Chapter 6

15 1 0
                                    



6 - Puzzle



So the game went on and on hanggang sa makarating kami ng Maynila at nagda-drive lang siya. Inabot ko narin ang sandwich na sinabi niya at kumain. Inofferan ko rin siya ng tubig at inabutan ko naman siya nun.


"Sandwich, ayaw mo?" tanong ko habang tinuturo ang kinakain ko.


"No, thanks." Sabay iling niya pa ng kaunti.


"Hindi ka ba gutom? Subuan kita, gusto mo?" Inunwrap ko naman yung isang balot ng sandwich at tinapat sa bibig niya. "Kagat na, dali."


Kumunot ang noo niya at sinulyapan ang sandwich na medyo malapit sa gilid ng bibig niya pagkatapos ay sinulyapan niya ako. Napapikit siya saglit at umiling bago kumagat sa sandwich.


"So, kailan kasi kayo nag-break ng recent ex mo?" tanong ko bago kumagat sa sandwich ko ulit.


"Hmm, like 5 to 6 months ago."


"So, gaano kayo katagal naman nung recent ex mo?" Napangiti siya sa tanong ko. Ang gwapo niyang tignan habang hawak ng kaliwang kamay ang manibela at nasa hita niya ang kanan. Unfair talaga pagka-Adonis ng isang 'to. Nung nag-hulog ng biyaya ang Diyos, gising na gising siya.


"My turn first, remember?" sabay sulyap niya sakin.


I shrugged. "Sayang momentum 'e." Ngumiti lang siya at napa-iling ng konti.


"Almost 2 years." Napalingon ako ng mabilis sa kanya sa sinabi niya, nanlalaki ang mga mata. Natawa siya sa itsura ko pero binalewala ko nalang siya.


"Woah! Ang tagal niyo pala. So you were that serious with her." Natahimik siya ng ilang minuto. Inabot niya yung sandwich na sinubo ko sakanya kanina at kinain yun habang naka-hawak sa manibela gamit ang kanang kamay.


Maybe that's him saying 'Let's not talk about her' kaya hinayaan ko nalang siya. Hindi nalang ako umimik at nag-lean sa bintana habang pinapanood ang mga nilalagpasan namin.


Naramdaman ko naman ang pag bagal ng kotse at pagtigil neto kaya dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko. Nakatulog pala ako. Agad ko naman nilingon si Xavier at nagtatanggal na ito ng seatbelt bago ako nilingon.


"Kain muna tayo ng Lunch." Tumango lang ako at tinanggal na ang seatbelt ko. Bago ko pa nabuksan ang pinto ko ay nabuksan na ni Xavier ito na nasa side ko na ng 'di man siya napapansin. "Thanks." sabi ko pagkababa at nginitian niya lang ako.


Dinala niya ako sa isang Diner/Pizza and Pasta place na malapit sa Sky Ranch dito sa Tagaytay. Teka, we're in Tagaytay! Ngayon ko lang napansin. Umupo naman kami kung saan kitang-kita ang Sky Ranch at a glimpse of Taal. Hinayaan ko naman siyang mag-order ng kakainin namin habang nililibot ang tingin ko sa buong paligid.


"First time mo dito?" Tanong niya matapos mag-order at pinanood ako.


My Worst DistractionWhere stories live. Discover now