Chapter 9

22 1 0
                                    



9 - Possessive



Boring.


Sobrang boring.


'Yan ang feeling 'pag wala si Xavier. First day ng college days namin at unang araw palang na wala si Xavier at sobrang nababaog na'ko. Isang beses palang niya ako tinext at kaninang umaga pa 'yun.



Xavier:

Good morning, pretty girl! On my way to Manila already. Don't miss me too much, okay? Enjoy today! :)



Saya niya pa ha. Nireplyan ko rin naman siya ng 'Good morning' at sinabihan ng 'Enjoy today' pero wala narin akong natanggap pa na text matapos nun. Ayoko naman siyang itext at guluhin pa dahil baka busy naman siya sa lakad niya doon. Hmp, bahala siya.


"Oh, Ayna. Nakasimangot ka diyan?" Sabi ni Jake na kaklase at ka-group ko sa thesis.


Nandito kasi kami ngayon sa isa sa mga classroom sa building namin at nirereview ang thesis namin. In 2 weeks kasi ay OD na namin. Okay narin naman ang thesis namin at kailangan nalang talaga namin mag-handa para sa defense.


"Hindi ah, masakit lang ulo ko dito sa presentation natin."


"Aysus, ang sabihin mo namimiss mo lang yung boypren mo." Kantyaw ni Felix na kagroup din namin. Gwapo 'yan kahit may braces. Dinala ng chinito eyes niya at pang-model na ngiti.


"Oo nga. Nasaan ba yung boyfriend mo, friend?" Singit ni Liezl. Dalawa lang kaming babae sa grupo, si Liezl at ako.


Napa-iling nalang ako at inirapan sila. "He's not my boyfriend."


"Pero kung makasimangot ka diyan wagas."


"Oo nga, at yung 'boyfriend' talaga ang napansin mo ha."


Kantyaw pa nung iba. Napa-buntong hininga nalang ako. "Umuwi ng Maynila si Xavier may kailangan daw asikasuhin. Teka, bat ba kailangan ko pang mag-explain sa inyo?" Sabi ko sabay halukipkip.


"Ayan na si Ayna masungit, naku. Tigil na kayo." Sabi ni Felix sabay tawa. Hilig talaga mang-asar ng isang 'to.


"Hoy Felix, libre mo nalang nga kami ng pagkain. Gutom na'ko." Sabi ko habang nakatingin ng matalim sa kanya.


"Grabe, kailan pa ako nagka-utang sa'yo?"


"Sinabi ko bang may utang ka? 'Di pwedeng gusto ko lang ikaw ang manlibre?" Sabi ko sabay belat pa. Napa-iling nalang siya at kamot sa batok.


"Tara na nga, Pat. Samahan mo nako sa canteen at baka mag-sumbong si Ayna kay sir Xavier." Hinila ni Felix si Pat palabas ng room habang sinasabi 'yon.

My Worst DistractionWhere stories live. Discover now