46 - Baby Shower.

54.1K 537 16
                                    

Four months. Four months had passed and I'm already on my sixth month. So many things had happened; so many things had been discovered. Malaki na rin ang tiyan ko kahit six months pa lang. mas tumindi rin ang paglilihi ko. Anu-ano bang nangyari sa loob ng apat na buwan na 'yon?

Damon and I discovered that we're having twins. Nalaman namin nung 2nd monthly check-up ko. Pina-ultrasound kasi ulit ako para i-check ung growth ng baby, tapos bigla na lang napa-gasp si Penny. Natakot nga ako! Akala ko naman kasi kung ano yung nakita niya sa monitor. Eh di nanginginig akong nagtanong ng bakit, tapos ngumiti siya samin at nagsabing: "Congratulations to the both of you. I didn't notice this before, pero ngayon, nagdevelop na. You'll be having twins."

After hearing Penny said those words, hindi ko na napigilan ang sarili ko at napaiyak ako sa tuwa. Kitang kita ko naman kay Damon na talagang tuwang tuwa siya kahit hindi siya naiiyak tulad ko. Nagsabi samin si Penny na dahil nga twins, kailangan ng sobrang dami na ingat. Kung dati, maingat kami, ngayon dapat sobrang ingat na dahil dalawang tao na ang dinadala ko. Dahil nga din sa twins, sobrang dami ng nakakain ko! As in, kain dito, kain doon ang routine ko 24/7. Hindi naman nagrereklamo si Damon. Actually, tuwang tuwa pa nga siya kasi sabi niya, magiging sobrang lusog ng babies namin. Kung anong hinihingi ko, binibigay kaagad. Isang beses pa nga, sobrang hatinggabi na, pero ginising ko pa rin siya kasi nga naghahanap ako ng singkamas...

** Flashback **

Napabalikwas ako sa paghiga. Ugh. Wrong timing magutom ang mga anak ko, infairness naman. Inabot ko ung relo ni Damon sa bedside table at nalaman na 1AM na pala. At nagkecrave ako ng singkamas na may ketchup! Kahit ayoko... kailangan kong gisingin si Damon. Baka magalit siya sakin. Pero wala naman din siyang magagawa. Sige na nga! Gigisingin ko na.

"Damon..." bulong ko habang bahagyang yinuyugyog ung katawan niya. Agad naman siyang nagising tapos humarap sakin.

"Why? May problema ba?" tanong niya. Halatang inaantok siya pero gumising siya para samin nila baby.

Yumuko ako ng kaunti tapos tumingin sa kanya at ngumiti. "Pwede mo ba akong kuhaan ng singkamas tapos ketchup?"

Dahan dahang bumangon si Damon, pupungas pungas pa. Halatang naistorbo ko ung pagtulog niya.

"Wala na tayong singkamas, Serena mine. Inubos mo na kanina." Sabi niya sakin. Napasimangot naman ako. Ganun ba kadami ung nakain ko kanina at naubos ko yon?!

"Dali na..." pagmamakaawa ko. "Promise di na kita gigisingin ulit mamaya para hingan ng pagkain."

Ngumiti naman si Damon tapos umalis sa kama. Nagsuot siya ng pajama tapos white t-shirt at kinuha ung wallet niya. Nanatili lang akong nakaupo habang pinagmamasdan siya. Humikab pa si Damon habang papalapit sakin para halikan ako sa noo.

"I'll be back in a few. Maghahanap lang ako ng singkamas para sa misis ko." Sabi niya sabay ngiti ng malawak. Ngumiti na lang ako at tumango. Pagkaalis niya, bahagya akong nahiga sa kama at hinihimas ung sinapupunan ko. Madami dami na rin kaming nakain ng mga anak ko pero parang di pa rin kami satisfied. Kawawa naman si Daddy.

Mga thirty minutes na, wala pa rin si Damon. Bumangon na ako at nagsuot ng robe tapos bumaba papunta sa sala para doon siya antayin. Diba nga dito na kami nakatira sa pinagawang bahay ni Damon? Kaya may second floor chenes na kami.

His Naughty Proposal [COMPLETE]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora