Chapter 2

33 1 0
                                    

2 - Start Again

"Seriously, Adonis?!"

Pinanlakihan ko siya ng mata at natawa lang siya sa reaksyon ko. Bumukas ang elevator at kinumpas niya ang kanyang kamay doon.

"Ladies first, pretty girl." Sabay ngiti niya na pang toothpaste commercial. Inirapan ko siya at pumasok nalang sa elevator. Sumunod naman siya sa'kin at pinindot niya ang 4.

"Sinusundan mo ba 'ko?" Irita kong tanong sa kanya.

"What? You told me to go back where I came from remember?"

"Oo nga! Bakit mo ako sinusundan?" Tinignan niya ako at ngumiti.

"I'm not following you. I'm just going back where I came from." Pagkasabi niya nun ay bumukas na ang elevator. Nakatitig lang ako sakanyang nakangiting mukha. "C'mon, I thought you don't wanna be late?"

Nauna na akong lumabas at nakasunod lang siya sa akin. Saan ba talaga 'to pupunta? Nang papasok na ako ng President's office ay nilingon ko siya pero nilagpasan niya lang ako. Pero bago siya tuluyang maka-layo ay lumingon ito sa'kin.

"See ya!" sabi niya sabay kindat.

Nag-make face lang ako sa kanya at pumasok na ako ng President's office. Sinalubong ako ng assistant at hinanap ko na agad si President. Pinapasok naman agad ako sa mismong office niya.

"Good afternoon po, Madam President! Pinatawag niyo raw po ako?" Salubong ko kay Dr. Marjorie Velasquez. Ang nag-iisang University President.

"Ah yes, Ayna. I want to talk with you about something." Nakangiti netong sabi sa akin.

"Is this about our kick-off event, madam?" medyo kinakabahan ko nang tanong. Baka kasi last minute niya pang ipa-hold yung event 'eh.

"Oh no, dear. I'm giving you my full support on your first event this school year." Malambing na sabi ni Madam. Malambing at palangiti kasi talaga si Madam. Napaka-sexy pa kahit medyo may edad na.

"Thank you po." Sabi ko at nakahinga ng maluwag. "So ano po yung gusto niyong pagusapan?"

"I'd like to--" Naputol sa pagsasalita si Madam dahil may biglang pumasok sa opisina niya.

"Tita Marj!" Tuluy-tuloy ito sa pagpasok at lumapit kay Madam sabay yakap at halik sa ulo neto. "I'm sorry I just got back. I got distracted and lost track of time." Nakatitig lang kami sa isa't isa the whole time na nagsasalita siya.

This is UN-BE-LIE-VA-BLE! What is this Adonis guy doing in here? And why is he calling the University President his 'tita'?! NO FREAKING WAY!

"No worries, hijo. But you should've answered my texts." Napangiti siya sa kanyang tita at binalik ang tingin sa'kin.

My Worst DistractionWhere stories live. Discover now