Chapter 14

28 1 0
                                    



14 - Proud



Where the hell am I? Bakit ba ako nakatayo sa sala ng Mansion ng mga Nepomuceno? Ugh! Freaking Xavier! Why did I agree in the first place?


Juiceko, palasyo na ata ito hindi na mansyon. Pagpasok mo sa gate nila ay medyo malayo pa ang entrance ng bahay maging ang garahe. Tinigil ni Xavier ang kotse sa harap ng mansyon nila at may sumalubong agad na bodyguard. Umakyat kami patungo sa entrance ng bahay at may mga naka-abang pang maid sa labas para batiin kami. Nanlalaki nalang ang mga mata ko sa nakikita.


"Akala ko sa TV lang nangyayari ang mga ganitong bagay pati pala sa totoong buhay." Namamangha kong sabi. Natatawa at napapa-iling nalang sa akin si Xavier.


"Close your mouth, sweetheart." Bulong niya sa kaliwang tenga ko. Tiningnan ko naman siya at ngumiti lang siya sa akin. "Come on, they're in the dining area already."


Dahan-dahan akong tumango at bahagyang ngumiti sa kanya. Nakasuot ako ng isang simpleng teal lace dress  na nabili ko sa isang kilalang store sa mall at itim na doll shoes habang siya ay nakasuot ng gray pants, black belt, black and white striped shirt over a black formal-ish jacket and white topsiders.


Tahimik akong nagpahila sa kanya patungo sa kanilang dining area. Nililibot ko ang aking mga mata sa mga nadadaanan namin pero sinubukan kong 'wag mapanganga sa mga nakikita. Nang maramdaman ko ang kamay ni Xavier sa likod ko ay napatingin ako sa kanya at nakita ko siyang nakangiti sa akin. Nun ko lang napansin ang 'pag tigil namin sa entrance ng isang malaking dining area nila na may mahabang mesa at malaking chandelier sa mataas na ceiling.


Nilibot ko ang mga mata ko sa mga taong naroon. Una kong nakita si Madam President kasama ang kanyang asawang si Atty. Velasquez at babaeng anak. At sa gitna at pinaka-ulo ng hapagkainan naka-upo ang kanyang lolo na si Jaime Nepomuceno. Bigla akong kinabahan at bahagyang ngumiti bago tumingin kay Xavier.


"Hindi na ba pwedeng mag-back out?" Napa-ngisi naman siya sa binulong ko.


"Sweetheart, it's just my grandfather, my aunt, her husband and daughter. It's not like you're meeting my parents." Naningkit ang mga mata ko sa kanyang sinabi kaya't natawa siya at hinila na ako. "C'mon, let's take a seat."


Naglakad kami patungo sa kabilang dulo ng mesa kung nasaan sila Madam at nakangiti lang akong nakatingin sa kanila. Tahimik at nakangiti lang din silang nakatingin sa aming dalawa ni Xavier. Nang malapit na kami ay mas lalong lumapad ang ngiti ng kanyang lolo sa aming dalawa.


"Um, good evening po sa inyo." Sabi ko habang isa-isa silang tinignan at nginitian. Hinila naman ni Xavier ang upuan na katapat ng kay Madam at umupo naman ako. "Thanks."


"Sure." Nakangiting sabi sa akin ni Xavier pagkatapos ay umupo siya sa tabi kong upuan na nasa right side ng kanyang lolo at katapat ang asawa ni madam. "Goodevening, lolo, tita Marj, tito Rico and Mariz! Sorry, are we late?"


"Goodevening din sa inyong dalawa." Masayang bati sa amin ng kanyang lolo. Napalunok naman ako at ngumiti. "No hijo, you're just in time. Alam mo naman kami kapag dinner, we like to seat early." Sabi nito at tumawa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 17, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Worst DistractionWhere stories live. Discover now