37 - EXPECT THE UNEXPECTED.

51.4K 562 29
                                    

Damon was showering my face with his kisses, that's why I woke up. Diyos ko, Lord! Hindi ba titigil sa kapilyuhan 'tong si Damon? Tingin ko hindi eh!

"Damon, stop..." bulong ko. Narinig ko naman siyang tumawa ng mahina.

"Gising na." bulong niya sa tenga ko. Nagmulat ako ng mata at nakita siyang nasa ibabaw ko, nakangiti.

"Good morning, love." Sabi niya sabay halik sa labi ko. I smiled at his kiss. Ang sarap gumising sa ganitong sitwasyon araw-araw.

"What's for breakfast?" tanong ko. "Luckily, Beth is here so nagluto siya ng carbonara this morning." Sagot ni Damon. Umalis na din siya sa ibabaw ko para bumangon at magsuot ng boxers at shirt. Bumangon na din ako at nagsuot ng robe saka lumabas kasama si Damon. Hmmm, naaamoy ko na ung carbonara. Yummy!

Naupo na kami ni Damon sa dining chair habang naghain ng pagkain si Beth. Nagpasalamat naman ako pagkaalis niya. My gahd, I super love pastas! Naglagay na din siya doon ng juice. Hindi na ako naghanap ng tea... wala ako sa mood mag-tea.

Nagsimula na kaming kumain ni Damon. Oh my. Ang sarap lang. I'm going to be damned. Hindi pa nakakalahati ni Damon ung carbonara niya, naka-round 2 na kaagad ako. Di naman niya siguro napansin kasi nagbabasa siya ng dyaryo.

"Pangalawang plato mo na 'yan." Biglang sabi ni Damon na ikinagulat ko. Napansin niya?

Tumango naman ako at ngumiti ng tipid. Ewan ko ba, gutom na gutom ako. Madami naman na yung nilagay ni Beth sa plato ko kanina. Lagi na lang akong gutom. Nakakahiya naman.

"Hmm. You're hungry this morning..." mumble ni Damon. I shrugged. "Yeah. Well apparently, not only this morning. Kahapon din, at saka nung mga nakaraang araw... ah! Pati nung nasa Palawan tayo. I'm always hungry."

Ngumiti naman si Damon. "Eat all you want, Serena. No one's stopping you, anyway. And I love seeing you eat a lot."

Nang matapos kaming kumain, naligo na kaming dalawa at naghanda para sa work. Nagsuot na lang ako ng white skater skirt, long sleeved bubblegum colored blouse at white wedges. Hindi kasi ako kumportableng magpants these past few days. Feeling ko sumikip lahat ng pantalon ko, lalo na sa parte ng legs at balakang. Kainis.

"Why are you wearing a skirt?" biglang tanong ni Damon pagkalabas ko mula sa kwarto. I looked at my outfit then sighed as I looked at him. "Eh kasi lumalaki ata ako... masikip na ung mga slacks at office skirts ko sa balakang pati sa legs. Nakakainis."

Tumango naman si Damon at nagsmirk. "Hmm. Okay. C'mon, let's go."

Pagdating namin sa office, nakatingin na naman ang lahat sa amin. Actually, alam na ng lahat dito na may relasyon kami ni Damon. Sa loob kasi ng isang buwan pagdating naming mula sa Palawan, maraming nangyari. Anu-ano nga ba yung mga yon?

First, the media finally discovered the MYSTERIOUS GIRL from the headline in the newspapers published when Au Revoir was officially launched. Siguro nakita nila kami ni Damon na palaging magkasama out of work kaya nalaman nilang ako 'yon. And of course, naging isang malaking headline ung mukha ko nung lumabas yon. Di ko nga nagustuhan ung picture na ginamit nila. Halatang stolen. Di man lang sila kumuha nung matino.

Dahil hindi naman katulad ng Hollywood ang Pilipinas na sa bawat pupuntahan ng isang sikat ay may paparazzi, hindi naman ako ginugulo ng mga media kapag nasa labas ako. Minsan may mga lumalapit para magpa-picture at autograph sakin. Di ko nga maintindihan kung bakit. Artista ba ako? Pero pinaka-nakakaloka talaga ay yung inalok ako na mag-artista. WTF?! Modeling pwede pa, pero artista? Naku, I'M OVERQUALIFIED.

His Naughty Proposal [COMPLETE]Where stories live. Discover now