Chapter 4

23 1 0
                                    


4 - Med School


Lumipas ang ilang linggo, naging abala ako sa Thesis at sa council stuffs. Natapos ang Prelims at ang Earth day events namin ng 'di ko man namamalayan. Lahat na 'yun ay mabilis lang lumipas. Pero habang tumatagal ay lalo rin kaming nagiging malapit ni Xavier.


Well, siguro ay dahil madalas kaming magkasama. Tuwing vacant ko kasi ay laging siya ang kasama ko at pagkatapos ng klase ko ay itetext niya ko para sabihin na hinihintay niya ako sa office.


"Ang clingy mo pala, Xav." Pabiro kong sabi nung minsang nasa office kaming dalawa at nagrereview ako.


"Sa'yo lang naman ako clingy." Seryoso niyang sagot habang nakatuon ang buong atensyon niya sa kanyang iphone.


Nabato ko tuloy siya ng crumpled paper. And yes, nagtatagalog siya! Napag-tripan niya lang kasi ako noon kaya niya ako kinakausap sa ingles.


"'Guk mo!" Natatawa kong sabi. Napakunot siya ng noo at tinignan ako. "What?"


Napa-iling lang siya at binalik ang atensyon sa nilalaro. "Oh, pretty girl. Never fails to surprise me." Bulong niya habang naglalaro.


Ang cute niya panoorin habang seryoso siya sa nilalaro niya. Kunot ang noo, diretso ang tingin sa nilalaro, tapos napapa-pout pa siya ng parang 'di niya sinasadya. Ang sexy panoorin. Wait, what? What did I say?


Naging abala din naman si Xavier sa 'pag asikaso ng mga bagay-bagay sa University. Utos kasi ni Madam na gawin siyang abala, utos daw kasi ng lolo niya. And he's doing good, actually. Magaling siya sa pasikot-sikot sa University. Tutok siya sa mga project na binibigay sa kanya at sa mga pinapagawa sa kanya. Minsan nga hindi ko ma-isip kung paano niya natatapos ang mga ginagawa niya samantalang kami ang laging magkasama.


"There you are." Napalingon ako at nakita si Xavier na nakatayo sa pintuan ng conference room ng office namin. "I knew I'd find you here."


Higit isang oras na akong nasa office dahil 'di dumating ang prof namin at nagka-free cut kami. Last subject narin kasi namin 'yun kaya nagsi-alisan na kami. Ako naman ay dumiretso muna sa office para tapusin yung docu namin para sa Thesis at para i-proofread narin yung mga guidelines para sa University days sa January at Christmas Fest sa December.


"Of course, you knew." Wala sa sarili kong sagot habang nakatuon na muli ang atensyon ko sa laptop.


"What are you doing?"


"Thesis. Docu." Tipid kong sagot. Malapit narin kasi ang defense namin. Tapos na yung prototype namin at ito nalang ang kailangang ayusin. Naramdaman ko naman ang presensya niya sa tabi ko kaya napalingon ako sa kanya. Binabasa niya yung ginawa ko.


"Hmm.. you're good at this." Komento niya habang nakatingin parin sa screen ko. Nakatingin lang ako sa kanya at di ko maiwasan mapatingin sa panga niya kahit side view lang. Ang gwapo tignan. Tapos ang bango pa. Myghad, what is happening to me?

My Worst DistractionWhere stories live. Discover now