kami sa office at nagtrabaho na. Medyo madami kaming kailangang gawin ngayong araw, dahil natatambak ung mga proposals at mga invitations mula sa mga fashion magazines, pati na rin ung mga business companies na gustong magfranchise ng Au Revoir. Kami ang naghahandle ng sales, dahil sa Henry Enterprises naman talaga ang spearhead nito, tanging partner lang ni Damon ang Wave para sa mismong mga damit.

I was in the middle of work when I felt something down there. Kapag minamalas ka nga naman talaga oh. Alam ko na kung ano 'to e. I've had my last period last first week of March. Akala ko nga nabuntis ako ni Damon, dahil antagal dumating ng dalaw ko. Eh kaso sumakto naman ngayon ung menstruation ko, NASA WORK PA AKO DIBA. Pft.

Tumungo ako ng banyo, as in nagmamadali ng bongga talaga. Nagdala na rin ako ng mga barya para kumuha ng napkin sa vendo machine. Diyos ko, wala pa naman akong extrang underwear. Di ko naman alam na magkakaroon ako ngayon e! Ugh. Bahala na. Kainis naman oh. Sobrang iritable na tuloy ako. eh pag meron pa naman ako, sasakit ng sobra ang puson ko tapos magiging gutom at iritable ng bongga. Ugh. Five days of agony.

Feeling ko nasa bulkan na ako dahil sa nararamdaman ko ngayon. Ang init, sobra!!!! Ang lakas naman ng aircon pero naiinitan ako. Di ako makakapagtrabaho ng maayos nito panigurado. Dami pa namang gagawin. Wrong timing naman 'to. Sometimes, I really hate it when my body reminds me every month that I'm a girl and I have ovaries. Eek.

His Naughty Proposal [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon