Chapter 32: Day With Him

Magsimula sa umpisa
                                    

"Magpapapalit lang akong token ah?" Tumango lang ako sa kanya. Pakuha kaya ako kay Race ng toy? Ayoko! Wala naman akong hiya pag ginawa ko yun! Eh kung magpapansin kaya ako? Ano ba tong mga naiisip ko. "Ano gusto mong laruin?" Andito na pala siya.

"Basketball!"

"Sure ka?" Nagtataka niyang tanong? Dun lang kasi ako nakakapoints eh.

"Oo naman! Sayo ba, okay lang?"

"Sige." Insert smirk here! Sheez. He just smirked! Ano namang ibig sabihin non?? "Pag nanalo ako, ikuha mo ko ng toy sa toy catcher." Eh? Hindi nga ako marunong!

"Pero pano pag natalo kita?" Feeling ko naman matatalo ko siya.

"Ano ba gusto mong prize?" Pwede ikaw? Aish! Lantod mo Scarlett!

"Gusto ko din ng toy eh. Kuha mo na lang din ako." Ayan! Papansin effect ko yan! Panigurado namang mahahalata niya dahil matalino siya. Wahahahaha. Galing ko talaga!

"Hindi nga ako marunong eh." Nanlaki lang ung mata ko sa sinabi niya. Hindi siya marunong! Eh pano ako magpapakuha sa kanya?! Wala na. Palpak na plano ko. Huhu. "Gusto mo ba niyan? Haha." Ohmaygash!~ Tumawa siya!! "Sorry. Hindi kasi ako marunong eh. Haha." Medyo nagugulo pa ung buhok niya kasi parang kinakamot niya ung batok niya kasi nahihiya siya!!

"Haha. Sige, ayos lang. Iba na lang. Hmm." Pero sayang talaga. Pero ayos lang yan! Iba na lang! Isip ka lang Scarlett. "Ah~! Dance central tayo pag ako nanalo. Wag kang aangal! Haha." Feeling ko ang close namin kung magsalita ako. Pero oks lang, kami lang namang dalawa magkasama eh.

"Hmm.." Pinag-isipan pa! Pumayag ka na dali! "Sige!" Ayos! Nginitian pa niya ako! Malapit na akong mamatay sa kilig~

Nagsimula na kaming maglaro Sabay kami. Gusto ko siyang makasama sa Dance Central kaya kailangan kong manalo. Gambatte! Pareho kaming umabot ng level 2. Mas mataas ung score niya sakin pero kaya ko pang habulin yun.

Yessssss! May sunod sunod siya hindi nai-shoot na bola. Ako na ba panalo? Wahahahaha. Excited na akong magDance Central! Yehey!

Okay. Dapat kasi don't jump into conclusion Scarlett! Kasalanan mo yan! Masyado kasi akong masaya. Ayan tuloy, hindi ko napansin ung mga bola at talo pa ako. :3 Aish. Gusto kong magdance central kasama si Race eh. Huhu. Kasalanan mo to eh! Aish.

"I won. My toy, please?" Grabe. Parang hindi si Race tong kasama ko ngayon! Nagpout ako at pumunta na kami sa harap ng toy catcher.

"Ano ba gusto mo?" Nakita ko namang nahihirapan siyang pumili. Pambabae kasi eh.

"Yun na lang." Nagulat ako kasi pink ung tinuro niya! Bakla ba siya? Joke lang ung tanong na yon. Si Race Evins magiging bakla? Hindi. Hindi eh.

Sinimulan ko ng kunin ung tinuro niya.

Bakit ang hirap?! Sabi ko naman kasi hindi ako marunong nito eh. Halaaaaa~ Pero kailangan kong makuha yun. Si Race ang nagbayad ng token na to. Nakakasiyam na ako. Pero hindi ko talaga makuha! Naiiyak na tuloy ako.

My Prince of TennisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon