Chapter 12

26 1 0
                                    



12 - Different





Tinaasan ko siya ng kilay. "What?" Umiling siya at binigay sa akin ang box.


"I said it's for you. I brought it."


"Ha? Kailan pa naging 'sweetheart' pangalan ko?" Bumuntong-hininga siya na para bang naiirita na sakin pero hindi niya pinakita.


"Just take it, okay?"


Tinignan ko naman siya ng mabuti. Nagkatinginan kami saglit bago ko nilipat ang tingin sa box na inaabot niya sa akin. Nag-kibit balikat nalang ako at kinuha ito.


"K, thanks." Sabi ko sabay kuha at balik sa harap ng pc.


Sumunod lang siya sakin at umupo sa mesa sa tabi ng pc habang nakatingin sa akin. Nung weekends ay hindi naman niya ko nakalimutan itext tuwing umaga maging pag gabi. Minsan ay nagkakatext kami pero saglit lang dahil binuhos ko ang buong weekend ko sa mga kuya ko.


Alam kong ngayong araw ang balik niya pero akala ko kay hapon pa siya darating at hindi ganito kaaga.


"Too early for work, don't you think?" Nakangiting sabi nito.


"You know me, Xav. And I have class in.." tinignan ko naman ang watch ko. "Shit! I'll be late. I need to go."


Tumayo ako at hinablot ang bag ko sa sulok. Bago pa ako tuluyang makalabas ay sumigaw si Xavier.


"Your box!"


"Babalikan ko mamaya. See you later!" and then nag-ala flash nako sa pagtakbo para di ako malate sa first class ko.



Halos buong araw akong busy dahil tinambakan kami ng assignments at exams ng mga prof namin for the week. Oral defense narin namin next week kaya nag-aral kami ng araw na 'yun ng mga kagroup ko.



Kinagabihan 'pagkatapos ng klase ko ay nakitang kong may text ni Xavier.



Xavier:

I'll drop you home. I'm in the office.



Bumuntong hininga ako. Tinago ko ang cellphone ko at naglakad patungo sa office namin. I don't know pero wala ako sa mood para kay Xavier ngayong araw. I know I saw him this morning pero wala lang talaga ako sa mood.



Bumili muna ako ng inumin sa vendo machine at dumiretso na ako sa office. Pag dating ko doon ay sinalubong ako ng ingay ng mga kasama ko at ni Xavier.

My Worst DistractionWhere stories live. Discover now