Chapter 8

23 1 0
                                    



8 - Outfit



Matapos nung usapan namin na 'yun, medyo naging close na kami. Kumbaga parang naging kumportable kami sa isa't isa. Though may mga times parin na umiiwas akong sagutin yung mga tanong niyang sensitive. Hindi parin ako fully nakakapag-open sa kanya kahit ganun. Hirap kasi talaga ako dahil sa mga napagdaanan ko.


Lumipas ang ilang araw at feeling ko mas lalo lang kami napapalapit sa isa't isa ni Xavier. Madalas parin niya akong asarin na gusto niya ko at naglalambing siya pero hindi nalang ako nagpapadala dahil alam kong pinagti-tripan niya lang ako at sadyang playboy siya.


Akala na nga ng mga kasama ko sa council at ng mga kaklase ko ay kami na pero sa tuwing tinatanong ako ay simpleng 'Alaga ko lang yan' ang sagot ko. May mga ilang beses pa nga akong sinusundo sa room ko nitong si Xavier kahit sinasabi niya na nagkataon lang daw.



"Sir, 5 minutes nalang po." Sabi nung class beadle namin sa prof.


"Okay, don't forget your assignments next meeting. Goodbye, class."



Last period na namin ito para sa araw kaya naman unti-unti nang naglabasan ang mga kaklase ko pagkaalis ng professor namin. Dalawang linggo narin ang nakalipas nung nag-unwind kami ni Xavier at Miyerkules na ngayon. Wala kaming pasok sa susunod na dalawang araw dahil College Days namin.



"Ayna," pabulong na sigaw ng isa kong kaklaseng babae. "Yung hot mong boyfriend sinusundo ka."


Kumunot ang noo ko sa kanya at tumango ng bahagya habang palabas ng classroom. "Wala akong boyfriend, Bey."


Ngumiti lang siya ng nakakaloko. "Whatever, Pres." Nagkibit-balikat nalang ako at lumabas na ng room.



Paglabas ko sa back door ay nakita ko agad ang tinutukoy ni Bea na 'boyfriend' ko na nakasandal ang likod sa pader sa harap ng room, naka-aviator, nakapamulsa ang isang kamay sa khaki pants habang ang isang kamay ay hawak ang phone niya at mukhang nagbabasa ng text message. Nakasuot din siya ng light blue long sleeves pero nakatupi ito hanggang siko niya.


Boy, ain't he the hottest guy I've ever seen in my entire life? You don't get to see him dressed that way every day. He always goes for the boy next door or the laid back style. And yes, he's definitely a fashionista.


Hindi ako manhid at nakikita ko kung gaano siya ka-gwapo at ka-attractive. I'm actually attracted to him pero hindi ko lang inaamin sa kanya dahil baka kantyawan niya lang ako at pagtripan lalo. Napa-iling nalang ako sa mga naiisip ko at naglakad palapit sa kanya. Agad naman niyang inangat ang ulo niya ng tumigil ako sa harap niya at napangiti ng makita ako.



"You're here na pala. Sorry, I didn't notice you right away. I was reading some messages and emails." Nagkibit-balikat lang ako at tumango.

My Worst DistractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon