10 - Enjoying His Company.

77.3K 758 11
                                    

I awake with a jolt... bakit parang ang init, eh may aircon naman 'tong kwarto?

Nilingon ko si Damon at doon ko lang napagtanto kung bakit ang init. He is wrapped around me like a vine. Ang legs niya ay nasa gitna ng legs ko, ang braso niya nasa bewang ko, at ang kamay niya ay nasa dibdib ko. Hanggang pagtulog ba naman, 'di pa rin siya makuntento?!

Tiningnan ko siya ng mabuti. Grabe, ang gwapo talaga niya. Parang panaginip lang na meron kaming kakaibang relasyon. Siya pa ang lucky guy na nakakuha ng virginity ko. Siya na talaga! My gosh!

Dahan dahan akong bumangon. Kinuha ko ung shirt niya sa sahig at yun ang sinuot. Dumerecho ako sa banyo para tingnan ang sarili ko at para gawin ang aking mga rituals pag umaga. Pagtingin ko sa salamin, AKO BA TALAGA ITO? My lips are swollen, my cheeks are pink and I'm glowing. Para akong teenager na kinikilig dahil sa crush niya!

Lumabas na ako ng room at dumerecho sa kitchen. May isang babae na naghahanda sa kitchen island kaya nagpasya ako na batiin siya. Siguro siya si Beth, yung housekeeper ni Damon.

"Uhm... good morning po. Kayo po ba si Beth?" tanong ko. Lumingon naman siya at ngumiti sakin.

"Ah, oo. Ako nga si Beth. Upo ka na, handaan kita ng almusal." sabi niya sabay balik sa kung ano yung ginagawa niya. Inaayos niya ung breakfast for today. Umupo na lang ako sa high stool sa kitchen island at pinagmasdan yung buong kitchen. Grabe, sobrang kumpleto ng gamit niya dito. Di kasi kumpleto ung gamit ko sa pagluluto sa condo. Eh, baka masira lang naman, bihira lang din naman kasi ako kumain.

Nilapag na ni Beth ang almusal sa harap ko at naramdaman ko na yung gutom ko. Ang sarap ng pagkain, infairness. Bacon, eggs, at longganisa, tapos fried rice! Nakakagutom talaga. Pinagsalin na din ako ni Beth ng orange juice. Teka, gusto ko ng tea. Di ako nabubuhay sa isang araw ng walang tea, eh.

"Uhm... Beth?" tawag ko sa kanya. "Bakit, ma'am?"

"Uh... may tea kayo? As in, Twinings English Breakfast Tea, if you have it." sabi ko. Nahihiya ako magrequest pero yan kasi talaga ang unang hanap ng tiyan ko.

"Ayy meron ho, ma'am. Sandali lang at ihahanda ko."

"Ayy teka po! Wag niyo po ilalagay kaagad sa hot water, ha? I-separate niyo po ung water at tea bag. Thank you!" sabi ko at ngumiti. Ngumiti naman si Beth sakin at hinanda yung tea ko. Nilagay niya sa maliit na tray yung tea bag pati hot water at teacup. Ako na yung nagprepare at wala pang sampung minuto, na-kalahati ko na yung tea. Di ko naman kaagad maubos kasi nga mainit.

Pasubo na ako ng una kong kain, bigla naman akong nakaramdam ng kamay sa bewang ko. Ugh, Damon naman!

"Good morning, Serena mine." bati niya sakin saka ako hinalikan sa pisngi. Ngumiti naman ako sa kanya kahit nabitin ako sa halik este sa pagkain.

"Good morning din, Damon. Sorry, nauna na akong bumangon. Di ko na mapigilan e."

"No, it's okay. C'mon, let's eat." sabi niya at umupo na rin sa tabi ko. Hinanda na ni Beth yung almusal ni Damon at umalis na. Saan naman kaya pupunta yon? Ayy, baka kasi may maid quarters dito. Di ko pa nga pala nalilibot 'tong condo eh! Ang laki naman kasi.

"What are we going to do today? May pasok tayo ngayon. As far as I can remember, may two meetings ka today. Meeting by 2PM with the board for the monthly sales report and by 7PM with Mr. Ventura, to fnalize the launching of the new clothing line." sabi ko sa kanya. Di naman marami yung gagawin namin ngayon, yun lang talaga na mga meetings ang meron.

I saw him holding his chin and thinking. Naku, wag niyang isipin na magcancel ng meeting kasi hirap na hirap rin yung mga ka-meeting niya sa pagpapa-re-schedule!

"Well, since it's 8AM only, we'll be going out, enjoy each other's company until 1PM. Then derecho tayo sa company for the meetings. Then we'll go home, eat dinner then bed." sagot niya.

Nako, yang bed na yan, di naman 'yan tulog! Alam ko na 'yang style mo, Damon. Bulok na 'yan. Nabasa ko na 'yan sa iba't ibang libro!

Tumango na lang ako sa kanya at pinagpatuloy ang pagkain. Nakita ko naman siyang nakatingin sakin kaya nilingon ko siya. Ano ba yan, matutunaw kaya ako noh.

"What are you lookin' at?" tanong ko sa kanya. "I just noticed... you're wearing nothing underneath my shirt." sabi niya sa kanyang oh-so sexy voice. Eek, Damon, I'm still sore, okay? Wag muna.

"Oh, okay..." sabi ko para di na humaba ang usapan. Pinagpatuloy ko na ang pagkain ko, ganun din siya. Salamat naman at di na niya ako nilalandi. Umagang umaga, halatang sex kaagad ang gusto! MYGOSH!

"Don't worry. I know you're sore." Naramdaman kong namula ang pisngi ko sa sinabi niya. Buti na lang wala na si Beth sa kitchen kundi nakakahiya talaga ng sobra!

Natapos kaming kumain ni Damon. Ako na yung nagvolunteer maghugas dahil nakakahiya naman kay Beth. Siya na ung nagluto ng almusal tapos siya pa ung maghuhugas? Di naman makatarungan yon.

And as expected, sabay kaming naligo ni Damon. Of course, no sexual intercourse happened. Even if I know na we both crave for each other, hindi niya sinubukan ang makipagtalik sakin sa ngayon dahil nga sabi niya, I am sore. Charot.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Lumipas ang araw ng parang isang ordinaryong araw lang. Syempre, nagbonding kaming dalawa ni Damon habang naglalakwatsa. Nagtanungan kami ng mga bagay tungkol sa isa't isa. Nalaman ko na adik rin pala siya sa Marvel tulad ko, pati sa mga piano orchestral pieces. Pareho rin kaming mahilig magbasa, at book collectors! Grabe. Di ko nga rin inakala na childish siya. Base kasi sa aura niya, mukha siyang seryoso at KJ. Pero hindi pala!

Kanina kasi, habang naglalakad kaming dalawa sa mall, bigla niyang hinawakan ung kamay ko. Tiningnan ko naman siya at nahuli siyang nakangiti ng pilyo. Ito na po si Playful Damon. Tsk.

"What are you doing?" tanong ko. "I'm holding your hand." sagot niya.

"I know, okay. I can see that. I mean, ba't mo hinawakan ang kamay ko?" He shrugged, then smiled at me.

"Nothing. I just want to hold you." sagot niya sabay harap sa dinadaanan namin. Naiwan naman akong nakatingala sa kanya habang pina-process ung sinabi niya.

Gusto daw niya akong hawakan. Oh, what I do to him!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Natapos na rin namin ung meetings for tonight. Grabe, hindi man lang kaming dalawa naubusan ng energy. Siguro dahil na rin ito sa comfort na nakukuha namin mula sa isa't isa.

Pagdating namin sa condo niya, dumerecho na kami sa kwarto. Nagpalit siya sa pajamas niya, tapos ako naman sinuot ko ung isa sa mga nighties na binili namin. Kulay baby pink, tapos satin na hanggang tuhod ko lang. May lace din yun sa may bandang dibdib. Tiningnan ko ang sarili ko sa mirror. Mukha akong artista mula sa sinaunang panahon.

Humiga na kami ni Damon sa kama. Hinila niya ako palapit sa kanya at niyakap kaya niyakap ko rin siya. I can still smell his manly scent. Ang bango bango talaga niya. Kahit pinagpawisan na siya ng buong araw, ANG BANGO PA RIN NIYA.

"Good night, Serena mine." bulong niya sakin sabay halik sa ulo ko. I snuggled closer to him, inhaling his scent.... and remembering the moments we spent together the whole day.

Well, thinking about all the things we had done, I conclude that...

I CAN LIVE WITH THIS KIND OF LIFESTYLE.


**

His Naughty Proposal [COMPLETE]Where stories live. Discover now