Chapter 10

23 1 0
                                    


10 - Grateful



Kinabukasan, maaga akong pumunta ng school at dumiretso agad ako sa office para asikasuhin ang mga kailangan sa 'pag polish ng guidelines para sa Christmas Fest at University Days. Advance kami sa mga ganyang bagay lalo sa U-days dahil malaking event 'yun at gusto rin namin maging maayos ang lahat.


Tumulong din yung iba kong kasama na walang pasok at nilakad ko narin ang iba pang mga dapat lakarin. By afternoon, wala nakong masyadong iniisip at for approval nalang ang mga revised guidelines for University days. Wala narin akong masyadong iniisip na sponsors dahil 1st week palang ng August ay naghahakot na kami.


Noong dumaan ako sa OSA ay napag-utusan ako ni Mr. Chua na mag-hatid ng report at schedule of events sa office ng President. Agad ko namang ginawa 'yun at nag-tungo sa building kung nasaan ang office at sumakay ng elevator patungo roon.


Sinalubong naman ako ng assistant ni Madam at nagbatian kami.


"Ayna, how are you? Parang hindi ka naman ganun kastress ha. Ang ganda mo parin." Nakangiting sabi ni Mrs. Diaz.


"Kayo talaga, ma'am. Hindi naman, wala pa nga akong tulog neto dahil sa thesis 'e." Natatawa kong sabi. Binola pa ko ni ma'am.


"Hindi halata, hija. Nako, tignan mo naman ang kutis mo at ni bakas ng eyebags ay wala ka."


Natawa naman ako kay ma'am Diaz. "Well, salamat sa genes ko, ma'am."


Nag-tawanan lang kami. Ako kasi yung tipong kahit kulang sa tulog o pagod o walang tulog at all ay hindi parin halata. Pero 'pag kumpleto naman ang tulog ko o okay ako ay doon ako mukhang stress.


"May bisita pala tayo, Gi." Sabay naman kaming napatingin ni ma'am Diaz sa nagsalita habang nakangiti parin.


"Madam! Good afternoon po." Bati ko kay Madam President.


"Good afternoon, Ayna. Nice to see you again." Sabi ni madam na may ngiti sa labi. Halatang natutuwa talaga siya pagkakita sakin dahil sa mukha niya.

"Oo nga po, long time no see."


"Can I talk to you sa office?" Nakangiti paring sabi ni Madam.


"Uh, sure po."


Tumango kami sa isa't isa. Nag-bilin siya ng iilan kay ma'am Diaz at kinuha ang report at schedules na dala ko kanina bago kami tumungo sa kanyang office.


Pag pasok ko ay inimuwestra niya ang upuan sa harap ng kanyang mesa at agad naman akong umupo sa isa sa mga iyon. Binitawan niya sa kanyang harap ang mga dalang folders bago bumaling sa akin.


"I can see that your council is doing well so far. I've alot about your previous 2 events and they were all successful. Congratulations!" Natuwa naman ako sa mga sinabi ni Madam kaya't di ko na napigilan ang pag ngiti ng malawak.

My Worst DistractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon